Chapter 32
Kesha Silvy
Nakatulog ako ng hindi ko namalayan ang sarili ko. Inunat ko ang dalawang kamay ko pataas at buong katawan ko. Tiningnan ko alarm clock. Bigla ako napabangon dahil alas nuebe na pala ng umaga. Nararamdaman na masakit ang ulo ko. I'm still sleepy. Humikad ako ng sunud-sunod. Hindi rin ako nakapag-hapun kagabi.
Wala rin akong ingay na naririnig sa sala. Sigurado na pumasok na sa school ang mga kapatid ko. Binagsak ko ulit ang katawan ko sa kama ko. Hindi nawawala sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni Ma'am Connie.
"Isang linggo? Paano?" sunod-sunod na tanong ng isip ko.
Tumingala ako sa Taas ng kisame. Umiling-iling ako, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Ang mga mata ko ay sa taas ng kisame. Kailangan kung paganahin ang utak kung ano ang gagawin ko.
Bumangon ako. Kinuha ko ang cellphone ko sa aking desk. Sampung miss call si Rex sa akin at twenty messages rin siya sa akin. Binuksan ko ang inbox ko halos lahat ng mensahe ay mula sa taong mahal ko.
Rex: Babe, please.
Rex: Let's talk and open the door.
After kung basahin ang mensahe niya. Hindi rin ako nag-reply ng mga mensahe. Maybe later ko na lang siyang tatawagan. Pero walang pumasok sa kokote ko kung ano sasabihin ko or iiwasan ko nalang siya. Sinabunutan ko ang buhok ko. Dahil para aking mababaliw ko sa kakaisip.
Yes, ang kaibigan kung si Joan. Indeed to talk to her." sai ko sarili ko
Tumayo ako. Binuksan ko ang bintana para palitan ang hangin sa loob ng kwarto ko at makapasok ang fresh air. Pagbukas ko ng bintana ay nakita ko sasakyan ni Rex na naka-park sa harap ng bahay namin.
"Anong ginagawa niya rito? Wala ba siyang pasok sa trabaho?" tanong ng isip ko ang mga mata ko ay sasakyan niya.
Bahagyang may kumatok sa pintuan sa labas ng bahay namin. Hindi ko pinansin kung sino ang kumakatok sa pinto dahil ang mga mata ko ay sa sasakyan ni Rex. Hanggang nakailang katok sa labas.
"Wait!" sigaw ko at lumabas ako sa aking kwarto.
"Bakit ang tagal mong buksan ang pintuan?" tanong ni aling Rosenda sa akin.
"Maganda umaga muna aling Rosenda ang unang sasabihin. Hindi ang parang may nangyayari masama sa tanong mo." napakamot siya ng ulo.
"Kagabi pa sa labas ng bahay niyo si Mr. Pogi. Bakit hindi mo pinapasok sa bahay n'yo nagkatampuhan ba kayong dalawa? Kahapon ang kanyang ina tapos siya naman. Maawa ka roon sa tao ineng. Pambihira lang na may makita kang ganyan na lalaki sa kan'ya. Kahit balik-baliktarin mo ang barangay natin wala kang makita na katulad niya." Seryosong sabi sa akin ni Aling Rosenda.
Napabuntong-hininga ako. Salamat Aling Rosenda, tuloy po kayo." I said, she smiled at me.
"Ayusin niyong dalawa kung meron man kayo na hindi pagkakaunawaan." Concern na sabi ni Aling Rosenda sa akin.
Lumuwag ang pakiramdam ko. Bago ako Tinalikuran ako ng aling Rosenda ay sinabihan niya ako na puntahan ko sa sasakyan si Rex. I nodded to her.
Mabilis akong nagpalit ng damit at tinakbo ko ang banyo. Naghihilamos ako ng malamig na tubig at nilagyan ko ng toothpaste ang aking toothbrush. Pagkatapos kung magsipilyo ay inamoy ko ang sarili ko. Sinuklay ko rin ang buhok at lumabas ng banyo.
Pagbukas ko ng pinto ay siya ang nabuksan ko. Muntik ng tumalon ang puso ko sa gulat. Nakakatulalal kahit kailan kung paano niya ako titigan.
"Good morning my beautiful lady," he said.
Pakiramdam ko nanlalamig ang buong katawan ko sa titig niya sa akin. Niluwagan ko ang pintuan para makapasok siya sa loob.
"Good morning too babe," saad ko.
He kissed me. Sinakop niya ng dalawang palad niya ang mukha ko. Sinarado niya ang pintuan ng kanyang paa. Tilan may sampung kabayo na nagkakarera sa dibdib ko. Parang nakalimutan ko ang mga iniisip ko mula kagabi. Isang halik lang ni Rex sa akin ay tumitigil ang mundo ko.
Parang isang taon kaming hindi nagkita halos kainin na niya ang labi ko. Sa init ng hininga niya at labi niya ay hindi ko matiis na hindi sabayan ang kanyang halik. Nakakahinga lang ako kapag nilalabas niya ang kanyang dila sa bibig ko.
Please babe, huwag mong gawin sa akin na hindi mo sinasagot ang mga tawag ko. Mababaliw ako babe. Masisiraan ako ng bait sa'yo. When Kareem told me na hindi ka pa kumain ng dinner. Pinag-alala mo ako ng sobra. Is something bothering you? May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan?" tanong niya sa akin.
Hindi ko ma ibuka ang bibig ko. Nakonsensya ako sa ginawa ko, na hindi ko sinagot mga tawag niya at mga mensahe sa akin. I shook my head.
Maraming tanong sa kanyang mga mata. Dahan-dahan niya akong pinaupo tiningnan niya ako ng deretso. Tila papatak na ang luha ko sa aking pisngi. Hinaplos niya ang pisngi ko.
Hindi ko natiis na niyakap ko siyang ng mahigpit na mahigpit. Niyakap din niya ako, hinaplos niya ang likod taas baba. Naiyak ako habang yakap-yakap ko siya. Paano ko ba siyang layuan? Mahal na mahal ko siya. Pero kung hindi ko siya lalayuan paano kami ng mga kapatid ko. Baka totohanin ni ma'am Connie ang mga sinabi niya sa akin kagabi.
"Mahal na mahal kita babe," bulong ko sa punong-tenga niya." Mas hinigpitan niya akong yakapin. Tumulo ang luha ko sa liki niya.
Maya-maya ay kinalas ko ang pag-yakap ko sa kan'ya. Mabilis niyang hinawakan ang dalawang kamay ko. He smiled at me, he kissed my both hands. Nakita niyang namumula ang mga mata ko. Hinalikan niya ang mata ko napapikit ako ng dumampi ang mainit niyang labi.
"I love you more than myself babe," siniil niya ako ng halik sa aking labi. Then nginitian niya ako na kay tamis niyang ngiti. Ang sarap niyang mahalin lalong tumatagal ay lalo ko siyang minamahal.
"Oh, God!" sabi ng isip ko. Ayokong mawala siya sa akin.
"Bakit 'di mo sinasagot ang tawag ko sa'yo baby ko?" malambing niyang tanong sa akin. He's eyes on me. Hindi ko siya masagot sa tanong niya sa akin.
"Kanina ka pa ba sa labas?" tanong ko para maiba ang usapan namin.
He hugged me. "Yes baby ko. Hindi mo kasi sinasagot ang mga tawag ko. Nang makita ko naka-off na ang mga ilaw n'yo hindi na ako kumatok pa. Pinagsamantalahan ako ng mga lamok sa labas." Pa-cute niyang sabi at ngumuso siya sa akin.
"Sorry," sabi ko. Niyakap ko siya ulit.
Tumingala ako sa kan'ya at yakap-yakap niya ako sa malaking bisig niya.
"Kumain muna tayo. Sure na hindi ka pa rin kumakain." sabi ko sa kan'ya.
"Ikaw ang gusto kung kainin baby ko." Namilog ang mga mata ko at tumindig ang mga balahibo ko sa sinabi niya sa akin.
Wala rin preno rin ang kanyang bibig. Namula na naman ang pisngi siguro ang magkabilang pisngi ko. "May pasok pa ako," sabi ko.
"Huwag ka munang pumasok babe. Gusto kitang solohin sa araw na'to." Sabi niya sa akin mas lalo niyang hinatak ang baywang ko sa malaking niyang kamay.
"Babe hindi pwede baka masensanti ako sa trabaho ko." sagot ko at tumayo ako para makapag-handa ako ng almusal namin. Tumikhim siya.
"Pagawan na lang kita ng sarili mong restaurant babe. Para hindi ka na mahirapan sa trabaho mo." Ngumisi ako at umiling-iling sa sinabi niya sa akin.
"Huwag na huwag mo iyan gagawin babe," mabilis kung sagot sa kan'ya.
Hindi ko na hinintay ang isasagot niya sa akin. Nginitian ko siya at hinawakan ko ang kanyang pisngi. Ewan ko ba ito iyong gustong-gusto hawak sa kan'ya ang kanyang pisngi. Naging paborito ko ng hawak ito. Sarap na sarap naman siya sa ginagawa ko. Parang bata tuloy siya.
"I love my work babe. Kung ma-promote ko much better mula sa sarili kung paa." Hinalikan ko siya at it iniwan ko siya na nakaupo.
Pumasok ako sa kusina. Tiningnan ko kung ano ang niluto ni Katya na almusal. Binuksan ko ang isang kaserola naglaway ako ng makita ko ang sinigang na banus pinainit ko ito. Ang nakatakip na pyrex na bowl na may kanin ay kinuha ko. Nilagay ko sa low heat. Binuksan ko ang fridge tiningnan ko anong pwede ko pang ihanda.
Nahihiya akong tanungin si Rex kung ano ba ang gusto niyang kainin. Baka ang sabihin niya ay wala rito sa bahay. Kinuha ko ang mango juice na tinitimpla siguro ni Katya para sa akin. Marami-marami rin ang ginawa niya alam siguro nila dito kakain si Rex ng almusal. Hundred percent na nakita nila ito sa labas. Hopefully na hindi nila sinabi na pumunta rito ang mama ni Rex.
Maya-maya ay nilapag ko sa mesa ang pagkain. Kumuha rin ako ng dalawang plato at baso. Nakangiting namaywang ako. Kinagat ko ang ibaba ng labi ko.
"Ano pa kaya ang kulang?' tanong ko sa sarili ko.
Feeling ko asawa ko ang pinaghandaan ko ng almusal bago siyang papasok ng trabaho. Ang sarap sa pakiramdam. Hindi ko rin iniisip ang mga sinabi ni ma'am Connie sa akin. Mahal ko ang anak niya. Bahala na ang mangyari. Susulitin ko muna ang araw na'to. Ayokong mag-isip na nagpapa-stress sa akin.
Muntik ko ng makalimutan ang pinainit ko na kanin. Mabilis kung kinuha ay bowl pyrex. Paghawak ko pot-holder ay nagulat ako na may yumakap sa baywang ko. Muntik ko ng mabitawan ang pyrex.
"Ang sweet naman ng wifey ko," he said. Kinikilig ako sa sinabi niya sa akin.
Sinubsub niya ang mukha niya sa leeg ko. Nahiya ako dahil baka amoy pawis ako. Hindi pa naman ako naligo. Humarap ako sa kan'ya. Ang dalawang kamay niya ay hindi niya inalis sa baywang ko.
"Babe, hindi pa ako nakaligo," nahihiyang sabi ko.
"Okay lang baby ko ang sarap mong amoyin. Mula ng amoy ko ang pabango mo hinahanap-hanap lagi ng ilong ko. Kahit saan ako pumupunta 'di nawawala sa ilong. You are so wonderful baby ko."
Tumatahol na naman ang puso ko parang naghahabulan mainit na dugo ko sa loob ng katawan ko. Lalagamin na kami sa ka-sweetan niya sa akin. Tumikhim ako.
"Kumain na nga tayo." Yaya ko sa kan'ya. Pinaupo niya ako tumabi siya sa akin.
Masaya kaming kumakain. Pasulyap-sulyap ako sa kan'ya. Baka hindi niya gusto ang pagkain na inihanda ko. But my thought was wrong sarap na sarap siya sa bawat subo niya ng kanin. Nahuli niya ako ng kanyang mata. He winked at me.
"What babe have you changed your mind about?" Na-gets ko agad ang nasa isip niya. I raised my eyebrows at him.
Muli niyang sinubo ang pagkain niya. After niyang isubo ay sinubuan niya ako. Nahihiya akong ibuka ang bibig ko. Wala akong choice kundi sumunod.
Bahagyang tumunog ang kanyang cellphone. Mukhang importante dahil mabilis niyang sinagot. Tumayo siya. Nag-excuse sa akin. I nodded to him.
Niligpit ko ang pinagkainan namin. I heard him screaming on the phone. Narinig kung madiin niyang tawag sa kanyang ina. Sinarado ko ng dahan-dahan ang pintuan ng kusina. Ayokong marinig ang pinag-uusapan nila ng kanyang ina sa kabilang linya. Dahil halo-halong ang pumapasok sa isip ko.
Kahit nakasarado ang pintuan ay abot sa loob ng kusina ang pakikipagtalo ni Rex sa kanyang ina. Ayoko magkagalitan sila ng kanyang ina dahil sa akin. I'm sure ako ang dahilan kung bakit nagtatalo sila ng kanyang ina.
Napakagat ako ng aking ibabang labi. Ipinagpatuloy ko ang paghuhugas ng mga plato. Nararamdaman kung may nagbukas ng pinto. Pinakalma ko ang sarili ko. He's coming to me. Closer and closer to me. I smiled at him.
"Babe, my Kesha." He called my name tenderly and his endearment to me never left his mouth. I felt something in his eyes.
He sighed. Hinawakan niya ang dalawang braso ko. Tinanong niya ako, binalik niya ang tanong niya sa akin kanina na bakit hindi ko sinagot ang mga tawag niya. Inangat niya baba ko sa mukha niya.
I saw his face full of anger. Taas baba ang kanyang Adam's apple. Napalunok ako. He suddenly hugged me. My tears dripped. I wiped immediately with my finger. I don't want him to see me, I'm crying.