Chapter 44 Rex "Ahhh!" sigaw ko. Hanggang ngayon ay nakaluhod pa rin si manang sa harap ko. Hinawakan niya ang binti ko. Niyakap niya ito. "Patawarin mo ako hijo," tiningnan ko lang siya, na walang tigil sa kakaiyak. "Bakit, manang? Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?" tanong ko. "Dahil ngayon lang ako nagkaroon ng lakas hijo. Wala ring kwenta ang pera na binayad nila sa akin. Kinabukasan ng ibalik nila sa akin ang anak ko ay sumakabilang buhay na anak ko. Mahigit isang taon akong binabangot. Hanggang ay nasa isip ko parin kung paano nila kinuha sa bahay ang anak ko. Kung paano nila ako takutin nang dalawang lalaki. Sa araw ng kasal mo ay nasa labas na sila binabantayan nila kung kayo na lang dalawa ang tao sa bahay." Natigilan ako sa mahabang sabi ni Manang sa akin. Nagdilim ang p

