DANNY POV Nagising ako dahil sa naramdamang mabigat na nakadagan sa akin. Pero dahil sa nanghihina pa rin ako ay hindi ako kaagad nagdilat. Hanggang sa maramdaman ko ang kakaibang init na humaplos at nagumapang sa loob ng t-shirt ko. Awtomatikong bumuka ang mga mata ko. Umawang ang bibig ko at napakurap ng paulit-ulit nang makita si Arrinanne na yakap-yakap ako. Napigil ko ang paghinga ko nang gumalaw siya. Lalong humigpit ang yakap niya. Pinatong niya pa ang hita sa puson ko. "Sh¡t ..." pabulong kong mura. Anong nangyayari? Bakit magkatabi kami ni Arrianne? Dahan-dahan kong iginala ang paningin sa buong silid, nakita ko ang mga bowl na may tubig at may bimpo na nakababad doon. That explains why Arrianne is sleeping in the same bed with me. Naalala ko, sumama nga pala ang pakikiram

