Chapter 33 Kesha Silvy Nandito kami ngayon sa park ni Joan, na nakaupo sa bench. Matagal-tagal din kami hindi nakapag-bonding ng kaibigan ko. Lagi rin kasi siyang busy sa kanyang trabaho. Hindi ko alam kung paano kung umpisahan sabihin kay Joan ang tungkol sa ina ni Rex. Gusto kung sabihin sa kan'ya pero umuurong ang dila ko. Gustong ko ilabas ang mga bagay na hindi ko masabi sa mga kapatid ko. "Kesha akala ko ba may pag-uusapan tayo o wala?" kunot ang noo niya akong tinitingnan. Napaawang ang labi ko sa kan'ya. "Ano, kasi e…" I took a deep breath. Umupo ako ng maayos. "Halika nga at tumayo ka d'yan doon tayo may cafeteria mag-usap. Baka need mo lang ng kape para masabi mo sa akin ang sasabihin mo. Abutin tayo ng taon dito na nakatikom pa rin ang bibig mo." Pinatayo niya ako, ngumuso

