Chapter 14

1770 Words
Chapter 14 Kesha Silvy "Sh*t!" Bulyaw ng isip ko dahil bigla niyang sinakop ng halik ang aking labi. Kinulong din niya ako ng kanyang malaking bisig, sa aking dalawang braso. Hindi ko rin maigalaw ang katawan ko dahil tila nauubusan ako ng lakas. Dahil nasakop na niya ang buong katawan ko ng kanyang bisig. Mas dinidiin niya ang kanyang halik. Ang mainit niyang hininga ay kumakalat sa sa buong katawan. Nalilito ako kung gaganti ako sa mainit na halik sa akin ni Rex. Hindi ko namalayan ay nadadala niya ako sa kanyang halik. Tinugon ko bigla ang mapusok na halik ni Rex. Mabilis niyang nabuka ang labi ko ang kinagat muna niya ito bago niya pinasok ang kanyang dila. Pakiramdam ko buong katawan ko ay nag-iinit sa mainit niyang labi. Ilang segundong halikan namin ay bigla niyang tinigil ang paghalik sa akin. Hinawakan niya ng kanyang kamay ang magkabilang pisngi ko. Tumingin siya sa akin ng diretso. Sunod-sunod akong napalunok. Dinikit niya ang kanyang noo. "I like you Kesha. I wanted to court you." He said. Hindi ko agad nasagot ang sinabi niya sa akin. Tiningnan ko siya sa kanyang mata. Tila nangungusap ito na maraming gustong sabihin. Dahil kung titigan mo ng maayos ay bawat galaw ng kanyang mata ay may pahiwatig. "Liligawan na sinasabi mo pero kinabukasan bigla kang nawawala." Pukaw ko sa titigan namin. "Galit ka ba sa akin at hindi ako nakapag paalam, na nag-out of country ako?" mahinahon niyang tanong sa akin. "Bakit naman akong magagalit?" tanong ko. Sa pagbuka niya ng kanyang bibig ay napadako ang mata ko sa mapupula niyang labi. Hanggang ngayon nalalasahan ko pa rin ang malambot niyang labi. Nanlaki ang mata ko ng bigla niyang hinagod ng daliri niya ang aking labi. Para na akong estatwa na hindi makagalaw. Hindi ko na alam ano ang gagawin ko dahil ang kanyang kulay hazelnut na mata ay hindi na kumukukarap sa kakatitig sa akin. Lulunikin na ako nito na buong-buo at mainit niyang daliri. Binaling ko ang mukha ko. "Babalik na ako sa court, baka hinanap na ako at gusto kung malaman kung nanalo ba sa laro sila Cardo at Kareem." Basag ko sa tahimik namin na titigan. Nakita kung umigting ang kanyang panga. "When you say that bastard man's name I'm getting f*cking jealous." Madiin niyang sambit sa akin. "Rex, baka pagod ka lang. Umuwi ka muna at magpahinga. Isa pa babalikan ko ang kaibigan ko baka hinanap din ako." Sabi ko ang malalim niyang mata ay nakatingin sa akin. Binaliwala ko ang sinasabi niya. Tinalikuran ko siya dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kan'ya. Nakita ko sa kanyang mukha how's possessive he is. Yes I love him so much. Hanggang lihim ko lang siyang kayang mahalin. Masaya na sa panaginip ko lang siya nakakasama. Pero sa ganitong paraan ay malabo. Lagi parin sa isip ko at hindi pa rin nabubura sa isip ko at nakatanim na sa isip ko ang mga salitang lumabas sa bibig ng kanyang ina. Tatlong hakbang palang ako ay bigla ako pinigilan ni Rex. Hinapit niya ang baywang ko ng mahigpit. Napahinto ako sa paghakbang ko. Napa-buntong-hininga ako, pinaharap niya ako gamit ang kanyang malaking kamay. Sa totoo lang ang pinaparamdam niya sa akin ay matagal ko na itong pinanabikan. "Babe, ihahatid na kita." Malambing niyang sabi. Tila may mga naglalarong paru-paru sa tiyan ko kapag tinawag niya akong babe. Hindi na rin ako nagprotesta ng sabihin niyang ihatid niya ako. Tatanggi sana ako at gusto ko siyang umuwi dahil mukhang pagod siya. Wala rin kaming napag-usapan na dalawa. Tumikhim siya. Hinawakan niya kamay sa paglalakad namin. Hihilain ko sana pero hinigpitan niya ang paghawak sa kamay ko. "Galing ako Singapore. Nagkaroon ako ng biglaan na emergency business trip. I'm sorry I didn't inform you. Hindi rin ako nakapag-paalam sa'yo." Paliwanag niya sa akin. "Ayos lang, not necessary." Saad ko. "Hindi ka nagtatampo sa akin?" tanong niya. "No, worry. Isa pa wala naman akong karapatan magtampo sa'yo." Sabi ko at kinalas ko ang kamay ko sa kamay niya. Kung maka-holding hands sa akin ay parang magkasintahan kami. Nahihiya ako dahil ang mga mata ng ibang tao ay nakatingin sa amin. Lalo na parang magkandarapa na sa kakatitig mga dalaga dito sa barangay namin. Nakita ko pang nagbubulungan ang iba kahit gabi ay nakita ko silang nagbulung-bulongan. "Boyfriend mo ba iyan Kesha. Ang swerte mo naman. Bukod sa gwapo na makisig pa. Mukhang mayaman ang na nabingwit mo?" sabi ng isa dito sa barangay namin na walang ginawa kundi tingnan ang galaw ng bawat tao . Nahihiya ako sa katabi ko sa sinabi ni Aling Rosenda. Sinagot ko ang tanong niya. Nang sabihin ko ang totoo ay hindi siya naniniwala. Tinalikuran niya kami, sigurado bukas kakalat na ang nasagap niya sa buhay ko. Paano kasi kung hawakan ni Rex ang kamay ko ay inaangkin. Akala mo naman na tatakas ako salungga ko. "May gusto ba sa'yo ang Cardo na'yan?" nagulat ako sa tanong niyang bigla. Napaawang ang labi ko ng lingunin ko siya. Seryoso niya akong tinitingnan at hinihintay ang sagot ko. "Kaibigan lang kami," sagot ko. Napalitan ng liwanag ang kanyang mukha. Kahit ilang araw palang kaming nagsama ay pakiramdam niya ay matagal na niya akong kilala. "Salamat sa paghatid." Sabi ko. Tinapunan niya ako ng matamis na ngiti. Ang ngiting nagpapakilig sa akin. "Pwedeng isang kahit isang halik lang bago ako umuwi?" nilibot ko ang mata ko kung may tao. Dahil biglang uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Walang preno din ang bibig, ang tapang niyang humirit pa ng isang halik. Tapos kanina ay biglang nanakop ng halik. I took a breath. Ngumingiti ang kanyang mata hinihintay ang sagot ko. "Kesha!" tawag ni Joan sa akin. Nakaginhawa ako ng maluwag dahil nakita namin na papalapit sa amin si Joan. Tiningnan ko si Rex mukhang natalo sa sabung ang mukha bagsak balikat ang nangyari sa kan'ya. "Tomorrow you are free? So we can go out to have lunch and watch a movie?" He asked me. "Pag-iisipan ko." Sabi ko. "Please, babe." Ito na naman ang babe endearment niya sa akin na dahilan ng kabag ng dibdib ko. "Okay fine!" mabilis kung sagot habang hindi dumating si Joan sa kinatatayuan naming dalawa. "Thank you babe, I'm dreaming of you tonight. Ikaw rin sana." Pilyo niyang sabi. Hindi napigilan sarili ko na tumawa. "Ganito pala ang billionaire manligaw," bulong ko sa sarili ko. Gusto ko na talagang tumili sa saya. Dahil ang sarap pakinggan sa tenga ang enderment niya sa akin na babe at ka-sweetan niya. "Good evening sir Rex. Anong ginagawa mo rito?" kunwaring tanong ni Joan. "Just to say goodnight to Kesha," kinurot ako ni Joan tagiliran ko sa sinabi ni Rex. "Galing," tinaasan ko ng kilay ang kaibigan ko. "Joan," inilahad ni Joan kay Rex. "Rex," masayang pakilala niya kay Joan. Kung wala lang si Rex sa harap namin kanina ko pang tinadyakan ang kaibigan ko na siya pa ang kinikilig. Maya-maya ay umuwi rin si Rex at bumalik din kami ni Joan sa pwesto namin. Hindi rin siya nakahirit pa ng isang halik. Napapangiti akong mag-isa. Siniko ako ni Joan. Napaaray ako sa lakas ng pagsiko niya sa akin. "Ano, may kiss kiss ba o wala?" mapang-asar na tanong niya sa akin. "Walang kiss, halika na nga malapit ng matapos ang laro." Yaya ko kay Joan hinatak ko ang kamay. "Bakit ang tagal mong bumalik? Mainit ba ang halik ng Mr. Jones? Baka pinikot muna ang gwaping na'yun a, Kesha. Magsabi ka ng totoo sa akin." Mas hinatak ko ang kamay niya. "Bunganga mo baka may makarinig. Akala nila ay totoo, alam mo naman CCTV pati tenga ng mga tao rito." Mahinang suway ko. Tinawanan lang ako ng bruha at iniinis pa ako. "Cardo," pagsisinungaling ko. Kitang-kita ko kung paano siya nagulat. Ako naman tumawa sa kan'ya. Ganti din pag may-time. Umiling lang ako dahil akala niya ay totoo na may Cardo 'yun pala ay wala. Patay na patay kasi si Cardo sa kan'ya. Tanging kaibigan lang mabigay sa kan'ya ni Joan dahil may boyfriend siya. Tapos si Rex pinagseselosan niya naman ito. Pagkalipas ng isang oras ay umuwi rin kami. Masaya kaming umuwi dahil nauwi nina Kareem at Cardo ang trophy. Nang nasa bahay na ako ay naabutan kung nakatulog na ang bunsong kapatid ko. Nakatulog na din si Katya. Hindi ito umalis ng bahay dahil marami siyang tinapos na homework. Pumasok ako sa kwarto ko. Kumuha ako ng damit sa kabinet ko. Dahi gusto kung mag-half bath ako. Biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag ng makita ko ay sinagot ko agad. "Hello! Rex," sabi ko sa kabilang linya. "Hello! Babe," naglalambing niyang sabi sa akin sa linya. "Gabi na Rex, akala ko ay natulog kana?" tanong ko. "Not yet babe. I'm still here, please open your window." He said. Mabilis kung binuksan ang bintana. Nakita ko siyang nasa labas nakangiting tinaas ang isang kamay. "OMG! Hindi ka pala umuwi?" tumawa lang siya sa linya. "Dahil, wala akong isang halik before bedtime." Saad niya. "Anong nangyari sa lalake na'to? Tinamaan ba siya ng joke namin ni Joan na pipikotin namin siya?" tanong ng isip ko. "Please, just one kiss." Pakiusap niya sa linya. "Ayoko." Sagot ko. He looked at me. "Hindi ako uuwi hanggang no one kiss. Kapag may magtanong-tanong kung bakit ako dito sasabihin kung 'di mo binibigyan ng isang halik." Matapang niya sabi sa akin. Lumaki ang mata ko at nakanganga ang bibig sa sinabi niya sa akin. Saka lang ang napagtanto ng tumikhim siya sa linya. Wala akong nagawa kundi sumang-ayon at sinabihan siya na pumasok sa bahay. Ayokong may makakita sa amin na ibang tao baka ano ang sabihin na nakipaglandian ako. Baka totohanin niya nakakahiya. Matigas din ang kanyang ulo pasaway din pala ito. Inamoy ko muna ang sarili ko kung hindi akong amoy pawis. Dahan-dahan kung binuksan ang pinto. Pagbukas ko ng pinto ay matangkad na lalaki ang nabungaran ng mata ko. Pangiti-ngiti siyang lumapit sa akin. "One kiss lang a, para makauwi kana." Sabi ko. Hindi pa ako magsalita ay hinalikan niya ako sa aking noo. Ang malambot niyang labi na dumikit sa noo ko ay napapikit ang mata ko. "Goodnight babe," malambing niyang sabi sa akin. "Goodnight too, Rex." Saad ko. "Sweet dreams," he said in a sweet voice. Pakiramdam ko ay namumula na ang mukha ko sa ka kakaibang pinapakita ni Rex sa akin. Tumango lang ako at umalis din siya. Hindi talaga uuwi hanggang hindi maka halik ng isa. He is such a sweet and hot gentleman. "Forehead kiss," sabi ng isip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD