Chapter 15

1662 Words
Chapter 15 Third Person "Anak magbabakasyon muna tayo sa weekend sa resort natin sa Batangas. Isasama ko rin si aking si Alma at ang kanyang anak. Para makilala n'yo ang isa't isa." Sabi ng kanyang ina sa harap ng hapagkainan. "Mom, I have so many things to do next weekend, maybe some other day." Sagot niya sa kanyang ina. Dahil ang ina niya ni Rex ay gustong-gusto niyang magkalapit ang kanyang anak sa matalik niyang kaibigan. "Connie kapag ayaw ng anak mo huwag mong pilitin." Sabi ng kanyang asawa. Seryosong kumakain sila ng almusal. Tatayo na sana si Rex sa kanyang kinauupuan ay muling nagsalita ang kanyang ina. Pinaupo niya binata, hindi rin tumanggi si Rex. Umupo siya ulit at tiningnan niya ang kanyang ina. Tumikhim muna ang kanyang ina bago ito muling nagsalita. "Rex, anak. Kung sino man ang babae na iyan na gusto mong ipapakilala sa amin, make sure na maganda ang kanyang background. Hindi iyun na pipitsugin lang na babae. Alalahanin mo kung sino ka. "Connie!" matigas na tawag ng kanyang asawa. Pero hindi ito pinansin ng ginang asawa. "Mom, mas mahalaga pa rin ba sa inyo ang pera. Mom kung mahal natin ang isang tao ay hindi basehan sa kayamanan kundi mula sa ating puso." Mabilis na tumayo si Rex iniwan niya ang kanyang ina kasama ang ama na kumakain ng almusal. Kahit tinawag siya ng kanyang ina ay hindi niya sinagot. Bago umakyat si Rex sa sa taas ay sinabihan niya ang kanilang kasambahay na dalhan siya nito ng kape sa kanyang library. Pagkatapos niyang utusan si manang ay malaking hakbang niyang tinungo kwarto sa taas. Umiling-iling lang si Jacinto sa mga pinagsasabi ng kanyang asawa. Mabait na naman ang ginang pero gusto niya ang mamili sa maging asawa ng kanyang anak. At ang bunso niyang anak ay bumalik din agad sa Italy. Pagkalipas ng ilang araw na matapos ang kanyang kaarawan. "Hayaan mo ako sa ginagawa ko Jacinto." Sabi niya sa kanyang asawa. Kinuha ni Mrs. Connie ang kanyang mobile tinawagan niya ang matalik na kaibigan. Niyaya ni Connie na mag-dinner silang lahat sa labas. Naintindihan din ginang sa kabilang linya kung ano ang gusto ng kaibigan at sumang-ayon ito. Nagtatawanan pa silang dalawa sa linya. Maya-maya ay dumating ang kaibigan ang isang kaibigan ni Rex na si Rafael. Lumapit muna ito sa ina ni Rex na nakaupo sa living room. Tinanong niya ito kung nasaan ang kaibigan agad naman niya itong sinabi kung nasaan ang anak. "How's your Mom?" tanong niya kay Rafael. "She's fine Tita, kahit papaano ay nakaka-move on na po siya." Nakangiting sagot niya sa ginang. "That's good. Kapag hindi ako busy tell her bisitahin ko siya." She said, at nagpasalamat siya sa ginang. Inakyat ni Rafael ang library room. Kinatok muna niya ang pinto bago niya itong binuksan. Masayang sinalubong siya ni Rex na kahit busy siya sa mga papeles na hawak nito. Hindi kasi pumasok sa opisina. Kaya lahat ng mga importanteng papeles ay sa bahay na niya itong tatapusin. Dahil he promised to Kesha na manood sila ng sine at lunch outside. Hindi niya itong papalampasin dahil napasang-ayun niya ang dalaga. "Mukhang iba ngiti nasa mukha bro? May hindi ba kaming alam? Umibig naba ang CEO?" Biro ni Rafael. "Actually, yeah!" Masayang sagot ni Rex at tinigil niyang pirmahan ang ibang papeles. "Who's that lucky girl?" He asked him. Hindi agad sinagot ni Rex ang tanong ng kaibigan. Huminga muna siya ng malalim at sinandal niya ang kanyang likod sa swivel chair. Ang ina ni Rex ay kakatukin niya sana amg pinto para dalhan ng snacks ang dalawa ay hindi niya tinuloy ang pagkatok sa pinto. Lihim niyang pinapakinggan ang pinag-uusapan ng magkaibigan. "Kesha Silvy," nakangiting sagot ni Rex sa kaibigan. "And who was that lady? Kailan pa kayo bakit hindi mo sinabi sa amin?" He asked him again. "Hindi pa kami, liligawan ko palang siya. I think not just I like her, I love her. When I see her iba ang t***k ng puso ko sa kan'ya. I feel happy when I see her. She's a beautiful and amazing woman. "Wow, bro! Nagising na talaga ang puso mo. Where did you meet her?" "She's a waitress at Nathan's restaurant." Sagot niya sa kaibigan. Nang marinig ng ginang ang sinasabi ng anak ay napahawak siya sa kanyang dibdib. Kumunot ang kanyang noo sa narinig. Ito yung ayaw niya ay mapunta ang anak niya sa babaeng hindi nilang ka- level ng buhay. Inayos niya ang sarili bago niya kinatok ang pinto. Pekeng ngiti ang ginawa niya sa harap ng dalawang binata. Nakita ni Rafael na may hawak itong tray na may lamang some cookies and coffee. Mabilis kinuha ni Rafael ang nasa kamay ng ginang. At pinasalamatan niya ito. "Mukhang may mahalaga kayong pinag-uusapan?" tanong ng ina ni Rex. "Yes po, Tita. Umiibig na yata ang kaibigan ko e," tugon ni Rafael. Tumango lang ang ginang kay Rafael. "Son, may dinner tayong mamayang gabi. Kung may lakad that time please cancel it." Hindi na niya hinintay pa ang sagot ng anak at tinalikuran niya ang dalawang binata. "So kailan mong ipapakilala si Kesha sa amin?" excited na tanong kaibigan. "Soon, actually lalabas nga kami ngayon." Saad niya kay Rafael at muli niyang pinirmahan ang mga papeles sa na nakapatong sa lamesa. "Balita mukhang malapit ng mahanap ni Nathan si Emma?" tanong ni Rafael habang sinusubo niya ang isang cookie. Nginitian lang siya ni Rex, dati kapag nababanggit ang pangalan ni Emma ay nag-iiba ang aura ng kanyang mukha. Pero ngayon ay hindi na nag-move on na siya. Dahil alam niya na hindi talaga siya para kay Emma. Mananatiling isang magandang alaala lang sa kan'ya si Emma. "Ate saan ba ang punta mo? Dahil kanina ka pang nasa harap ng salamin Nakailang palit kana rin ng damit at lahat ay maganda ay nababagay sa'yo." Puri ng buso niyang kapatid. Hindi siya sinagot ni Kesha, dahil hindi niya rin alam kung anong meron sila ni Rex. Hindi niya rin alam kung first date ba niya ito sa binata. Kung date man ito para sa kan'ya ay siya na ang pinakamasayang babae sa araw na ito. Maya-maya ay nagpaalam ang dalawa niyang kapatid. Dahil isa sa mga kaibigan ni Katya ay inimbita siya sa birthday kaya sinama niya rin ang bunsong kapatid. May isang oras pa naman bago sunduin ni Rex si Kesha. "Ate aalis na kami, have fun with Kuya Rex and say hi to him." Sabi sa kan'ya ni Katya. Tumango si Kesha at hinalikan niya ang kapatid. Pag-alis ng dalawa niyang kapatid ay inalis ni Kesha ang suot niyang damit. Sinukat niya lang ito para ipakita sa dalawang kapatid kung bagay ba sa kan'ya ang isusuot niya mamaya. Nilapag niya sa ibabaw ng kama niya ang damit at punta sa banyo upang maligo. Nang nasa banyo na siya ay mabilis siyang naligo. Habang nasa banyo si Kesha ay dumating ng maaga ang binata. Nakita niyang bukas ang pinto at hindi nakasarado ng mabuti. Kumatok siya ng tatlong beses ay walang sumasagot sa kanyang katok sa pintuan. Pumasok siya sa na may dalang isang malaking teddy bear. Ireregalo niya ito kay Kimberly at isang box ng chocolate samahan pa ng puting roses. "Hello, anybody here," he saide. Humakbang papuntang kusina ang binata pero wala pa rin siyang nakitang. Hanggang sa may narinig niyang tunog ng bukas ng pinto. Nilingon niya sa bandang kaliwa na pinto na hindi kalakian. Nilingon niya ito nakita niyang ang dalaga na nakatapis lang ito ng puting tuwalya. Pinagmamasdan niya ang dalaga na nakatayo sa pinupunasan niya ang kanyang ng maliit na tuwalya. Tiningnan ng binata mula ulo hanggang paa ang dalaga hanggang ngayon ay wala siyang kaalam-alam na mga mata ni Rex ay sa kan'ya. Tila slow motion ang mga mata ng binata sa mapuputing binti ng dalaga. Kesha Silvy has a sexy pair of legs. Napalunok ang binata ng tanggalin ng dalaga ang ang tuwalya sa buhok niya. Inilunugay niya ang kanyang buhok at sinuklay niya na gamit ang kamay nito. Ang mata ng binata ay nakatuon sa makinis, mahaba at maputing legs ni Kesha. Nang masagip ni Kesha ang binatang lihim na tinitigan siya ay lumaki ang dalawang mata. Para siyang piping sa kinatatayuan niya. Hindi niya maigalaw ang kanyang tuhod, tila nanlalambot ito. Mas lumalakas ang t***k ng kanyang puso. Kitang-kita ni Kesha kung paano siyang tingnan ng binata. Ang matang punong-puno ng init. Matang kaya kang angkinin ng buong-buo. Kung magpapadala sa ganu titig ay makukuha ka agad sa isang titig lang sa'yo. Ganun kalakas ang karisma na taglay ng binata. "Sir, Rex!" gulat na sabi ni Kesha sa pangalan ng binata. Sa tahimik na titigan nilang dalawa ay ni isa sa kanilang ay walang nagsasalita. Kusang gumalaw ang paa ng binata. Papunta sa kinatatayuan ni Kesha. Nang mapansin ng dalaga na lumalapit sa kan'ya ang binata umurong siya. Hindi na niya kaya, parang mawawalan na siya ng hininga sa lakas ng tambol ng kanyang puso ay hinigpitan niya ang paghawak sa tuwalya na nakabalot sa buong katawan niya. Kahit sinong lalaking makakita kay Kesha ay maaakit sa kan'ya. Maganda si Kesha parang pang modelo ang pangangatawan ng dalaga. May katangkadan din ang dalaga, ang maamong mukha ay napakalakas ng appeal. She has a very catchy face. Ang kanyang natural na mahabang pilik mata. Ito yung ganda na kahit saan mo isabak ay hindi magpapahuli. Mas lalong napaawang ang labi ng binata ng makitang namumula na ang pisngi ni Kesha. Hindi napigilan ng binata na hawakan ang braso ng dalaga. Nang hawak niya ito ay na estatwa si Kesha sa harap ng binata. "Babe," mapang-akin na bulong ni Rex sa punong-tenga ng dalaga. Hindi nagsalita si Kesha, walang sabing tinungo ni Kesha ang kanyang kwarto. Pagpasok niya sa loob ay mabilis niyang sinarado ang pintuan ng kanyang kwarto. Doon pa siya naka ginhawa ng maluwag. Dahil pakiramdam niya ay ang kanyang puso ay nahihirapan na siyang kuntrolin sa lakas ng kabag nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD