CHAPTER 5
AKIRA JANE DIMAANO
NAPAIGIK AKO ng tumama ang likod ko sa dingding ng elevator. Gusto ko siyang itulak palayo sa akin at pigilan ang mga halik niya na mapangahas pero ang mga tulak ko ay parang walang epekto kay Connor. O sadyang wala lang din talaga akong lakas para gawin ‘yon dahil nagugustuhan ko na rin ang ginagawa niya.
God, self you are making me frustrated right now. I feel so betrayed!
Nasa elevator kami ngayon at hindi makaalis pero nagagawa ko pang makipaghalikan sa lalaking ito na hindi ko nga dapat nilalapitan. Aminin ko man o hindi ay nakakainis na hanggang ngayon siya pa rin ang kahinaan ko.
Bawat galaw ng labi niya ay tumutugon din ako na mas lalong nakakapagpafrustrate sa akin. Hindi na nakikisama ang isip ko sa katawan ko at parang may sarili na siyang desisyon at hindi na ako sinusunod pa. Kung tao lang ang katawan ko ay talagang tatamaan ito sa akin kapag nakaalis ako dito.
Pusang gala ka, Connor!
Napamura na lang ang isip ko ng bigla akong hapitin ni Connor palapit sa kanya. Pero bago pa siya may gawin pang muli sa akin ay bumukas na ang pinto ng elevator kaya nanlalaki ang mata akong napabaling doon at mabilis na tinulak palayo sa akin si Connor.
“Ma’am, ayos lang po ba kayo?” tanong ng maintenance ng pagkabukas niya ng pinto.
Ngunit imbes na sagutin siya ay lumipad na ang kamay ko sa pisngi ni Connor. “Wtf?” Dinig na dinig ang malakas na tunog ng sampal ko sa pisngi niya na pati ang mga maintenance ay napangiwi.
“Salamat po sa pagbubukas ng pinto,” saad ko bago nagmamadaling lumabas.
“Come back here, Akira Jane!”
Halos lakad takbo ako para lang makalayo kay Connor na narinig ko pang ilang beses akong tinawag at nagmura ngunit hindi na ako nag-abala pang huminto. Pakiramdam ko ay sobrang pula ng mukha ko ngayon dahil sa sobrang kahihiyan sa pinaggagawa ko kanina sa elevator. Para akong hayok sa halik kung makakunyapit ako kay Connor. At ngayon ay mukhang madadagdagan ang rason ko para iwasan siya.
“Ay kabayong malandi!”
“Hoy grabi ka naman sa malandi! Bakit para kang nakakita ng multo sa itsura mo?”
Napabuntong hininga ako at kinuha ang kape na dala ni Lori bago sinabayan siya na maglakad. Paglabas ko ng building ay dito ako napunta sa fishbolan ni Manong kaya naupo na lang ako at nagtago. Pero sa dami ng nakain kong fishball ay gutom pa rin ako dahil yata ito sa kaba ko na baka mahanap ako ni Connor at bigla na lang bitbitin sa laki niyang ‘yon ay wala namang magagawa si Manong para sa akin.
Nakarating kami sa isang kainan na medyo bago sa paningin ko at alam kung hindi papasukin ni Connor kaya doon ko na lang inaya si Lori. Nagorder agad kami ng makakain dahil parang naubos hindi lang enerhiya ko kanina kung hindi pati yata dugo ko sa katawan.
“Ito lang po mam?”
“Ay, Kuya akin lang po ‘yan. Tanungin niyo din po ang babaeng yan kung anong order niya,” utos ko sa server na mukhang nagulat pa yata sa sinabi ko.
“Kuya, kung anong order niya ganun din sa akin. Dagdagan mo na lang din ng isang order ng chicken wings, honey, at parmesan ah.”
Pati ang ibang malapit na mesa sa amin ay gulat na gulat na nakatingin sa amin. Hindi na bago sa amin ni Lori ‘yon dahil malakas talaga kaming kumain lalo na kapag stress kami. Mabuti na lang at mahal pa rin kami ng Diyos dahil kahit anong kain namin ay hindi kami tumataba.
Habang naghihintay ng order namin ay wala din tigil si Lori kakatanong sa kung anong nangyari sa akin. “We kissed.” Iyon lang ang salitang sinabi ko sa kanya para matrigger ang buong pagkatao.
“Seriously? When? How? I mean when does it fvcking happen? Oh my, God! Spill the bean, Kira!”
“Gaga! Paano ako makakapagsalita kung ganyan ang reaksyon mo na mas malala pa sa akin? Bago ko pa mabuka ang bibig ko ay merong na agad siyang sasabihin kaya mas lalo akong walang masabi.”
Habang kinukwento ko kay Lori ang nangyari sa amin sa elevator ay hindi ko yata alam kung ilang beses niya na akong hinambalos ng kamay niya o ng kung ano pa ang mahahawakan niya. Pakiramdam ko ay namanhid na yata ang braso ko sa kakapalo niya sa akin. Kaya mahirap pasayahin ang isang ito ang brutal masyado.
Hindi ko alam kung ilang bote na ang naubos namin ni Lori dahil sa gusto ko lang kalimutan ang nangyari sa elevator. Kaso ang kaibigan ko ay walang tigil naman sa pagpapa-alala sa akin dahil walang tigil na kinikilig ang bruha.
Nang idilat ko ang mga mata ko ay halos hindi ko na maigalaw at maibangon ang katawan. Sobrang sakit ng ulo ko na mas gusto ko na lang manatili sa kama. Gusto ko mang sabihin na ayoko ng uminom pero hindi ko magawa dahil kapag masama ang loob ko ang alak lang din ang takbuhan. Ito ang bagay na kahit ilang beses kong iyakan, pagsabihan ng problema ay hindi mapapagod makinig sa akin. Ito siguro ang dahilan kung bakit ginawa ang alak para sa mga taong takot magsabi ng problema o literal na walang masabihan.
“Hey, Tiddle! Order me some coffee and breakfast, please.”
Wala akong pasok ngayon kaya balak kong bisitahin sila Nanay at dalhan ng ilang grocery dahil busy ang kapatid ko sa exams niya lately. Hindi ko alam kung paano ako babangon dito sa kama pero wala akong choice lalo na ng tumunog ang pinto dahil sa pagdating ng order ko.
Kakabukas ko lang ng tv pero mukha na agad ni Connor ang bumungad sa akin. Ang mukha na ayaw ko muna sanang makita dahil maraming bagay sa nakaraan ko ang bumabalik sa akin. Pero sadyang mapanadya ang tadhana dahil mula sa tv magazine, billboard laging mukha ni Connor ang sumusulpot sa harap ko. Minsan gusto ko ng magreklamo sa mga kompanyang ito dahil hindi ako makapagconcentrate at mas maraming problema ang gumugulo sa akin.
He is a pilot but I don’t know why he is getting famous and famous every day and it’s getting harder for me. Sometimes it scares me to go outside ‘cause I might bump into him again.
“Okay, ka lang?”
Nilingon ko si Ate na kalalabas lang bahay. Hindi ko alam na nakabalik na pala siya kung alam ko lang ay hindi na ako dapat pumunta dito. Siguradong hindi lang isa ang maninermon sa akin.
“I’m good.”
“Yeah, good after having a hangover?”
Saglit akong napapikit at malalim na bumuntong hininga. “Okay lang ako, Ate. Napadami lang ang inom namin ni Lori kagabi.”
Ayokong pag-usapan ang nakaraan ko. Ayokong ungkatin ang buhay na meron ako noon dahil alam kung marami din akong sugat na mabubuksan na paglipas ng maraming taon ay hindi ko akalaing bukas pa din at hindi naghihilom.
“Drinking is part of life, but we knew where this is coming from, Kira. You’ve been there and we almost lost you, Akira. Alam mo kung ano ang pinagdaanan naming lahat just because you fall in love aand now I can see the same pattern ten years ago. And you are telling me you’re fine? That I should back off like I shouldn’t interfere in your life.”
At ito ang bagay na ayaw kong pag-usapan namin. Ayaw ko ng maungkat ang mga nangyari noon pero heto ako ngayon naririnig ang mga salitang parang multo sa akin.
Knowing the pain I inflected to all of them I never thought it would always be this painful every time I hear those words.
“I know and you knew I also never forget that especially he gave a remembrance for that one,” I shrug to her.
“Mama…”
Isang ngiti ang mabilis na gumuhit sa labi ko ng makita ko ang anak ko. “Baby, how’s vacation?” agad itong sumimangot ng marinig ang tawag ko sa kanya.
“It’s good. The place is really amazing. You should’ve joined us, Mama.”
Excited niyang kwento ng maupo sa tabi ko. Ganito siya tuwing magkukwento ng mga bagay na ginagawa niya at lugar na napuntahan niya. Madalas kaming magmountain climbing or magcamping dalawa dahil sawa na ako sa tao at ang anak ko ay masyadong matalino para maitago ko sa kanya ang bagay-bagay.
Colton Aki Dimaano my treasure and my lifeline. He is the only reason I am sane aside from my family. The only reason that I am still trusting God with my whole life again after what happened to me.
“Mabuti naman at nag-enjoy ka sa bakasyon mo. Tulungan mo muna si Lola mo sa pag-aayos ng meryenda,” utos ko sa kanya na mabilis ding tumayo bago humalik sa pisngi ko.
Nang makatakas ako kay Ate ay tumayo na lang din ako at dumiretso sa kwarto ko. At wala pang isang segundo ang batang inutusan kong tulungan ang Lola niya ngayon ay nakasunod na agad papasok sa loob ng kwarto ko. Napangiti na lang ako ng umakyat siya ng kama at nahiga sa tabi ko.
Sampung taon na si Colt pero kung umusta siya kapag naglalambing ay parang tatlo o apat na taong gulang palang. Mula pagkabata niya ay lagi siyang nakasiksik sa akin na halos kahit sa trabaho ay nakasunod siya at ayaw na akong iwan. Minsan napagkakamalan na kaming magkapatid ng mga tao na ikinakatuwa niya dahil binata na daw siya at hindi baby gaya ng madalas kong tawag sa kanya.
I know he's not a baby anymore and sometimes it scares me that he grows up too fast without me realizing it.
“Baby, don’t you think you are too old for a cuddle?”
Napangiti ako ng marinig ko ang mahina niyang hagikhik. “Ma, hindi mo ba ako namiss? We’ve been seperated for a few weeks.” Reklamo niya habang nakayakap at nakasiksik sa gilid ko.
“I always miss you, baby. Kaya nga nandito ako ngayon ‘di ba?” Imbes na sagutin ako ay mas lalo lang s’yang yumakap sa akin. “I love you!”
Hindi na ako muling kinulit pa ni Ate dahil hindi na rin umalis sa tabi ko si Colt. Napuno lang ng tawanan at ingay namin ang buong likod bahay na animoy sobrang tagal naming hindi nagkita.
Ngayong muling umaaligid sa buhay ko si Connor ay mas nagiging sensitive ako sa mga taong nakakasalamuha ko. Natatakot akong isa sa kanila ay makakilala sa akin at makita si Colt. Natatakot akong malaman ni Connor ang tungkol sa anak niya habulin ang karapatan na una palang ay ayaw ko ng ibigay sa kanya.
Alam kong karapatan niya na makilala si Colt bilang ama pero ang takot sa puso ko ay hindi mawala. Mayaman siya at kaya niyang ibigay ang lahat sa anak ko pero alam kung hindi nila mabibigay ang isang masaya at tahimik na pamilya.
“Ma, nagugutom na ako,” kalabit ng batang nasa tabi ko.
“Anak, parang kararating pa lang natin dito sa mall at wala pa tayong nagagawa pero kakain na agad tayo?”
“Ma naman eh…” maktol niya habang nakasunod pa rin sa akin maglakad.
Napapangiti na lang akong iniwan si Colton at naghanap ng pwede naming kainang dalawa. Inaaya ko si Nanay na sumama sa amin pero mas gusto pang samahan ang mga marites naming kapitbahay. Ngayon itong batang kasama ko ay walang tigil sa kakaisip ng mga gusto niyang gawin at bilhin.
Pumasok ako sa isang barbecue house at nang lingunin ko si Colton ay isang malaking ngiti na ang nakaguhit sa labi nito. Excited siyang pumasok at naghanap ng mauupuan naming dalawa. Siya na rin ang nag-order para sa aming dalawa dahil busy rin ako sa kakatawag ni Tina sa akin dahil sa bagong schedule ng segment ko.
“Ma, sasama din ako sa condo mo ah!”
“Oo na. But stop bothering me while on the booth,” mas lalong lumawak ang pagkakahila ng labi niya bago mabilis na tumayo at niyakap ako.
“Thank you, Ma!”
Halos ilang beses yata akong hinalikan ni Colton sa pisngi dahil matagal niya na akong kinukulit sa pagbisita sa booth, lalo na at matagal na ang huling beses niya akong dalawin sa trabaho. Naging abala akong nitong mga nakaraang buwan kaya hindi ko siya madala ngayon ay nag-aalangan ako dahil kay Connor. Pero wala akong choice dahil kasama ko na rin naman siya ngayon at dadaan ako ng opisina.
“Papunta na kami, Tina.”
Nagpaalam lang ako kay Tina bago nilingon ang anak ko na ngayon ay hinihintay kong bumili ng ice cream. Pero hindi ko pa nahaharap si Colton ay isang lalaki na ang nakatayo sa harap ko ka siyang ikinatigil ko at ng mismong mundo ko.
“Akira? What are you doing—”
“Ma, I also bought you one,” Colton shouted as he ran towards me.
Hindi na natapos ni Connor ang tanong niya sa akin ng tawagin ako ni Colton. Ayokong lingunin ang anak ko pero ilang beses niya akong tinawag at ngayon ay naririnig ko na siyang tumatakbo palapit sa amin.
For the first time after so many years, I felt scared again. Scared that my past that is hunting me for the past years is now standing in front of me and might ruin what I have in the present.