Chapter 29
Kesha Silvy
Hindi ko siya pinapansin sa loob ng sasakyan. Ilang beses din niya akong tinawag.
"Babe, talk to me." Hindi ko siya pinansin.
Nilalaro ko ang daliri ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa sling bag ko. Tiningnan ko ito si Joan at Cynthia ang laman ng inbox ko. Pareho ang laman ng message nila sa akin.
Muli kung binalik sa loob ng bag ko ang cellphone ko. Binaling ko ang ulo ko sa bintana. Tahimik lang akong nakaupo. Naramdaman ko ang pahinga niya ng paulit-ulit. Bahagya siyang tumikhim.
"Babe naman, say something," he says.
Nilingon ko siya, tiningnan niya ako ng malalim. Nagta-tambol nanaman ang dibdib ko. Bigla siyang tumawa ng walang dahilan. "Iniinis mo ba ako?" tanong ko.
"Nope, you are so cute baby ko," imbes mainis ako ay napanguso ako.
"Saan mo na naman akong dadalhin?" tanong ko. Hanggang ngayon ay pangiti-ngiti pa rin siyang nagmamaneho.
"Sa apartment natin," mabilis niyang sagot.
"Huh? Anong apartment natin?" balik kung tanong sa kan'ya.
Hindi niya sinagot ang tanong ko. Instead kinuha niya ang kamay ko at hinalikan niya, while he's driving. Nakakaramdam ako ng kilig na nararamdaman. My lips parted. Hinagod niya ito, napapikit ako. Aaminin ko na kapag kasama ko siya ay pakiramdam ko panatag ako sa kan'ya. I love him so much.
May tiwala ako sa nararamdaman ko sa kan'ya. Kaya wala akong dapat na pangambahan. Kung may tiwala tayo sa isang tao kung totoo ang nararamdaman natin. Kahit anong marinig at makita mo sa iba na kakaiba tungkol sa taong mahal mo ang pakinggan mo ang nararamdaman mo. Kung may tiwala ka sa taong mahal mo wala ka dapat ekaselos o ika-galit pakinggan muns ang panig ng bawat isa.
"Alam ko babe marami kang katanungan d'yan sa isip mo. Don't worry isa-isahin kung sasagutin ang mga katanungan. Walang kulang at walang labis." Seryoso niyang sabi sa akin.
"Dapat lang kagabi pa naglalaro ang mga tanong ko sa'yo. Ilan kaya ang mga babae karibal ko sa'yo? Maliban kina Ivy, Mariah at si doktora Genesis?" saad ko.
"Babe, ikaw ang pinaka-espesyal na babae para sa akin. No one. Ang laman ng pusong kong ito ay ikaw lang babe." Ngumuso ako sa kan'ya na parang bata.
"Kahit oras-oras mo akong ngusuan babe isa yan sa nagpapaganda mahal ko sa'yo." Ngiting-ngiti ako ng magsalubong ang mata namin. He winked at me. Nakaramdam ako ng hiya.
"Bolero," I said.
"Huwag naman ganyan babe. Hindi ka ba naniniwala sa akin. Lahat ng sinasabi ko ay mula sa aking puso." Paliwanag niya sa akin at hindi na ako nagsasalita.
Nakita kung inikot niya ang kanyang sasakyan. Ang gaganda ng mga building na nadadanan namin. Hanggang sa pinasok niya ang kanyang sasakyan sa malaking building. Hindi ito ang kanyang apartment dati na unang napuntahan ko. Siguro ay bagong apartment niya ito. Iba talaga pangmayaman, parang damit lang ng iba kung magpalit sila ng bagong bahay. Ito ba yung sinasabi niya na apartment namin. Umiling-iling ako tiningnan ko ang labas ng building. Ang taas nito maganda ay una kung napuntahan niyang apartment. Pero kakaiba ito mas maganda. Sa Entrance ay may parang swimming pool sa gitna ng tubig ay may dalawang malaking dolphin. Mukhang galing pa sa ibang bansa itong binili. Dahil ito ang uri ng marble na pinaka-expensive sa buong bansa.
"Rich nga naman," sabi ng isip ko.
Hindi naman natin sila pwede na husgahan. Because they work hard. Deserve nila kung anong meron sa kanila.
Tumikhim siya sa tabi ko. "Babe," mahina niyang sabi. I look at him. He winked at me kumakabog na naman ang puso ko. Ang inis ko kanina ay unti-unti napapalitan ng kasiyahan.
Nang e-park niya ang kanyang kotse ay lumabas kami sa sasakyan niya agad. Hanggang ngayon ay tahimik pa rin ako. Ang mga mata ko ay inikot-ikot ko. Nabasa ko ang nakasulat sa marble wall ng entrance. RR JONES TOWER. Sa kan'ya ang new big building na'to. Sinusulyapan ko siya nakita ko paano ginagalang siya ng mga tao. Nahihiya rin ako sa mga taong nakasalubong namin. Dahil ako ay nakasuot ng simple blue jeans lang at simple white t-shirts and green thin blazers and flat sandals. Tapos siya naka formal attire, and he looks classy. Bagay na bagay sa kan'ya ang black loafer leather niya na sapatos. Branded pa ang kanyang suot. Samantalang ako ay sa mumurahin uri ng damit ang suot.
Hinatak niya ang kamay ko at nilipat din niya ang kanyang kamay sa baywang ko. Tiningnan ko siya dahil ako ang nahihiya sa situation namin. Nginitian kami ng mga receptionist.
Bumuntong hininga ako. Pinindot niya ang button ng elevator. Bumukas naman ito agad at nauna akong pumasok sa loob ng elevator. Hanggang sa narating namin ang kanyang apartment room. Nang buksan niya ito ay namangha ako sa loob. Bagong-bago ang loob. Ang mga chandelier ay kumikislap sa ningning. The big chandelier I ever seen. Ito yung nakita ko sa interview dati sa mansyon ng prince ng mga prince. Givenchy Royal Hanover German silver eight light chandelier. Million dollars ang halaga nito. Ang mga crystal na mga vase na malaki ay tila nakakatakot hawak. Sure na mamahalin ang halaga ng mga ito.
Isa siyang businessman at CEO ng sarili nilang kumpanya. No doubt na afford na afford niya mga ganitong mamahaling bagay. Dahan-dahan niya akong hinila palapit sa kan'ya.
"Anong gagawin natin dito?" tanong ko.
He bit the lower part of his lips. Mas naging maamo ang kanyang mukha. Masaya siya na kusa ko siyang tinanong.
"Akala ko babe, ayaw muna akong kakausapin." Malambing niyang sabi sa akin.
"Total tayo lang naman ang nandito wala naman siguro akong pwedeng kausapin," saad ko. Nginitian niya ako parang mas iniinis niya ako.
"May I explain?" he asked me.
Sa veranda niya ako dinala pinaupo niya ako sa mahabang sofa. Tiningnan ko siya hindi ko alam saan ako mag-uumpisa magtanong-tanong. Hinawakan niya ang kamay ko.
"Sino si Genesis Failon?" iyun ang unang lumabas sa bibig ko. Nang banggitin ko ang pangalan ni Genesis ako ang nasasaktan. I'm getting so jealous.
Para siyang na shock sa tanong ko. Hindi agad siya nagsalita. Ang mainit niyang hininga ay tumama sa akin. Yumuko ako dahil iyakin ako baka tutulo ang luha ko.
"My mom wanted me to marry Genesis. Wala ako sa time na binulgar niya sa harap ng media. Na kumakalat ngayon na balita sa social media. My mom she knows na hindi ako pumayag sa kanyang gusto. Ikaw ang babaeng ipapakilala sa buong mundo. Ikaw lang babe, kung ano man ang nababasa mo o naririnig mo ay pawang walang katotohanan." Pinipigilan ko ang sarili ko na hindi umiyak sa harap niya.
Bakit pinaghihintay mo ako last night? Why? Kahit mensahe ay hindi mo nagawa na e-message ako. Saan ka that night?" sunod-sunod na tanong ko.
"My sister Reem. We thought nasa London siya pero nandito pala siya sa Pinas. Kasama siya sa kaguluhan sa bar. They took them to the precinct. Ako ang tinawagan niya. My parents wala silang alam. Napagbintangan si Reem na siya ang nakasaksak sa kaaway nila. Kinausap ko ang magulang ng biktima na huwag silang magdemanda sa kapatid ko. I thank God at napapayag ko sila. That's why I didn't call you. I don't want you to worry. Please forgive me. Until now I haven't slept." Malungkot niyang paliwanag sa akin.
"Your sister, where is she now? Kumusta siya ngayon?" I asked him.
"She's fine. Ngayon ay nasa kanyang sariling condo siya ngayon.." Mabilis niyang sagot. I nodded to him.
Pinatayo niya ako. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Hinaplos niyang dahan-dahan ang pisngi ko. Nilagay niya ang kanang kamay ko sa kanyang kanyang dibdib. Nararamdaman ko ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Mas lalong lumalakas ang t***k ng kanyang puso.
"Tandaan mo babe, ikaw ang dahilan kung bakit ganito kalakas ng pintig ng puso ko. Ikaw sinisigaw niyan, ikaw lang ang gumising ng puso ko ngayon. I thought hindi ako makakahanap na nagpatibok ng puso ko na ganitong kalakas. Binaliw mo ang puso ko Kesha Silvy. You stole my heart, my soul."
Nakaramdam ako ng awa sa kan'ya. I smiled at him. Nakikita ko sa kanyang mga mata kung gaano niya ako kamahal. Kung alam lang niya na unang kita ko pa lang sa kan'ya ay minahal ko na siya ng lihim.
"I love you," I said.
"I know how much you love me baby ko." Ngumuso ako sa kan'ya.
He kissed me. Nag-uumpisang maglaro ang kanyang labi at dila sa bibig ko. Ang mainit niyang halik ay nagpapainit ng katawan ko. Maya-maya ay tinigil din niya paghalik sa akin. He gently caressed my skin. He started on my cheek down to my neck and nape. Up to my arm to my hand. She seemed to tickle me with every warm caress she gave me. I close my eyes slowly. My right hand ay nasa kanyang baywang. Dinikit niya ang ilong niya sa ilong ko. He hugged me tight.
"I love you so much Kesha." He whispered to me. Abot buto ko ang I love you niya sa akin.
"I love you more Rex," saad ko. Kumalas siya sa pagyakap sa akin as usual bilang respect niya sa akin hinalikan niya ako sa noo.
"Give me your two hands and close your eyes," agad sinunod ang utos niya sa akin.
"Anong meron?" curious kung tanong.
"Just wait babe don't move. Until I didn't tell you." He said in a calming voice.
Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Hanggang sa nararamdaman ko na muli niya akong hinawakan sa kamay.
"Open your eyes babe," dahan-dahan kung binuksan ang dalawang mata ko.
Kumukurap-kurap muna ako. Ang mata ko sa rolling desk table. Na may lamang pagkain at mga bulaklak. Nginitian niya ako at pumunta siya sa likod. Dinikit ng dikit siya sa akin ang kanyang katawan.
"Ang sarap pa lang maglambing ang mahal ko," sabi ng diwa ko.
"Let's eat baby," bulong niya sa punong-tenga ko. Pinaupo niya ako.
Masaya naming pinagsaluhan ang inihanda niya na pagkain. Lamb fillet and some vegetables next on it. Sinubuan niya ako. Ginawa niya akong bata. Sinubo ko kan'ya ang broccoli gamit ang kamay ko. Binuka niya ang bibig niya hinintay niya isubu ko sa kan'ya ang broccoli. Nang isubo ito sa kan'ya ay pati kamay ay hinuli ng bibig niya.
"Rex!" sigaw ko. Tumawa kaming dalawa. Kahit hindi ko nasabi sa kan'ya pinatawad ko na siya ay sa kilos ko ay alam niya na pinatawad ko na siya.
"Kesha my baby, my princess," malambing niyang tawag sa akin. Lumuhod siya sa kinauupuan ko. Nakita kung nilabas niya ang small box na kulay pula. Binuksan niya ito. Isang kumikislap na singsing. May malaking diamond sa gitna. Para akong naninigas sa kinauupuan ko. Nakangiting lumuhod ang mapang-akit niyang mata ay nakatuon sa aking mga mata. Parang hihimatayin na ako sa susunod niyang sabihin sa akin.
"Babe. Will you marry me?" I feel frozen, I feel shocked and my mouth parted.
I don't know what to say. Nakatutok ang mata ko sa diamond ring. Tila sabik na sabik si Rex sa isasagot ko. Napatakip ako ng aking bibig. Biglang pumatak ang aking luha.
"Babe," I sighed.