Chapter 11
Nagising ako sa alarm clock pasadong alas siyete na ng umaga. Mabilis akong bumangon. Pagbangon ko ay sa banyo agad akong dumiretso. Naghilamos lang ako ng malamig na tubig sa mukha at mugmug ako. Mamaya na akong maligo pagkatapos kung magluto ng almusal namin.
Hindi ko rin namalayan kung anong be oras na ako nakatulog kagabi. Dahil hanggang ngayon ay nasa isip kung ang sinabi ni Rex sa mga kapatid ko na liligawan niya ako. Siguro ay nagbibiro lang siya sa amin. Kung biro man iyon para sa kan'ya ay siguro ay nakasanayan na niya. Pero kung totoo man iyun ay himala na ligawan niya ako. Lalo na ako ay isang hamak na waitress at siya ay langit na mahirap abutin. Alam ko sa sarili kung saan ako lulugar.
Napapa-iling ako sa mga pumapasok sa kokote ko. Hindi ko namalayan ay tapos ko na palang lutuin ang fried rice. Nilagyan ko ito ng konting soya sauce at dalawang itlog. Kumuha ako ng malaking bowl na plastic. Sinandok ko ang fried rice. Nilagay ko sa mesa. Nagulat ako dahil nakaupo na pala si Kimberly at nakasuot din ito ng kanyang uniform.
"Magandang umaga ate," masayang bati sa akin ni Kimberly.
"Maganda sa umaga bunso," bati kung pabalik sa kan'ya.
Nilagyan ko ng pagkain ang kanyang plato. Sinabayan ko rin siyang kumain dahil mamayang alas nueve pa ang pasok nina Kareem at Katya. Si Aling Mariposa ang maghahatid sa kan'ya ngayon, kasama ang anak niyang kasing edad ni Kimberly.
"Sure na hindi na masakit ang tiyan mo?" concern kung tanong sa kan'ya. Habang siinasalinan ko ng mainit na gatas ang kanyang baso.
"Hindi na po ate. Anong oras ka po bang susunduin ni Kuya Rex?" napatigil ako bigla sa pagsubo ko ng pagkain sa bibig ko.
"Wala 'yun Kim biro lang ni Rex. Teka kung maka Kuya ka sa tao na'yun ay matagal muna siyang kilala. Bilisan mong kumain baka mahuli ka ang daming mong tanong e," tiningnan lang ako ng bunso kung kapatid.
Maya-maya may kumatok sa pintuan. Sure na si Aling Mariposa na ito. Binuksan ni Kimberly ang pinto dahil inaayos ko ang kanyang baon sa eskwelahan.
"Sino ang dumating Kim?" tanong ko.
"Good morning little girl," baritono na boses na narinig ko sa loob ng kusina.
Dahan-dahan kung sinisilip dahil boses palang niya ang nagpapa-kabag ng dibdib ko. Alas siyete media pa lang ng umaga. Bakit ang aga niyang dumating? Tinotoo nga niya ang sinabi niya kahapon. Akala ay isang biro lang niya.
Lumabas ako na sa kusina. Halatang walang ligo pa ako. Dahil sa suot ko na pajama na gusot-gusot ito na kulay pink. Nakita ko siyang umupo ng maayos tinukod niya ang kanyang siko sa taas ng kanyang legs. Tumingin siya sa akin parang hindi na siya kumukukarap sa kakatitig sa akin. Sa mga titig niya sa akin ay para bang kakainin niya ako ng buhay. Bumuntong-hininga ako, binaling ko ang tingin ko sa kapatid ko na masaya ang kanyang mukha. Narinig kung tumikhim muna siya. Tiningnan ko siya ulit na may hawak na ibat-ibang kulay ng bulaklak.
"Good morning Kesha," malambing niyang bati sa akin.
"Good morning too sir," kilig with nervous nasabi ko.
Hanggang ngayon ang mga mata niya sa akin. Baka dito sa suot ko na hello kitty. Sa honestly hindi ako mahilig sa hello kitty na pajama. Dahil hindi ko kahiligan ito ang niregalo ng mga kapatid ko last year sa kaarawan ko.
Lumapit siya sa akin at dahan-dahan niyang inabot ang bulaklak na hawak niya. Kinuha ko sa kanyang kamay ang hawak niyang bulaklak. Pakiramdam ko parang gusto kung umiyak sa saya. This is my first time na may nagbigay sa akin ng bulaklak. Inangat ko ang mukha ko sa kan'ya. Inamoy ko muna ang bulaklak na bigay niya sa akin.
"Thank you sa flowers sir. Nag-abala kapa?" pasasalamat ko.
"My pleasure Kesha," nakangiti niyang sabi.
Pinaupo ko siya ulit at tinanong ko rin siya kung ano ang gusto niyang inumin. Mabilis niyang sinabi na kape ang gusto niyang inumin. Nagpaalam ako sa kan'ya para matimplahan ko siya ng kape. Nang nsa loob na ako ng kusina ay napatili ako sa saya. Hindi ko mapigilan na tumulo ang luha ko. Agad-agad ko rin pinunsan ito.
Nang matimpla ko na ang kape niya ay lumabas din ako agad sa kusina. Dahan-dahan kung inabot ang kape niya. Sana ay magustuhan niya ang kape namin na 3 in One. Alam ko na iba ang kape ng mayayaman at bihira lang sila siguro uminom ng kape ng kapos.
"Ate, aalis na ako." Paalam ni Kimberly sa akin. Hinalikan ko siya sa kanyang pisngi sinabihan ko rin siya na huwag palipas ng gutom.
Nilingon ko si Rex, seryosong nagmamasid sa akin. Nginitian ko siya, at nagpaalam ako saglit. Iniwan ko siyang mag-isa sa sala. Mabilis kunge tinungo ang banyo. 1 2 3 akong naligo dahil parang isang kabote din ito na pabigla-biglang lumilitaw.
Pagkatapos kung maligo ay nagbihis agad ako. Pinatuyo ko ang buhok ko. Naglagay lang akong light makeup at kulay peach lipstick. Ginising ko rin Katya para ma-ready na rin niya ang sarili niya. Sinabihan ko na nandito si Rex. Biglang lumaki ang kanyang mata. Kinurot niya ako bigla sa aking tagiliran.
"Mukhang tinamaan si Kuya Rex sa'yo ate?" pilyong tanong niya sa akin.
"Bumangon kana, baka mahuli ka pa." I said at tinapon ko sa kanya ang unan.
Normal kung binalikan si Rex sa sala. Narinig kung may kausap siya sa kanyang cellphone. Nang makita niya ako ay nagpaalam agad siya sa kausap sa linya.
He smiled at me. Parang napatigil ako sa paghinga sa ngiti na'yun. Nag-uumpisa naman dumadagundong ang dibdib ko, mabuti kung pinagpala ako ng dibdib tulad ng iba. Lumapit ako sa kan'ya kinuha ko sa mesa ang tasa ng kape sa ibabaw ng mesa.
Biglang nagsalubong ang kamay namin na dalawa. I swallowed. Mas dinikit niya ang kanyang kamay sa kamay ko. Hanggang sa nagtama ang mata namin. Parang kumikislap ang mata ko sa mata niya. Tumayo siya. Huminga siya ng malalim ang kanyang mainit at mabango niyang hininga ay dumikit sa ilong ko at balat. Huwag naman sana niyang mahalatang nanginginig na ako sa harap niya.
Bigla niyang hinawakan ang isa kung kamay at isa kung kamay ay nakakawak sa empty mug. Tinaas niya ang isa kung kamay nilagay niya sa mug pinagdikit niya ito. Para bang kahit anong gusto niyang gawin sa akin ay madali niya akong mapapasunod. Para akong nanigas sa harap niya. Sa pagdampi ng kanyang kamay sa kamay ko ay parang isang kuryente na mabilis kumalat sa buong katawan ko.
I saw him, he bit the lower part of his lips. Mas nanigas ako sa kinatatayuan ko. Kung nagsasalita lang ang puso ko ay sumigaw na ito. Dahil ang mga bawat galaw ni Rex ay tila nang aakit ito sa akin.
"Ang sarap ng kape," mapang-akit na bulong niya sa punong-tenga ko.
Akala ko kung ano na ang ibubulong niya sa akin. Mahuhulog na talaga ang puso ko sa lakas ng pintig nito. Ibubuka ko na sana ang bibig ko ay biglang tumikhim si Kareem sa likod ko. Mabilis akong lumayo kay Rex. Nahiya ako sa kapatid ko ganon na position namin ni Rex.
Pero ang lalaki na'to ay parang wala siyang pakialam kung may makakita sa amin. Tinakbo ko ang loob ng kusina. Napahawak ako sa aking dibdib. Kailangan ko ng extra oxygen sa araw na ito. Binibigyan yata ako ni Rex ng sakit sa puso. Tiningnan ko ang mukha ko sa maliit na salamin. Namula ang pisngi ko baka kanina pa itong namumula sa harap niya. Muntik ko ng mabitawan ang salamin na hawak ko sa biglang pagbukas ng pintuan.