Chapter 27
Kesha Silvy
Hindi rin umuwi si Felicia, sinabihan ko na kung gusto niya na magpahinga ay pumasok siya sa kwarto ko. May 4 hours pa naman na natitirang oras before the dinner event. Nang sabihin ko sa kan'ya ay mabilis siyang tumayo sa kinauupuan niya. He gave me a big hug and kissed my forehead. I smiled at him. Sayang talaga ang bakla na'to.
I looked at the time on the wall clock. It was already 4pm in the afternoon. Then I
tied my hair, before I went into the kitchen. When I entered, I opened the fridge.
Then I looked at what inside the fridge that I would cook for my siblings for dinner, before the makeup artist came.
Naalala ko may nilagay akong chicken wings sa freezer. Dapat kaninang umaga ko pa itong nilabas para matunaw ang ice. Ginawa ko ng nagpainit ako ng tubig sa heater. Nang uminit ang pinakuluang tubig ay nilagay ko bowl pyrex ang chicken wings at nilagyan ko ng mainit na tubig hanggang sa natunaw ang ice.
Pagkalipas ng isang oras ay naluto ko rin ang chicken wings. I make sure I turned off the gas, bago ako lumabas ng kusina. Then after, I went to my room at dahan-dahan binuksan ang pintuan ng kwarto ko. Dahil hanggang ngayon ay tulog pa rin si Felicia. Pagpasok ko ay kumuha ako ng damit sa kabinet ko at lumabas din ako agad. Inaamoy ko pa ang sarili ko na amoy bawang. I took a shower. Sinabon ko ng mabuti ang buong katawan ko dahil nakakahiya kung amoy bawang ako.
Almost 7pm in the evening hanggang ngayon ay wala pa rin ang makeup artist. Sinusubukan kong tawagan ang numero ni Rex ay naka-off ang kanyang mobile. Tayo, upo at silip sa bintana ang nangyayari sa akin.
"Hindi ba talaga naka-on ang kanyang mobile?" tanong ni Felicia sa akin pati rin siya ay hindi rin mapakali.
"Ano kaya kung kami nalang magpaganda sa'yo. Magaling naman kami ni Felicia," presinta ni Joan.
I smiled at them. Maganda rin ang idea ni Joan. Incase na darating si Rex ay ready na ako. At nine in the evening pa naman 'yung dinner sabi ni Rex sa akin. Baka may inaayos lang siya na importante kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin siya dumarating. Speaking of makeup artist ay ignore ko na lang 'yun. Kahit wala lng mag-aayos sa akin I can do it alone.
Pinaupo nila ako sa harap ng salamin. Kinuha ni Joan ang pang-pakulot ng buhok ko. Si Felicia naman ay nag-aayos ng mukha ko. Sinabihan ko na light makeup lang gawin. Sa lipstick ay sinabihan ko rin siya I can do it alone. Pumayag naman siya.
Habang nilalagayan ako ni Felicia ng makeup ay kumakanta siya. Sinabayan din siya ni Joan. Hanggang sa dalawang kapatid ko kumanta na rin silang lahat. Natatawa ako sa kanilang apat ang saya nilang tingnan. Habang ako ay ang sa isip ko ay Rex. I checked my phone, until now I didn't receive any message from him.
"OMG, just wow!" gulat ko sa sarili ko ng makita ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Ibang-iba ang ayos ko ngayon kaysa araw-araw na pagpapaganda ko.
"Ate, pwede ka ng sumabak sa Miss Universe. Baka ikaw na ang makakauwi ng korona." Sabi sa akin ni Katya ang mata niyang nakangiti ay sa akin nakatingin.
"Oo nga naman Kesha, ako na ang manager mo," pilyo ni Felicia.
"Tumahimik nga kayo, huwag n'yo ako idamay sa mga kapasawayan niyong apat." I groaned na tahimik sila.
"Ito isukat muna ang damit ate. Baka on the way na si kuya Rex." Nakangiting sabi ni Katya.
Kinuha ko sa kamay niya ang damit na pinadala ni Rex sa akin. Pumasok ako sa loob at doon ko sinuot ang golden silk dress. Fit na fit sa katawan ko. Hinawakan ko ang manipis na tiyan ko. Pati ako ay hindi makapaniwala sa itsura ko ngayon para akong isang princess na nakikita ko sa palabas sa television. I parted my lips. Umikot-ikot ako sa harap ng salamin.
Masaya akong lumabas sa kwarto ko. Paglabas ko lahat sila ay nakanganga sa akin. Ang mga mata nila ay tila mahuhulog na sa laki. Pakiramdam ko ay kakaiba ako sa gabing ito.
"Mahuhulog ang mata ng mga lalake sa'yo ate. Bakit ngayon ka lang nagpapaganda ng ganito." Puri sa akin ng dalawang kapatid ko na ang mata ay nakapako sa akin.
Alas nuebe na ay hindi pa rin nagparamdam si Rex. Hanggang sa kumakalam na ang sikmura ko. I haven't eaten yet. Umupo ako sa tabi ng kapatid ko na inaantok din siya. Usually alas otso ay natutulog na si Kim. Tinawag ko si Katya na ihatid na niya si Kim sa kanyang kwarto. Pati na rin si Felicia ay naiinip din siya at naiinis na rin siya.
"Subukan mo ulit na tawagan siya," Joan said.
Dinayal ko ulit pero off pa rin ito. Nakakaramdam ako ng kaba. Nilingon ako ni Felicia na nakatayo sa harap ng pintuan. Nagkatinginan kami at umiling-iling siya sa akin. Dahil 9:30pm na ay wala pa rin si Rex.
Umupo ako nahilot ko sintido ko. I closed my eyes slowly and I took a deep breath. Tiningnan ko ang oras ay already 10pm na.
"Guys umuwi na kayo gabing-gabi na. Pasensya na kayo naabala ko kayo." Malungkot na sabi ko. Parang naiiyak ako sa inis.
Pakiramdam ko ay naninikip ang dibdib ko. Hindi ko lang pinapahalata sa dalawang kaibigan ko. Hinawakan ako ni Felicia sa magkabilang braso ko. Napansin niyang namumula ang dalawang mata ko. He smiled at me. Nahihiya akong titigan siya.
"Hubarin muna ang damit mo beshy. Hindi na yatang darating ang jowa mo. Kahit message man lang ay hindi niya nagawa sa'yo." Inis na saad ni Joan.
Tiningnan nila akong dalawa. Nakikita ko ang awa nila sa akin. Dahil hindi ko akalain at hindi rin nilang akalain na ganito ang mangyari sa akin Ang unang gabing event na dadaluhan ko ay nauwi sa nothing. Sobra silang na disappointed. I felt like crying but no tears came out of my eyes. Pero ang puso ko ay umiiyak ng walang luha. Gusto kung sumigaw o humihikbi pero kino-control ko ang sarili ko. Ayokong ipakita sa kanila na mahina ako.
"If you want, I can stay here," malungkot na sabi ni Joan sa akin.
"Okay lang ako. Baka this is not the right time. Huwag na n'yo akong alalahanin." Saad ko.
"Sigurado ka?" concerned na tanong ni Felicia.
"Oo naman, ano ba kayong dalawa. Divorce na tayo bukas may trabaho pa tayo na haharapin. Umuwi na kayo. May sasakyan ka naman siguro Joan, ihatid muna nalang ang reyna na'to kasi iniwan niya ang kanyang kotse sa parking lot." Sabi ko at kinuha ko ang dalawang kamay nila.
"Grabi ka naman girl, pinagtabuyan muna yata kami e." Marteng sabi ni Felicia.
Hindi ko na silang sinagot pa. Binuksan ko ang pinto at para makauwi na sila. "Mag-ingat kayong dalawa." I saw them nodding to me.
Nang makita kung nakaalis na ang sasakyan ni Joan ay sinarado ko ang pintuan. At malaking hakbang kung tinungo ang kwarto ko. Hinubad ko agad ang dress na suot ko. Inis ko na tinapon sa sahig ito.
Magpalit agad ako ng pajama. Tinanggal ko rin ang makeup ko sa mukha ko. In awhile ay binagsak ko ang katawan ko sa kama ko. Ang luhang kanina ko pang gustong ilabas ay nailabas ko. Sunod-sunod pumatak ang luha ko sa aking pisngi. Pakiramdam ko ay nanlalambot ang mga tuhod ko.
Baka pinaasa lang niya lang ako. Sino ba naman ako sa kan'ya? Tama nga ang sabi nila saan ako at saan siya. Alam ko naman mahirap abutin ang tulad niya na isang bituin. Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko. Pinunasan ko ng tissue ang luha kung pumatak sa aking pisngi. Bumangon ako sa aking kama. Bumuntong hininga ako. Tumayo ako at binuksan ko ang bintana para makalanghap ako ng hangin. Pakiramdam ko kasi kailangan ko ng extra na oxygen sa loob ng kwarto ko. Pati ang kwarto ko ay sumasabay naninikip na kailangan din ng oxygen.
Lumabas ako sa kwarto ko. Pagbukas ko ng pinto ay si Kareem ang nabungaran ng mata ko. Tinanggal niya ang sapatos galing kasi siya sa labas. Tumingin siya ng diretso sa akin. Nakita niya na namumugto ang mata ko. Mabilis siyang lumapit sa akin. Inangat niya ng kanyang kamay ang baba ko.
"May problema ba ate? Umiiyak ka ba?" sunod-sunod na tanong niya sa akin. I really don't know what to say to him.
"Wala na pagod lang ako. Kanina pa kasing nangangati ang mata ko. Baka allergy na naman ito dahil sa pollution," saad ko.
"Sigurado ka ba?" panigurado ngla tanong sa akin ang mata niya ay tila sinusuri ang mata kung galing sa iyak.
"Kumain ka na ba?" tanong ko para maiba ang usapan namin.
"Opo ate," he said.
Sabay kaming pumasok sa kusina. Kumuha ako ng malamig na tubig sa loob ng fridge at dinala ko sa loob ng kwarto ko ang isang basong tubig na malamig.
Naglalaro ang isip ko. Maraming tanong na wala naman lumalabas sa bibig ko. Nagmumukhang tanga ako na nakatingala sa lumang kisame. Alas dos na ng umaga ay hindi pa rin akong dinadalaw ng antok.
I checked my phone again to see if he had a message from him. But still nothing. Sa inis ko I turned off my mobile. I shook, pinilit ko ang mata ko na ipikit. Bukas ko na lang ipagpatuloy ang mga tanong ng isip ko. Hanggang sa nakatulog ako na maraming iniisip.
Kinabukasan ay maaga akong gumising. Nakaramdam ako ng bigat at sakit sa ulo. Mabigat ang buong katawan ko. Bumangon ako ang unang pumasok sa isip ko ay cellphone ko. Hinanap ng kamay ko sa ilalim ng unan ko pero ilalim ng unan ko. I rub my eyes and roll it. Nasa ibabaw pala ng maliit na mesa ang hinahanap ko. I get up lazily. I just stare at my mobile. If I don't move and stand up my mobile won't come near me. Wala namang paa ang mobile ko nakapako lang ang mata ko roon. Nagising lang ang diwa ko na may kumatok sa pintuan. Nilingon ko ito hanggang sa bumukas.
"Good morning ate, hindi ka namin ginising napasarap kasi ang tulog mo. Natuloy ka pa ba kagabi?" Just I parted my mouth. No answer came out.
"Ate mukhang hanggang ngayon ay tulog ka pa rin," lumapit siya sa akin at bigla niya akong niyakap ni Kimberly.
"Maganda ka pa sa umaga bunso," mas hinigpitan niya ang pagkakayakap niya sa akin. Nakita ko rin na nakabihis na ito ng uniform.
"Ate, kung sakali makapag-asawa ka isama mo ako sa magiging bahay mo." Parang nadurog ang puso ko sa sinabi ni Kimberly.
Tingnan ko siya. She's crying. Pati ako ay naiyak. Bata pa kasi ito na mawala ang mga magulang namin. Ako kasi ang naging ina at ama ni Kim.
"Sino may sabi na iiwan kita? Ikaw yata ang the most beautiful girl I have ever seen all over the world." She hugged me big hugs.