Chapter 31

2005 Words
Chapter 31 Third Person Tahimik na nagmamasid ng loob ng bahay ni Kesha si Mrs. Jones. Pinaupo siya ni Katya ay hindi siya umupo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ginagalaw ang bigay ni Katya na isang basong tubig. Pinapasok ni Katya ang bunso niyang kapatid sa silid nito. Natatakot kasi si Kimberly. Dahil kung makatingin si Mrs. Connie sa kanila ay walang imik ito. "Ate, iyan ba ang Mama ni kuya Rex? Bakit magkaiba sila ng ugali ni Kuya?" mahinang tanong ni Kimberly kay Katya. Sinuway ni Katya ang kanyang bunsong kapatid. Baka marinig sila ni Mrs. Jones. Sinarado ni Kimberly ang pintuan. Sinabihan niya si Kimberly na huwag lalabas ng kwarto hangga't hindi niya sinabi. Nang masabihan niya ang bunso niyang kapatid ay lumabas siya ulit. Nakita niyang may kausap ang ina ni Rex sa kabilang linya. Lumabas si Katya iniwan niya ang ginang na may kausap sa linya. "Kuya, wala pa ba si ate? Tinawagan mo na ba siya?" tanong niya kay Kareem. "Oo, on the way na raw siya?" sagot ni Kareem ang mga mata ay sa apat na bodyguard na nakatayo malapit sa magarang sasakyan ni Mrs. Jones. "Anong klase na bahay ito? Ito ba ang gusto ng anak ko? Nabubulok na kisame. OMG anak gumising ka hindi ka na babagay sa ganitong lungga," kausap ni Mrs. Jones ang sarili. Hindi pa rin siya makapaniwala na ganitong buhay ang gusto ng kanyang panganay na anak. Inikot-ikot niya ang kanyang mata. Nasagip ng mata niya ang sirang pintuan papuntang likod ng bahay. Napangiwi siyang makita ito. Umiling-iling siya. Napahawak siya sa kanyang noo. Nang sabihin ni Rex sa ina hindi siya pumayag sa kagustuhan ng ina ay pina-imbestigahan niya kung sino ang babae na pinagtutuunan ng oras ng kanyang anak. Nang malaman niya na isang waitress ang babae na gusto ni Rex ay hindi niya itong matanggap. Ilang beses niya na kinausap ang anak ay tinanggihan siya nito. Hindi niya alam kung anong mukha ang ihaharap niya sa matalik niyang kaibigan. Lalo na kay Genesis Failon. Kaya gagawin niya ang lahat na mapapayag niya ito. Hindi siya papayag na mapunta lang anak niya kung sinong babae lang. Nang ibigay ng private investigator niya ang lahat ng information kay Kesha ay hindi siyang nagdadalawang isip na puntahan niya kung saan nakatira ang dalaga. Heto ngayon siya sa pamamahay ng babaeng pinaglalaanan ng oras ng kanyang anak. Kailangan niyang makausap ng mansinsinan ang dalaga. Umupo siya kinuha niya sa loob ng bag niya ang kanyang gamot. Nang maalala na wala siyang dalang tubig ay napa buntong hininga siya. Wala siyang choice kundi inumim niya ang isang basong tubig sa ibabaw ng mesa. Dahil kung hindi niya inumin ang tubig sa harap niya paano niya mainom ang tatlong gamot na mini-mentain niya araw-araw at gabi-gabi. Tila nandidiri pa siya ng ilagay niya sa bibig niya ang bunganga ng baso. Nang mainom niya ang gamot ay mabilis niyang pinatong sa mesa ang baso. Naubos niya ang isang basong tubig. Naiinitan din siya dahil hindi sapat ang hangin ng electricfan. She sighed. Napansin niyang tinitingnan siya ng bunsong kapatid ni Kesha na si Kimberly. Nakatayo ito sa harap ng pintuan. Nginitian siya ni Kimberly. Hindi man lang siya nginitian ni Mrs. Connie ang bata na masayang tinitigan siya. "Ma'am may anak po ba kayo, maliban kay Kuya Rex?" biglang tanong ni Kimberley sa kan'ya. Tipid na tango lang ginawa niya sa bata. "Mabait din po ba siya katulad ni Kuya Rex?" tanong ulit ni Kim. Tanging tango lang ang ginawa ni Mrs. Jones. Binaling ng ginang ang ulo sa entrance door. Hinintay niyang dumating ang babaeng pakay niya. Mas naiinis pa siya dahil kung anu-anong tanong ng kapatid ni Kesha. Lumapit si Kimberley sa kan'ya. Nagulat ang ginang sa biglang pagsulpot ni Kimberley sa kan'ya. Kinausap ulit ni Kim ang ginang. "Alam n'yo po ma'am mabuti pa si Kuya dahil may mga magulang pa siya. Hindi po katulad namin maagang kinuha ni Lord si Papa at Mama. How I wish po na may Papa at Mama pa ako tulad ni Kuya Rex." Nilingon lang siya ng ginang na nakangiting tinitigan siya ni Kimberly. Ilang segundo ay bumalik si Kim sa kanyang kwarto. Kahit isang salita ay walang lumalabas sa bibig ni Mrs. Jones. Umiyak si Kimberly sa likod ng pintuan. Ganito ang ginagawa niya kung namimiss niya ang dalawang magulang. Nagtatago siya kung gusto niyang umiyak hindi niya kasi niya gustong ipakita sa mga kapatid niya na malungkot siya. "Manong ito po ang bayad sa inyo na po ang sukli." Sabi ni Kesha sa taxi driver at malaking hakbang ang ginawa niya. Nag msalubong ang kilay ni Kesha, ng makita ang apat na maskuladong lalaki na nakatayo sa harap ng bahay nila. Hindi pa rin siya mapakali. Ito na nga ba ang kinatatakutan niya maka-encounter ng wala sa oras ang ina ni Rex. "Kesha, kanina pa sa loob ng bahay n'yo ang bisita mo? Aba'y ang ganda ng magiging biyenan mo. Ang tahimik mo naman, bakit hindi mo sinabi na mamanhikan na pala ang magulang ng boyfriend mo." Umiling-iling lang si Kesha sa sinabi ng isa mga kapitbahay niya. Wala siyang oras na makipag-kwentuhan sa walang kwenta bagay. Walang paalam na tinalikuran niya ito. Nang makita niya si Kareem sa labas ay nilapitan agad siya nito. "Ate, kanina ka pa hinintay ng ina ni Kuya Rex. Ano ba ang kailangan niya sa'yo?" tanong ng kapatid niya. Hindi nasagot ni Kesha ang tanong ng kapatid dahil may narinig silang sumigaw sa loob ng bahay nila "Ipis, ipis!" malakas na sigaw ni Mrs. Jones. Mabilis siyang umakya sa sofa. Marahil sa sobrang takot niya ay sunod-sunod siyang napasigaw. Mabilis na tumakbong pumasok sila Kesha sa loob ng bahay, pati ang apat na bodyguard ay tumakbo rin ang mga ito. Akala nila ay kung ano na ang nangyari kay Mrs. Jones sa loob ng bahay. Nang makita nila ang ginang na nasa ibabaw ng sofa na namumula ang magkabilang pisngi. Yumuko ang apat na lalaki tumawa ang mga ito ng palihim. Takot kasi nilang ingat ng bawat isa sa kanila ang ulo sa harap ng amo nila. Kung mahuli sila ni Mrs. Jones na tumatawa ang mga ito ay baka bukas o ngayon ay wala na silang trabaho. Bumuntong-hininga si Mrs. Connie at bumaba siya sa sofa nakatayo. Pinalabas niya ang apat na lalaking bodyguard niya. Tiningnan niya ng maigi si Kesha na nakatayo sa harap niya. "We have to talk Kesha," sabi niya sa dalaga. Nilingon ni Kesha ang dalawang kapatid niya pinalabas din niya ang mga ito. Ayaw niyang marinig ang pag-uusapan nilang dalawa ng ina ni Rex. Sumang-ayon naman ang dalawa niyang kapatid. Pinaupo ni Kesha ang ginang pero hindi ito umupo. "Kilala mo naman siguro ako?" matapang na tanong niya sa dalaga. "Opo ma'am," magalang na sagot ni Kesha tila pinapawisan ang dalawang palad niya sa nervous. "Alam ko na may relationship kayo ng anak ko. Nandito ako at hindi rin ako mag paligoy-ligoy ng usapan. Mahal mo naman siguro ang trabaho mo 'di ba?" Lumaki ang mata ni Kesha ng marinig ang sinabi sa kan'ya ni Mrs. Connie. Ang mata ng ginang ay nakatuon kay Kesha na hindi umiimik. Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ni Kesha ang isasagot sa ina ni Rex. Tumayo ng tuwid si Kesha sa harap ng ginang. Nilakasan niya ang loob niya. "Ano ba talaga po ang kailangan niyo sa akin ma'am? Kung may relationship po kami ng anak n'yo po? Ano ang ugnayan ng trabaho ko roon?" confident na tanong ng dalaga sa ina ni Rex. "Layuan mo ang anak ko. Hindi ikaw ang karapat-dapat sa kan'ya. Hindi ang isang katulad mo ang pinapangarap ko sa nag-iisang anak ko na lalake." Parang may malakas na bomba ang sumabog sa tenga ni Kesha ng marinig ang sinabi sa kan'ya ng ginang. Hindi siya makapaniwala na ang liit ng tingin sa kan'ya ni Mrs. Jones, napabuntong hininga siya. Bumuka ang labi ni Kesha, pero hindi niya natuloy ang sasabihin sa ginang. "Kung gusto mong manatili sa trabaho mo stay away from my son. Alam ko kung mawala sa'yo ang trabaho mahihirapan kang humanap ng trabaho. Remember, may tatlo kang kapatid na pinapaaral. Kung gusto mo pwede kitang tulungan sa pag-aaral ng mga kapatid mo. Layuan mo ang anak ko." Anito. Nakakunot noo ang dalaga. Halos hindi maigalaw ni Kesha ang katawan. Pakiramdam niya ay binagsak siya ng malakas na ulan. Gusto sanang paalisin at sigawan ni Kesha ang ginang ay hindi niya magawa. Dahil ina ng mahal niya ang kaharap niya. Siya ang lumuwal sa taong mahal niya. "Think about it. Just in one week, hija. Kung wala pa rin magbabago sa inyo ng anak ko mawawala ang trabaho mo. Lalo na pwede kung kausapin ang university sa pinapasukan ng dalawang kapatid mo." Na tahimik si Kesha parang may tinik siyang nararamdaman sa kanyang dibdib. Hindi niya hahayaan na masira ang pag-aaral ng dalawang niyang kapatid. Lalong-lalo na gustong-gusto ng ang mga ito na makapagtapos sa sila sa pag-aaral. Inangat ni Kesha ang mukha niya. Kahit nanghihina siya ay hindi niya pinapakita. "Gawin na po n'yo ang lahat ng gusto n'yo ma'am. Huwag na huwag n'yo pong pakialam ang pag-aaral ng mga kapatid ko. Alam ko isa lang akong mahirap at hindi ako ang babae na hinahangad mo sa anak n'yo. Don't worry before one week ay lalayuan ko po ang anak n'yo. Ito lang ang masasabi ko sa inyo. Mahal ko ang anak n'yo hindi dahil sa anong meron siya." Sabi ni Kesha. Pinipigilan lang niya ang kanyang luha na lumabas. "That's a good decision. Mabuti ang nagkakaintindihan tayo ng malinaw. Bukas ng bukas ay ang bank account mo ay may pera darating." Namula ang pisngi ni Kesha sa narinig mula sa bibig ni Mrs. Jones. "Hindi ko po kailangan ang pera n'yo. Kahit ganito lang kami ay kaya kong ibigay ang kailangan ng mga kapatid ko. Hindi namin kailangan ang pera ng mula sa ibang tao. Hindi lahat ng pera ay nabibili. Huwag nanam n'yo pong apakan ang pagkatao ko. Kung wala na po kayong sasabihin ay maaari na po kayong umalis." Tinuro ni Kesha ang pintuan. Hindi na niya natiis na palayasin ang ginang sa loob ng bahay niya. Binuksan ni Kesha ang pintuan. Para makalabas ang ina ni Rex. Kung hindi niya lang nirerespeto ito ay kanina pa niyang sinigaw at kinaladkad palabas ng bahay. Nang makaalis ang ginang ay biglang ay nanghina ang kanyang tuhod. Umupo siya sa sahig, nilapitan agad siya ng tatlo niyang kapatid niyakap nila ang kanilang ate na humikbi. Narinig din ng mga kapatid ni Kesha ang pinag-usapan nila. Hindi rin napigilan ng tatlo niyang kapatid na umiyak. Naawa sila sa ate nila. Kung mayaman lang tayo ate hindi tratuhin ng ina ni Kuya ng ganito." Naiiyak na sabi ni Kimberly at mas hinigpitan niya ang pagyakap sa kanyang ate. Pagkalipas ng tatlong oras tahimik lang si Kesha sa kanyang silid. Hindi na rin niya sinasagot ang tawag ni Rex. Hindi rin niya na message si Rex pagdating niya ng bahay. Tumunog ulit ang kanyang cellphone. Tiningnan niya ito. Rex: Babe, where are you? Rex: Please answer my call. I'm worried. Rex: After my dinner meeting, I'm coming. I love you. Mas lalong umiyak si Kesha, yakap-yakap niya ang kanyang tuhod sa ibabaw ng kama. Sa dinner meeting ni Rex ay hindi siya mapakali. Ang isip niya ay sa babaeng mahal niya. Kung hindi lang galing pang ibang bansa ang ka-meeting niya ay iniwan na niya ito at kinasel na niya sa ibang araw. Kinakausap siya ng kasosyo niya sa trabaho ay hindi niya naririnig ito. Dahil malayo ang kanyang isip. Hindi rin siya nakapag-concentrate. Ilang beses siyang tinawag ng isa sa ka-meeting niya ay hindi niya ito naririnig. "Mr. Jones, are you okay? If you want us to stop the meeting, we will continue tomorrow." Nang sabihin iyun isa mga ito ay nagising ang kanyang diwa. Tumayo agad at iniwan niya ang mga ito. "Thank you," he said.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD