Chapter 10
Kesha Silvy
Hindi na akong tumangging ihatid ako. Dahan-dahan niyang binuksan sa akin ang pintuan ng kanyang sasakyan. Pumasok ako sa loob at umupo sa front seat. Sa lahat ng sasakyan na sakyan ko ay kakaiba sa kan'ya. Pang-rich talaga ang loob, at ang bango ng loob ang aircon ng kanyang sasakyan ay sobrang lamig.
Nagtataka ako sa mga kilos ni Rex, parang naging opposite yata kami ngayon. Dahil ako dati ang sunod ng sunod sa kan'ya kapag pumunta siya sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko. Pero ngayon siya ang nagpapakita ng gilas sa akin. This is the second time na ihatid ako. Nag-iba yata ang ihip ng hangin para sa aming dalawa.
Nakita ko siyang umikot papunta sa driver seat. Lalaking-laki siyang lumakad bagay na bagay sa kan'ya ang suot. Binuksan niya ang pintuan. Habang binuksan niya ang mga mata ko sa kan'ya. Pagpasok niya ay biglang nagtama ang mga mata naming dalawa. Ngumiti siya ng kay tamis na ngiti. Nginitian ko rin siya.
"Sorry, hindi ko nakuha sa'yo ang hawak muna box." maamong niyang paumanhin sa akin.
Bigla niyang kinuha sa kandungan ko ang box ng cheesecake. Hindi ako makapagsalita. Akala ko ay box lang ang hahawakan niya nagulat ako pati kamay ko ay hinawakan niya ito. Inangat ko ang mukha ko. He winked at me.
"Sh*t!" bulyaw ng isip ko.
Kung hindi ko pa binaling ang mukha ko bintana ay natutunaw na ako sa kakatitig niya sa akin. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko nanayo ang mga maliliit kung balahibo. Nilagay niya sa backseat ang box, umupo siya ng maayos at dahan-dahan niyang pinaandar ang kanyang sasakyan. Para akong estatwa na nakaupo. Tiniis ko hindi ako lumingon sa kan'ya. Pakiramdam ko ang mga mata niya sa akin. Napapangiti ako ng lihim.
Tumikhim siya bigla, napalingon ako sa kan'ya. Nginitian niya ako. Kumunot ang aking noo, siya ay cool lang sa pagmamaneho. He's very comfortable.
"Sir, Rex may nakakatawa ba?" matapang kung tanong sa kan'ya.
"Nope," tipid niyang sagot sa akin.
"Bakit ka pabigla-bigla na tumiktikhim at para may nakakatawa?" panigurado na tanong ko.
"Oh! Kesha, ikaw nga ay tumatawa na mag-isa," saad niya sa akin. Patapik-tapik pa siya sa streeling ng kanyang sasakyan.
Umiling-iling lang ako, kung magtanong-tanong pa ako ulit ay babanatan din ako. Ginawa ko ay umupo ako ng tuwid, ang mata ko ay sa labas ng bintana. Pinapawisan ang ang dalawang palad ko, kahit hindi naman mainit sa loob ng sasakyan. Dahil naka-on ang aircon. Tinanggal ko ang isang butones ng damit ko. Para kasi akong sinasakal, sa nangyayari sa loob ng kanyang sasakyan. Bahagyang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko agad nilingon ko muna si sir Rex, ang tangos ng ilong niyang naka-side view. Diretso ang kanyang mata sa pagmamaneho. Bahagya siyang nagsalita.
"Stop staring at me, just answer the call babe," he's husky voice.
"OMG! What does he say?" tanong ng isip ko. Napahawak ako sa aking dibdib.
Parang tumigil ang mundo ko ng tawagin niya akong babe. Parang gusto ko siyang yakapin, lalo na ang ngiti niya. Sa mga oras na iyon ay gustong-gusto kung sumigaw sa saya. Kilig to the bones ang peg ko, ang nararamdaman ko. I pretend na parang wala lang sa akin ng tawagin niya akong babe. Sinagot ko ang cellphone.
"Hello Kim! On the way na ako." Sagot ko sa kapatid ko na nasa kabilang linya binaba rin ang linya.
"Kapatid mo?" he asked me.
"Yes po," magalang na sagot ko s kan'ya.
Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating din kami. Sinabihan ko na 'wag na niyang ipasok ang kanyang sasakyan dahil hindi naman kalayuan ang bahay namin pero hindi siya pumayag. Dahil may pagka-makulit siya ay pumayag na ako. Bahala na ang mga kapitbahay kung Marites. Alam ko ang mata nila sa sasakyan na ito kung pumarada sa harap ng lumang bahay namin.
Tinuro ko kung saan ako niya ibaba. Mabilis niyang pinark ang kanyang sasakyan sa harap ng puting kawayan na gate ng bahay namin. Huwag naman sana niyang iikot ang mga mata. Nakakahiya na makita niya ang bubong namin na bulok na. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maayos at isa pa may bahay pa ng kalapati na alaga ni Kareem.
Binuksan ko agad ang ang sasakyan. Nagpaalam ako sa kan'ya at nagpasalamat sa paghatid. Tumango lang siya sa akin. Sa totoo lang gusto ko na talagang lumabas ng kanyang sasakyan. Dahil pakiramdam ko parang over ripe tomato na ang pisngi ko at sa dulo ng ilong ko.
Sinarado ko ang pinto, at dahan-dahan kung binuksan ang pintuan ng backseat. Nang buksan ko ay kinuha ko ang box na may lamang cheesecake. Sinarado ko rin ang pinto at lumakad ako. Dalawang hakbang palang ng paa ko ay narinig kung tinawag niya ako.
"Kesha!" tawag niya sa akin.
Huminto ako, nilingon ko siya. Bumuntong-hininga muna ako. Umikot ko siya mula sa kinatatayuan niya papunta sa akin. I rolled my eyes kung may tao ba. Nagpapasalamat ako sa aking sarili dahil walang katao-tao.
"Yes sir, you need something?" I asked napa-english naman ako nito.
"Pwede ba kitang sundiin bukas?" mahinahon niyang pakiusap sa akin.
"Ah, huwag na po sir." Pagtutol ko.
"Bakit may magagalit ba sa'yo kung susunduin kita?" Seryoso niyang tanong.
"Po!" gulat na sagot ko.
"I say can I pick up you tomorrow,"
Hindi ko siya nasagot dahil biglang lumitaw sa harap ko ang kapatid ko na si Kareem.
"Ano, ate may boyfriend kana pala? Kailan pa? Bakit nakatayo lang kayo pumasok tayo sa bahay at akin na ang nasa kamay mo." Sabi ni Kareem at mabilis niyang kinuha sa kamay ko ang box.
Tiningnan ko si Rex, na nakapamulsa ang dalawang kamay niya sa loob ng kanyang pantalon. Mukhang gustong-gusto ang sinabi ni Kareem. Niyaya siya ni Kareem pumasok.
"Kareem, pangalawang kapatid ni ate." Pakilala niya at ibinigay ang kanan kamay kay Rex.
"Rex Jones," saad niya akala mo naman na matagal na silang magkakilala.
Walang paligoy-ligoy na sumang-ayon si Rex. Hindi siyang nagdadalawang isip na tumanggi. Binuksan ko ang gate na namin na kawayan. Kakatukin ko sana ang pinto ay biglang nagbukas ito.
"Ate, ate!"sigaw ni Kimberly.
Lumaki ang mata nila ni Katya ng makita nilang may gwapong lalaki na nakatayo sa likod ko.
"Wow ate, ano ito namamalikmata ba ako?" tanong ni Katya sa akin.
"Tumigil ka Kat, umalis nga kayo d'yan para makapasok kami. Hinarangan na n'yo ang pintuan." Mabilis naman silang umalis sa kinatatayuan nila. Mas sila pa yata ang kinikilig sa akin. Pinapasok ko si Rex at pinaupo siya ni Kareem sa maliit naming sofa. Sinandal niya ang kanyang kamay sa taas ng sofa. Ang haba ng kanyang legs. Pumasok ako sa kusina. Iniwan ko sila ni Kareem. Hundred percent na magdaldal naman si Kareem.
Ilang sandali ay binalikan ko sila. Nagulat ako ang dalawang kapatid ko na babae ay umupo sila sa tabi ni Rex. Narinig kong pang tinawag ni Kimberly na kuya si Rex. Nang makita ako ni Rex na papalapit sa kinauupuan nila ay nagsalubong ang mga mata namin. Kitang-kita ko ang liwanag ng kanyang kulay hazelnut niyang mata.
Inilapag ko sa mesa ang binili ko na cheesecake. Apat lang kasi ang binili alam ko ba makakasama namin ngayon ang love ko. Nakita niyang isa-isa ko silang binigyan, napansin niya na wala akong plato.
"Hati tayo rito sa cheesecake," sabi niya.
Tumayo siya at lumapit sa kinauupuan ko. Walang takot na tumabi sa akin. Bumulong siya sa punong tenga ko na kumuha ako ng platito para mahati niya ang cheesecake.
Nakita kung nagtinginan ang tatlo kung kapatid. Tumawa si Kimberly akala mo naman ay kinikiliti siya. Tumayo ako dahil nahihiya na ako sa harap ng mga kapatid ko sa ginagawa ni Rex. Ang lakas ng loob niyang dumikit sa akin. Parang iba na naging situation namin.
Pumasok ako sa kusina, binuksan ko ang fridge. Instead na platito ang pakay ko naging isang malamig ang kinuha ko sa loob ng fridge. Ininom ko agad, nagtatanong ang isip ko sa mga kilos ni Rex.
"Ate!" malakas na sigaw ni Kimberly.
"Wait lang!" sigaw ko tila nanginginig pa ang boses ko.
Bumalik ako sa sala na dala-dala ko ang Isang platito. Umupo ako. Ako rin ang humati sa cheesecake. Nilingon ko si Rex nakangiting tinitigan ako at dalawa kung kapatid to the max na yata ang kilig. Kung wala lang si Rex dito tinapunan ko na sila ng unan.
"Ate, kailan pa kayo ni kuya Rex?" seryosong tanong ni Kareem. Kung maka kuya ay parang matagal na silang magkakilala.
"Oo nga, ate. Bakit hindi mo sinabi sa amin na may jowa ka na pala?" tanong din ni Kimberly.
"Ouch! Paano ang dream boy mo ate na isang billionaire. Sasaktan mo agad siya? Kinalakihan ko ng mata ang mga kapatid.
"Mga bunganga n'yo," mahinahon kung sabi. Makakatikim talaga sila sa akin mamaya.
Narinig kung tumawa ng mahina si Rex. Nakita ko kung paano niya taas baba ang kanyang adams apple.
"Actually guys hindi pa kami ng ate n'yo. Liligawan ko pa lang siya," Nakingiti niyang sagot sabay subo sa cheesecake.
I feel frozen sa sinabi niya. Kunot-noo ko siyang nilingon. Kinindatan lang niya ako.
"Baka may lagnat po kayo Sir?" tanong ko. Umiling lang siya sa amin.
Hindi ko rin maintindihan ang nangyayari sa akin. Naghahalo ang kilig, nervous at nahihiya ako. Hindi ko rin siya maintindihan baka dahil sa cheesecake na ito na biglang nagkaganito si Rex.
"Available yan si ate Kuya. Ate siguro gwapo rin ang dream boy mo pero bagay kayo ni Kuya Rex," sabi sa amin ni Katya.
Napansin kung umigting ang panga ni Rex ng sabihin ni Katya kung sino ang dream boy ko. Kung alam lang nila ay isang tao lang ang dream boy ko at nasa harap nila ngayon. Sure walang tigil nila akong asarin.