Chapter 4

2315 Words
CHAPTER 4 AKIRA JANE DIMAANO I'VE BEEN TRYING to avoid Connor for a few weeks now, and I’m not sure if it’s actually working since I haven’t seen him since that day. I'm at ease knowing he's not near me, but it worries me because I know he's either busy or plotting something I wouldn’t like. Nilingon ko ang tambak kong trabaho sa ibabaw ng mesa ko. Kanina ko pa ito ginagawa, pero hindi ko alam kung bakit hindi na ako natatapos sa ginagawa ko na parang hindi naman sila nababawasan. Halos araw-araw na lang tambak ang kailangan kong icheck, pirmahan, at basahin, at hindi ko mapigilang mapagod. “Kape?” Tiningala ko si Pete at kinuha ang inabot niya sa aking isang baso ng kape. “Bakit ba ang dami kong trabaho? Hindi pwedeng sapat ng nagsasalita ako magdamag?” reklamo ko sa kanya na ikinatawa niya. “Gusto mo pala ng ganun sana hindi mo tinatago ang mukha mo.” Aray ah! Babalik din pala sa akin ang mga reklamo ko dahil isang malaking rason din talaga ‘yon kaya mas madalas akong manatili sa likod ng mikropono o di kaya’y dito sa lamesa ko. Hindi ko magawang tanggapin ang ibang offer sa akin, lalo na ang mga hosting or guesting dahil ayaw kong malaman ng mga tao kung sino ako. Kahit ang mga avid listeners ko ay bawal pumunta dito sa station dahil ayaw ko. Ayokong masayang ang ilang taon kung pinaghirapan dahil siguradong kapag nalaman niya kung nasaan ako ay siguradong hindi na naman sila titigil sa panggugulo at pagsira ng buhay ko. Masyado na akong maraming pinagdaanan para bigla na lang itong mawala dahil sa kasakiman nila. “Tsk! Huwag ko na kayang tanggapin ang bagong segment na binibigay nila? Napapagod na ako eh!” Napangiti ako ng mabilis na tumayo si Pete at sumilip sa labas ng pinto ko. “Tina, sabihin mo nga sa kanila bawasan ang mga gagawin ni Kira. Marami pa siyang segment na nakapila baka wala na itong boses sa pagod.” At napahalakhak na lang ako sa sinabi niya na animoy kanina lang para hindi niya ako gustong makitang masaya at walang ginagawa. Ang ending ay marami pa rin akong trabaho, dahil lahat naman ‘yon ay para sa akin. Mabuti na lang at natapos ako bago ako mag on-air sa isang segment na sasaluhin ko dahil sobrang baba ng rating nito. Mabuti na lang at hindi ko kailangan magbasa ng mga sulat at comment nila dito. Nasa ikahuling kanta na ako ng halos masamid ako sa iniinom kong tubig ng isang pamilyar na mukha ang sumulpot sa harap ng booth. “This is DJ Aj and thank you for listening to 89.9 South Radio. Have a good night Lalabs!” Kakaoff ko pa lang ng mic ko ay bumukas na ang pinto ng booth ko at pumasok si Connor na may malaking ngiti sa labi at isang malaking bouquet na hawak. “Anong ginagawa mo dito?” “Visiting you?” Sa ilang taon kong pinaghirapan ang trabahong ito at ang itago ang kung sino ako ay ganun na lang kadali para sa lalaking ito sirain ang lahat. Sirain dahil mula noon pa ay wala na siyang ginawa kung hindi ang guluhin ang buhay ko at sirain ang tahimik kong buhay. Kaya ngayon ay mas lalo akong natatakot para sa sarili ko dahil mas marami na akong pinapahalagahan na pwedeng mawala sa akin hindi gaya noon. “Visiting? Hindi ako nakakulong para kailangan mo akong bisitahin,” I scowled at Connor. “Why so feisty? I haven’t done anything yet, baby.” “Because you shouldn’t be here in the first place. Ang trabaho ko ay sekreto at hindi passes ang big shot o magkakilala tayo para basta ka na lang pumunta dito.” “Woah! I am not an enemy.” “And you are not a friend either,” saad ko bago siya talikuran at walang lingon lumabas ng booth ko. Narinig ko pang tinawag ako ni Tina pero hindi ko na sila nilingon dahil ang gusto ko na lang ay makalayo sa kanilang lahat. Pagpasok ko sa opisina ko ay dali-dali ko na lang kinuha ang bag at tinawagan si Lori. Kailangan kong malibang dahil nababaliw na ako kung paano lalayuan at iiwasan si Connor. The last thing I want right now is to get my peaceful life back. Pagbaba ko ay nagulat pa akong makita na si Lori na naghihintay sa akin. “Lumipad ka?” tanong ko ng maupo sa tabi niya. “Gaga! Nasa malapit ako may meeting tapos bigla kang tumawag, mabuti na lang at patapos na ako. So saan tayo?” “Shot tayo,” tipid kong sagot bago pinikit ang mata at isinandal ang ulo ko dahil biglang sumakit ang ulo ko. Hindi na nagtanong pa si Lori sa kanya nagdrive na lang siya papunta sa lugar kung saan kami madalas uminom. Natatawa na lang ako sa kaibigan ko ng pagkatapos niyang iparada ang kotse ay hindi muna ako pinababa dahil mag–aayos pa daw siya. Hindi pwedeng ako ang unang lumabas at makita ng crush niya. “Alam try mo kasing maging simple para naman magustuhan ka ni Noel,” suhestiyon ko sa kanya habang pinapahid sa labi niya ang parang dugo niyang lipstick. “Alam mo kahit anong simpleng gawin ko sa mukha ko ikaw pa rin ang gusto niya. Kaya bubunggahan ko na para naman maiba baka mas madala siya sa pagiging mapusok ko.” Napapailing na lang din akong sumunod sa kanya at kakababa ko pa lang ng sasakyan ay ramdam ko na ang masamang titig sa akin ni Lori. Napanguso na lang ako at naglakad palapit sa kanya, kahit pa ang lalaking katabi niya ay ngiting-ngiti na nakatingin sa akin. Kaya lalong sumasama ang tingin sa akin ng kaibigan ko dahil sa lalaking ito. Kahit hindi ko naman siya pinapansin ay lagi pa rin siyang nakasunod sa akin at sinasabing liligawan ako kapag yumaman siya. “Kapag bumulagta ako dito sa mga tingin mo buhayin mo ang pamilya ko ah!” “Kalbuhin kita dyan eh!” Natatawa na lang akong naupo sa usual spot namin ni Lori at pinagmasdan ang mga beer na nilalapag ni Noel sa harap ko. Beer, street foods at kung ano-ano pang pagkain ang nakikita ko sa harap ko. Pakiramdam ko ay tumutulo na ang laway ko ngayon habang iniisip kung gaano sila kasarap. Hindi ko na hinintay si Lori dahil mas abala pa siya sa pakikipagkwentuhan sa mga lalaki nya. Sa dalas namin dito ay halos kilala na kami ng mga customer nila bukod sa si Noel ang may-ari ng lugar na ito. Kung bakit naman kasi dito sa Pinas bihira kang makakita ng mga ganitong inuman hindi gaya sa ibang bansa na nagkalat ang mga bar kung saan pwede kang uminom. Dito ang bar laging merong kasamang kalaswaan kaya mas maganda na lang manatili sa bahay at doon uminom. “Ano bang nangyari at bigla kang nag-aaya dito ng ganitong oras?” “Connor visited me at the station.” Pagak akong natawa ng marinig ang pagsinghap ni Lori bago tinawag si Noel at umorder pa ng maraming pagkain at alak. At ang tawang sarili ko lang ang nakakarinig ngayon ay hindi ko na ito napigilang kumawala. Mukhang kailangan kong pumasok mamaya sa trabaho ng lasing dahil hindi ko rin naman kayang pumasok ng matino ako. Baka kapag nagkita kami ni Connor ay biglang lumabas ang pagkabitter ko at isipin niyang hindi pa rin ako nakakamove on. “Anong nangyari? Anong ginagawa mo? Anong sinabi niya?” Napangiwi na lang ako sa sunod-sunod na tanong ni Lori. Kaya ayokong magkwento sa kanya dahil alam kung ganito ang magiging reaksyon niya pero wala akong ibang kaibigan bukod sa babaeng maingay na ito. Ganun yata ang nagagawa kapag nadadala ka ng magtiwala sa mga taong nakikilala at nakakasalamuha mo. “Ewan ko kung anong nangyari. Ang alam ko lang ay sinungitan ko siya at nagmamadali siyang iwan dahil ‘yon lang ang alam kong pwede kong gawin. Run away from and from the people around him,” bulong ko sa mga huling salita bago tinungga ang bote ng beer na binuksan ni Noel para sa akin. “May magnet ba ang lalaking na kinabit sa ‘yo? Parang kahit saan ka magpunta bigla siyang sumusulpot sa buhay mo. Sabagay marami naman pala siyang iniwan para lagi mong maalala,” tumatawa niyang pang-aasar sa akin. “Siguro nga kaya mas lalo akong hindi makamove on. Kaya mas lalo akong takot na magtagpo ang landas namin dahil baka mabaliwala ang lahat ng sakit na naranasan ko kapag kaharap ko na siya.” Noon sa tuwing kaharap ko si Connor ay wala akong pakialam sa kanay o mas madaling sabihin na ayokong magkaroon ng pakialam. Ayokong mapalapit sa kanya dahil sobrang layo ng buhay na meron kami pero lagi siyang sumusulpot sa harap ko ng may malaking ngiti sa labi at paulit-ulit sinasabi sa lahat na gusto niya ako. Nakakatawa na kung anong tapang ko noon na harap niya ngayon ay para akong isang takot na batang tumatakbo palayo makita ko palang siya. Ilang taon lang ang lumipas pero lahat ng tapang na meron ako ay nilipad na ng hangin at laging sinasabi ni Lori ay dahil mahal ko pa rin si Connor. Kung meron man siguro akong nararamdaman para kay Connor ay hindi na ang pagmamahal na meron ako noon kung hindi takot, galit at pagkasuklam dahil ang tanga kong puso ay mabilis niyang napaniwala sa mga simple niyang salita. “Bakit kasi hindi mo pa matanggap sa sarili mo na mahal mo pa rin siya.” “Paano ko matatanggap na ang taong makakapagpasaya sa akin ay siya ring taong sisira sa akin? Paano ko tatanggapin na matapos ang lahat ng nangyayari at bigla siyang susulpot sa harap ko na parang walang nangyari? I lost everything Lori—everything.” “Oo alam ko kasama mo kaya ako. Kaya wag mo sa akin ibunton ang galit mo umiinom lang tayo.” Napairap ako sa kanya dahil lagi niya talaga akong sinasagad tapos biglang babanat ng mga biro niyang hindi naman nakakatuwa. Nakakainis na sa loob ng maraming taon kahit marami ng nagbago sa buhay ko ay ang tanga kong puso ay parang hindi man lang nagbabago. Tanga nga talaga parang ako lang. Ewan ko ba kung anong meron sa pagmamahal at bakit maraming tao ang hindi agad nakakamove on. Hindi ko alam kung bakit maraming tao ang pilit kumakapit sa nakaraan na kahit kailan ay hindi na nila maibabalik. Nakaraan na pilit lang naman pinapaalala sa kanila ang sakit at mga bagay na dapat ng kalimutan. “Kaya mo bang umuwi? Sa unit mo na lang kaya ako matulog?” “Lori gusto ko ng tahimik na mundo. Saka tatapusin ko pa ang segment ko kaya babalik pa ako sa booth,” saad ko sa kanya bago sumakay ng taxi. “Kuya ingatan mo ang kaibigan ko ah! Reporter ako ilalabas ko ang mukha sa tv kapag may nangyaring masama diyan!” Napapailing na lang akong sinara ang bintana at inaya ng umalis si Kuya dahil hindi titigil si Lori sa kakasigaw at kakabilin kay Kuyang driver. Malapit lang naman ang radio station sa kung saan kami uminom ni Lori kaya wala pa yatang 30 minutes ay nasa harap na ako ng building. Pagbaba ko ay sinalubong lang ako ng guard at binati. Mabuti na lang at wala masyadong mga bisita ang ibang program dahil nakakahiya kung maaamoy nila ako na galing sa inuman. Pati yata suot kong damit ay amoy sigarilyo na kailangan ko na din magpalit. “Oh, sareehh! I press the wrong button!” maarte kong paghingi ng paumanhin. Kahit nahihilo na ako ay yumukod pa rin ako sa taong nakatayo sa pinto ng elevator ng pagpasok nito ay bigla akong gumewang. Halos kapain ko na ang dingding ng elevator para lang makahawak ng maayos at muling makatayo. “Oh, thank you!” pasalamat ko ng isang kamay ang naggiya sa akin sa bakal na nasa gilid ko. Mabuti na lang talaga at nakalugay ang buhok ko kaya hindi ako nito makikilala. Mayayari talaga ako nito kay Pete kapag nagkataon. Kung bakit naman kasi masarap uminom kapag masama ang loob natin? Hindi ko tuloy maawat ang sarili ko kanina idagdag pang naiinis ako kapag naaalala ko ang lalaking ‘yon. “Ay putangina!” Hindi ko napigilang mapamura ng biglang umalog ang elevator na pati utak ko ay naalog din yata. “May lindol ba? Makukulong na ba tayo dito? Hindi pa ako pwedeng mamatay, putangina! Oh, God! Sorry!” Kaya ayokong nalalasing dahil lumalabas ang pagiging warfreak ko. Nawawala ang pinag-aralan ko sa GMRC at Value Education. God! “We are fine, Akira Jane. Inaayos na daw ang ng maintenance ang problema.” Napakurap-kurap ako sa narinig na tumawag ng pangalan ko at kahit inaantok na ay pilit kong dinilat ang mata ko at tiningala ang nag-iisang taong kasama ko dito sa loob. “Co–connor? What the hell are you doing here?” bulalas ko bago mabilis na lumayo sa kanya pero tuluyan lang akong nawalan ng balanse. “Relax! I haven't done anything yet,” saad niya na may nakakalokong ngiti sa labi. “Lumayo ka nga! Aantayin ko pa bang may gawin ka bago ako magpanic?” “Then I’ll make your panic more worth it,” aniya bago inilang hakbang ang pagitan namin at hinila ang bewang ko palapit sa kanya. Nanlalaki ang mata at isang malalim na paghugot na lang ng hininga ang tanging nagawa ko dahil ang bwisit na lalaking ito ay tuluyan ng inangkin ang labi ko. Bago tuluyan na rin akong nakalimot sa katinuan ko dahil sa mga labing nakalapat sa akin na para bang normal lang ang kapangasahang ginagawa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD