Chapter 16

1713 Words
Chapter 16 Third Person's Pagkatapos magbihis ni Kesha ay lumabas siya agad sa kanyang kwarto. Confident niyang nilapitan ang binata. At nakangiting inabot sa kan'ya ni Rex ang dalang chocolate at white roses. Masayang kinuha ng dalaga. "Baka maging flower shop na ang bahay namin" nakangiting tanong niya sa binata at nagpasalamat din siya. "Much better," sagot niya sa dalaga. Ilang sandali ay dumating din sila sa Jones Mall. Ang Jones mall ay isa ito sa mga pinakamalaking mall sa Pilipinas. Kahit sa ibang bansa nakikilala ang Jones mall. Dahil halos lahat ng mga sikat brand ng mga damit ay dito mo makikita. Pagpasok nila sa mall ay halos lahat ng mga babae man o lalaki ay sa kanilang nakatingin ang mga ito. Lalo ang mga babae agaw pansin talaga ang karisma ng binata. Hinayaan lang ni Kesha ang mga babaeng umaaligid sa binata. Nagulat si Kesha na biglang hawakan ni ng binata ang mga kamay. Hindi lang pinapahalata ng dalaga na kinikilig ko to the bones na siya. Sinong nadadaanan nilang dalawa ay hanggang tingin lang ang ibang babae dahil siya ang kahawak-kamay ng binata. Dumiretso sila cinema. Pumili sila ng magandang movie. Minsan sinusulyapan ni Rex ang dalaga ng palihim. Hindi akalain ng binata ay magawa niyang pumunta dito sa cinema. For how many years ay hindi siya nag-cinema dahil sa mansyon nila ay theater kahit sa sarili niyang apartment ay meron sila. Never in his life na may dinala siya sa na babae sa cinema si Kesha pa lang ito. "So, may napili kana bang movie?" tanong ni Rex sa dalaga. "The fast furious," sagot niya. Biglang tumawa ang binata. Akala kasi niya romance movie ang napili ni Kesha ay hindi pala. "Sigurado ka?" tanong ulit. Napangiwi si Kesha sa tanong ng binata sa kan'ya. "Yes, pero kapag hindi mo bet we can choose another movie?" she asked him. "No, no, no! It's fine. Akala ko kasi romance movie ang gusto mo, tulad ng ibang babae." Nakangiting sabi ng binata sa dalaga nakatingin si Kesha sa kan'ya. "Idol ko kasi Vin Diesel," she said. "Ako hindi mo idol?" lihim na tanong ni Rex sa sarili. He closed his eyes. Napabuntong-hininga ang binata. Nakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso sa sinabi ni Kesha. But this time ay sasabihin na niya sa dalaga kung ano ang nararamdaman niya. Nilingon siya ni Kesha, masaya niyang tinitigan ang binatang nakapikit ang mata. Kung tulog lang ang binata ay hinaplos na niya ang makinis na pisngi ni Rex. Maya-maya ay dahan-dahan minulat ni Rex ang kanyang mga mata nahuli niyang tinitigan siya ng dalaga. At si Kesha ay yumuko ko agad ng mahuli siya ng binata. Pagkalipas ng ilang minuto ay pumasok na sila sa loob ng sinehan. Tahimik lang silang dalawa walang nag-iimikan. Nag-iingay lang si Kesha kapag -action ang lumabas. Minsan ay napupunta ang kamay ni Kesha sa popcorn ng binata. Natatawa lang sa kan'ya si Rex dahil maingay din pala ang dalaga. Wala siya pakialam sa iba kapag gumaganda ang palabas ay sumigaw din siya. Hanggang sa natapos nila ang movie. Lumabas din agad sila sa loob akala ng mga tao mag syota ang dalawa. Dahil si Rex ang nagbitbit ng shoulder bag ng dalaga. "Nag-enjoy ka ba sa movie? tanong ni Rex. "Super, thank you. Matagal din ako hindi nakapanood ng movie dito sa cinema. Salamat ulit." Pasasalamat ni Kesha. Ang mga mata ng dalaga ay may may guhit na kasiyahan. "I do everything for you Kesha, to make you happy." He said and she smiled at her. Hindi nakasagot si Kesha sa kan'ya. Dinala siya ng binata sa mamahaling restaurant. Ito ang pinakamalaking restaurant sa loob ng mall ang De Resto Rosto Restaurant. Tanging may kaya lang sa buhay ang kumakain. Pagpasok nila sa loob ay napaka-tidy and cozy. May isang babaeng nagpa-piano papasok sa loob. Kung e-compare sa Jones restaurant ito ay mahirapan kang pumili. Nakangiting sinalubong ng isang lalaking matangkad si Rex. Nakatingin ang lalaki kay Kesha. "Dude!" sabi ng lalaki at ang mga mata ay kay Kesha. Hi! Lady, I'm Rafael." Pakilala ng kaibigan ni Rex. "Kesha," binigay ng dalaga ang kamay at nag-shake hands sila ni Rafael. Biglang hinawakan ni Rex ang baywang ng dalaga hinapit niya ito. He is already possessive to her. Akala mo naman ay tatakasan. Walang imik si Kesha hindi niya magalaw ang sarili dahil mahigpit siyang hinahawakan ng binata ang kanyang baywang. Nagkatitigan silang dalawa halos magdikit na ang mukha nilang dalawa. Tumikhim si Rafael kanina pa niyang tiningnan ang dalawa. "Ang possessive mo naman Rex. Huwag mo nang pakawalan pa." Biro ni Rafael sa kaibigan. "Rafael , leave us alone!" matigas na sabj niya sa kaibigan. Tinaas ng ang dalawang kamay bilang pagsuko. Umalis din si Rafael at tinungo ng dalawa ang kanilang table. Mukhang already ng naka-reservation na ito. Pinaupo ni Rex ang dalaga ng maayos. Umopo rin ang binata. Kumuha siya ng buwelo para magtapat ng pormal sa dalaga. Dahil ilang gabi na ito hindi pinapatulog ng dalaga. "Kesha," malambing niyang tawag sa pangalan ng dalaga. "Yes, Sir." nahihiyang sagot ng dalaga. "I really like you Kesha. I want to know more about you. I like you so much. This is my first time na magtapat ng ganito sa babae. Personal akong magpapaalam na liligawan kita." Hinawakan ng binata ang dalawang kamay ng dalaga. Napaawang ang labi ni Kesha. Medyo nanginginig pa ang kanyang kamay. She doesn't know how to respond to Rex. "Pero, sir." Hindi natuloy ng dalaga ang sasabihin dahil biglang hinagod ng binata ang kanyang labi tila batang maliit na pinatahimk niya ang dalaga. Sir, mag-order muna tayo nagugutom na kasi ako." Pag-iiba ni Kesha sa usapan nila. Kahit na hindi siya gutom ay iyun ang ginawa niyang reason sa binata. Mabilis na tinawag ni Rex ang waiter. Pagdating ng waiter ay nag-order silang dalawa. Habang hawak-hawak ni Kesha ang menu ay hindi siya mapakali. Kung pwede lang ay tumayo na siya at umuwi. Pero hindi niya magawa dahil parang pinipigilan siya ng upuan niya na huwag tumayo at gumalaw. Both fish fillet ang order nilang dalawa at scissor salads. "So ano, papayagan mo ba akong ligawan kita?" tanong niya ulit sa dalaga. "Pero ,sir. Baka masyado nanam mabilis ang pangyayari na liligawan mo ako." Saad ng dalaga. "May iba ka bang gusto? Ang dream boy mo ba ang sagal sa'yo?" malungkot na tanong ng binata sa kan'ya. "No!" mabilis na sagot ng dalaga. "And why? Hayaan mo akong ipalit sa kan'ya. Let me identify?" Tiningnan lang siya ni Kesha. "Let me think sir," she said. "Please, babe can you drop that f*cking sir. I'm not your boss. I am your man." He directly said to her. Natulala si Kesha sa sinabi ng binata. "Ano raw? He's my man?" tanong ng isip niya. Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating ang kanilang order. Masaya silang kumakain. Hanggang sa kumanta ang babaeng na nagpa-piano. Sabay nilang nilingon ang babaeng kumakanta. "Do you love music? tanong ni Rex. "Yes. Ikaw?" she asked him. Mabilis siyang sinagot ng binata at sabay silang tumawa. "Can I dance with you?" biglang tanong ni Rex kay Kesha. Agad namang sumang-ayon ang dalaga masaya niya kinuha ang kamay ni Rex. Nang hawakan ni Rex ang kanyang kamay ay pinisil-pisil niya ito. Nilagay ng binata ang kanyang kanang kamay sa maliit na baywang ng dalaga. Pakiramdam ni Kesha ay nagwawala nanaman ang kanyang puso. "Ano babe, pinapayagan muna ba akong ligawan kita?" nakangiting tanong niya sa dalaga habang sinasabayan nila ang romantic music sabayan pa ng napaka-romantic na piano. "Di ba sabi ko let me think? Paano ako nakakasiguro na totoo ang sinasabi mo?" tanong niya. "Subukan mo ako. Wala naman magagalit? Kung papayag ka ngayon na ligawan kita. I am already yours." Seryosong sabi ng binata sa kan'ya. "Tama ka, wala naman masama. Pero hindi tayo dapat ng padalos-dalos sa bawat desisyon natin. Dahil kapag mahulog tayo kung hindi tayo sa tamang kamay na salohin, tayo rin ang masasaktan." Mahabang sabi ni Kesha sa binata. Kung sa akin ka mahuhulog babe. Hinding-hindi na kita papakawalan. You already me. Honestly, binihag mo ang puso ko nang husto. Hindi ko maisulat ang mga salitang gusto kung sasabihin sa'yo. Don't ask me why? Because there are no reasons why I like and I love you. Gustuhin man ni Kesha na isisigaw niya sa harapan ng binata na pumayag siya ay hindi niya magawa. Sa mga lumabas na salita mula sa binata ay sobrang nagpapasaya sa puso ng dalaga. Ang kinatatakutan ng dalaga ay paano kung malaman ng ina ng binata. Lalo na mula sa bibig ng ina ni Rex narinig niya na hindi basta-bastang babae ang ipapakila niya sa mga ito. "I'm not gonna force you babe. I understand." Pangpa-calm niya sa dalaga. Pero mahal ni Kesha ang binata. Wala naman siguro mawawala kung magtapat din siya kay Rex. Kung sila talaga ang nakalaan para sa isa't isa ay sunsundin niya kung ano ang nararamdaman niya. "Isang kilalang tao, mayaman mataas ang ankan isa pa makapangyarihan ang pangalan. Paano kung?" Hindi natuloy ng dalaga ang kanyang tanong ng bigla siya pina tahimik ni Rex gamit ang kanyang hintuturo. "Don't mind them, kaya kung ipagsigawan na ikaw akin. I am so glad kung marinig ko sa'yo ngayon mula sa matamis mong labi, na pinayagan mo na akong ligawan kita." Muling sabi ng binata sa dalaga na tahimik lang 'tong nakatingin sa kan'ya. Sinalubong din ng malalim na mata ng binata ang titig sa kan'ya ni Kesha. "Huwag mo nga akong titigan ng ganyan Rex, naninindig balahibo ko e." Nginitian lang siya ng binata. "I like you, Kesha hindi ako magsasawang sabihin sa'yo ang katagang ito. Gusto kita dahil mahal kita." Natulala nanaman ang dalaga sa harap ng binata. Mas diniin ng binata ang paghawak sa kanyang baywang. Bawat hawak ng binata ay ang mga mata ng ibang tao ay sa kanila. Sinasadyang idinikit ng binata ang kanyang noo sa noo ni Kesha. "Please. Hayaan mo akong iparamdam sa'yo na mahal kita? I'll promise na hindi ako katulad ng ibang lalaki." Napalunok si Kesha sa sinabi ng binata. "Kung talagang gusto mo ako. Hayaan mo muna akong makapag-isip," sagot ni Kesha isang malawak na ngiti sa labi ng binata. "Yes!" sigaw ni Rex, sa loob ng restaurant.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD