Chapter 28
Kesha Silvy
Kahit mabigat ang buong katawan ko na pumasok sa trabaho ay pinilit ko. Mahirap na baka matanggal ako ng trabaho. Maaga pa naman ay magje-jeep nalang ako. Kaysa mag-taxi ako. Nilakad ko hanggang kanto kung saan dumadaan ang mga jeep. Nakamura kasi ako ng 100 pesos kapag hindi taxi ang sasakyan ko.
Nagulat ako sa biglang pagsulpot ng sasakyan ni Joan. As usual busina pa lang ng kanyang sasakyan ay kilalang-kilala ko na'to. Huminto siya at binaba ang window ng sasakyan niya.
"Bilis, ihahatid na kita." She said to me, and I opened the door.
"Thank you, maaga ka yata ngayon?" tanong ko sa kan'ya.
"Oo, kasi may malaking event sa Jones hotel mamayang gabi. Wala na yatang katapusan ang datingan ng mga business men. Si sir Nathan lagi pang mainit ang ulo kapag pumunta sa hotel."
Nakangusong sabi ni Joan sa akin.
"Job is job," saad ko at sabay kami napabuntong hininga.
"Narinig at nabasa mo na ba ang balita?" tanong niya sa akin. Nakakunot noo ako.
"Hindi, bakit anong balita ba yan?" tila nanlalamig ang palad ko sa tanong ko.
"Ang laki pala ng dinner event kagabi sa loob ng mansyon ng isa mga kasosyo ng Jones company. Buksan mo ang social media mo. Mababasa mo ang mga importanteng naganap last night. But Rex was the only one who wasn't in the picture." Seryoso akong nakikinig sa sinasabi ni Joan.
"Ganun ba," malumay kung sabi mabilis kung kinuha ang cellphone ko loob ng bag ko.
"Anong ganun ba? Hurry up! Open your social media and open your eyes carefully at basahin mong mabuti ang nakasulat." Galit na boses ni Joan sa akin. Nilingon niya ako tinaasan niya ako ng kilay. Para siya pa ang apektado sa balita.
Binuksan ko ang aking social media account. Nang mabasa ko ang nakasulat ay tuluyan ng nanginginig ang dalawang kamay ko. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na manghina. Napahawak ako sa aking dibdib.
Genesis Failon my soon daughter in law. I am so happy she is part of my family coming soon. Let's welcome her ladies and gentlemen. Genesis Failon, isa siya sa mga sikat na doctor at magaling na doktora. Kahit sa ibang bansa ay nakilala ang kanyang pangalan. I am so proud of her. From now on, call me Mommy.
She's beautiful at may ipagmamalaki. Siya ang tipong babae na gusto ni ma'am Connie sa nag-iisa niyang anak na lalaki. Hindi isang katulad ko na mahirap isang waitress lang. Sino ba naman na e-level ang estado ng buhay ng isang waitress at bantog na doktora? Sino ba naman ako na magustuhan ni ma'am Connie?
Hinanap ko si Rex sa mga litrato ay ni isa ay wala akong nakita. Saan kaya siya? Nang binasa ko ang pinakadulong litrato na may caption. Para akong binagsakan ng malakas na ulan o tila nahulog ako sa bangin. Kahit nahihirapan akong basahin ay ipinagpatuloy ko pa rin. Next week na ang engagement nila ni Genesis.
Hindi ako makapaniwala sa mga nabasa ko. Naramdaman kung hinawakan ni Joan ang kamay ko dahil nakita niya medyo nanginginig na ako. Halo-halong emotions ang nararamdaman ko.
"Joan, please stop the car." Utos ko sa kaibigan ko.
Nang ihinto ni Joan ang saksakyan. Nilanghap ako ang hangin sa labas ng bintana ng sasakyan ni Joan. Pakiramdam ko ay tumitigil ang ikot ng mundo. Nobody knows na may nangyari na sa amin ni Rex. Paano kung mabuntis ako. Paano kung bigla siya mawala sa akin. Paano kung totoo ang nabasa ko. I need to talk to him. But how? Ako ba ang dapat na mag-open sa kan'ya o hihintayin ko na siya ang magpaliwanag?
Paano ko naman siya makakausap kung hindi ko alam kung saan siya. Sa daming pumapasok sa isip hindi ko na alam kung alin ang uunahin. Pinaandar ulit ni Joan ang manibela ng sasakyan. Sinandal ko ang likod, ang isip ko ay malayo na ang narating.
"Girl, I think mag-usap muna kayo ni Rex. Don't think too much. Baka ang kanyang mother lang ang may gusto sa mga nakasulat at sa mga kumakalat sa social media. Sige ka papangit ka niyan." Nginitian ako ni Joan ang attention ko ay sa parating na engagement.
I took a long deep breath. Inangat ko ang mukha ko. Pinahid ko ang luha ko sa aking pisngi. Muli kung binalik sa dati kung anyo ang sarili ko. Nilakasan ko ang loob ko, isa pa tanging ang ina lang naman ni Rex ang nagsabi sa harap ng mga tao. Kahit hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Even, I feel regret and anger, I pretend nothing happened. Hinawakan ko ang kamay ng kaibigan ko. She smiled at me.
I smirk. Hindi ko rin namalayan na dumating na kami sa harap ng restaurant na pinagtatrabahuhan ko. Nag-beso-beso muna kami ni Joan bago ako lumabas sa kanyang sasakyan. Pumasok ako agad sa loob ng restaurant at diretso ako sa locker. I changed my clothes. I put on some light makeup on my face and lipstick. Nabura kasi ng luha ko kanina.
Sa mga nakalipas na oras. Nilibang ko ang sarili ko sa trabaho at isa pa maraming tao ngayon. Minsan napapansin ni Cynthia na medyo maputla ako. Kahit si Ola ay tinanong ako kung may sakit ba ako o problema.
"Lunch time girls," mahinang sabi ni Pablo, I nodded to him.
Habang kumakain kami ay bigla akong tumigil. Naaalala ko kasi ang mga nabasa ko na balita. Lalo na hindi pagsulpot ni Rex sa akin kagabi. Sumunod na pumasok sa isip ko ang nangyari sa amin ni Rex.
Sa lakas ng kabog ng dibdib ko ay parang hihinto na ang aking hininga. Ang isip ko ay gustong-gusto magalit o hindi. I'm too crazy to think about it. Bigla kung napasabunot sa bulok ko. I scream a low voice. Instead na ako sisigaw si Cynthia ang napasigaw sa gulat sa akin.
"OMG! What happened to you, Kesha?" Cynthia asked me.
Umiling-iling lang ako. Nang mapansin nila tahimik lang ako ay no reaction and no noise na sila.
Hanggang sa natapos ang breaktime namin. Kanya-kanya kaming bumalik sa trabaho namin. Muntik ko ng mabitawan ang hawak ko na tray. Para akong estatwa na nakatuon ang mata ko sa malaking screen ng television.
Napaawang ang labi ko. Dahil ang mukha ng mahal kung lalaki sa television. Sinalubong siya ng mga reporter. At sunod-sunod naman nagsipag-takbuhan ang mga bodyguard at hinarangan ang mga media.
"Mr. Jones totoo ba ang announcement ng Mama mo tungkol sa nalalapit na engagement n'yo ni doktora Failon? When and where gaganapin ang engagement?" tanong ng lalaking reporter.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Dahil kung anu-ano na ang puri ng mga reporter kay Genesis na sinasabi nila kay Rex. Ang mga tanong ng media ay walang sinagot si Rex sa kanila. Huminto siya sa harap ng media diretso ang mata niya sa harap ng kami camera. Pakiramdam ko ay nagtitigan kami ng face to face dahil nakapako ang mata ko sa malaking screen ng tv.
"Kesha!" tawag sa akin ni Felicia.
Nagising ang ulirat ko sa pagtawag ni Felicia sa pangalan ko. Tinanong niya akong okay lang ba ako. Kahit hindi ay tumango ako. Isang peking ngiti pinakita ko. Wala naman siyang sasabihin kinukumusta lang niya ako. I thank God, dahil may mga kaibigan ako na mabait at understanding at nagpapagaan ng loob ko.
"Don't mind the news," bulong niya sa akin at tinalikuran din niya ako.
Pagkatapos ng trabaho ko ay mabilis akong lumabas ng restaurant. Gusto kung umuwi ng maaga. Dahil sa araw na ito ay maraming nag-sagabal ng isipan ko. Ilang hakbang pa lang ako ay nakita kung papasok ng restaurant si Ivy kasama niya ang kanyang mga kaibigan. Para silang mga model sa suot nila.
"Kesha!" She called my name. Lumapit siya sa akin.
Matapang kung siyang nilingon. Alam ko na isa rin siya sa nasaktan sa balita sa araw na ito. I know na patay na patay din siya kay Rex. But Rex ay wala siyang pagtingin kay Ivy.
"I told you, isa ka rin sa ikakama ni Rex. Then iiwan ka sa ere. She's not you a kind of woman na magustuhan ni Rex at mahalin." Pang-iinsulto niyang sabi sa akin.
"We will see Ivy. Siguro ay hindi rin ikaw ang tipo ni Rex. How many years na kapit tuko ka sa kan'ya ni minsan si Rex ay hindi ka niyang tiningnan. Well, mind your own business." Pang-iinis ko rin sa kan'ya.
Namula ang pisngi niya sa sinabi ko sa kan'ya. Nagkatinginan ang kanyang mga kaibigan. Padabog niya akong tinalikuran at buong tapang ko siyang tiningnan. I called her name.
"Si doktora Genesis Failon ang harapin mo," matapang kung sabi.
"How dare you?" galit niyang saad.
Sa inis ko tinaasan ko siya ng kilay. Lalapit sana siya sa akin ay inawat siya ng mga kaibigan niya.
Ilang minuto akong nag-abang ng taxi ay wala pa rin dumaraan na taxi. Kung kailan akong nagmamadaling umuwi ay kahit isang taxi ay wala. Tiningnan ko ang oras maaga pa naman. Tinungo ko ang suki namin na bakeshop. Baka roon ako banda na makasakay. Paghakbang pa lang ako ay may humawak sa siko ko.
Akala ko ay isang snatcher. Nilingon ko siya at mabilis kung hinampas sa kan'ya ang hawak ko na bag. Nang matanto ng mata ko ang matangkad na lalaki ay namilog sa laki ang dalawang mata ko.
"Rex," sambit ko sa pangalan niya.
He's looking tired and pale. Ang maganda niyang mata ay tila kulang sa tulog ito. He looked at me. Nakita kung dahan-dahan niyang binuka ang bibig niya. Nakaramdam ako ng galit sa kan'ya. Kanina gusto ko siyang kausapin pero ngayon ay galit at sama ng loob ang nararamdaman ko. Tinalikuran ko siya ng walang paalam.
"Babe!" He stopped me. Nagpanggap ako na hindi ko siya narinig. Hindi ko siya nilingon dere-diretso ako sa paglalakad.
Ramdam ko ang pagsunod niya sa likod ko. Parang naghahabulan kami. Kung malaki ang ginawa kung hakbang ay mas malaki sa kan'ya sa haba ng binti tatlong hakbang ko ay isa lang sa kan'ya.
"Let me explain," sabi niya sa likod ko.
"I don't want to talk." I said.
"Please," he pleaded with me.
Nilingon ko siya. Tinaas ko ang mukha na buong tapang. Kahit na gusto ko rin pakinggan ang explanation niya ay magulo ang isip ko na pakinggan siya. Para akong tanga kagabi na naghihintay sa kan'ya. Kahit isang konting mensahe ay hindi niya ginawa.
Nang may dumaan na taxi ay pinara ko agad. Huminto naman ito agad. Bubuksan ko sana ang pinto ng taxi ay hinarangan ng ni Rex ang kamay ko.
"Hindi ka uuwi until hindi mo ako pinapakinggan mahal ko." Mahinahon niyang sabi sa akin.
Nakita kung inabutan niya ng pera ang taxi driver at sinabihan na umalis. Galit ko siyang tiningnan. Para wala lang sa kan'ya ang mukha ko na hindi na ma-drawing. Binuhat niya akong bigla. Pinagtitinginan kami ng ibang tao. Ilang beses ko siyang sinabihan na ibaba ako pero nag-bibingian siya sa akin. Pinapalo-palo ko ang matigas niyang likod ng kamay ko. Tumawa lang siya sa akin.
"Kahit ilang beses mo akong saktan mahal ko ng kamay mo ay I don't care." Mas hinigpitan niya paghawak sa akin.
Hanggang sa pinasok niya ako sa loob ng sasakyan. Nilagyan niya ako ng seatbelt. Biglang nagtama ang mga mata namin.
"I love you," nakangiting sabi niya sa akin.