Chapter 9
CONNOR ALMINDREZ
I CLOSE MY EYES when I feel the sting on my cheeks from Aki's slap. My intoxication had worn off for a while and made me realize how asshole I am right now. I wanted to make amends for her but whenever I am near Aki I always lose my sanity and do something stupid, like now.
Hinaplos ko ang pisngi kong mahapdi pa dahil sa sampal niya. Inaasahan ko naman ito pero masakit pa rin pala kapag tumama na sa pisngi mo. At ngayon ay kitang-kita ko ang galit sa mukha n’ya habang tiim bagang na nakatitig sa akin.
“I won’t say sorry for what I did, but let me go back to your life.”
I don’t know where those words are coming from, but still, I want to thank all my guts for blurting out the words I was supposed to say before.
“Gago ka ba? Ang kapal din talaga ng mukha mo ano? Ten years, Connor and here you are ruining my life again? Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo?” sigaw ni Aki na halos pumutok na ang ugat sa galit sa akin.
Sampung taon. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay ako lang ang sobrang affected sa nakaraan naming dalawa. Sa loob nang sampung taon ay kahit kailan hindi ako nakamove on sa paghihiwalay namin.
“I want you and that’s what only matters to me.”
Gusto ko na lang mapahagalpak ng tawa ng muling tumama ang kamay ni Aki sa pisngi ko. Hindi pa lumilipas ang isang oras ay dalawang sampal na ang natanggap ko. Kapag nagtagal kami dito ay talagang aalis ako ditong namamaga ang pisngi.
I just fell down on the couch when Aki walked out, but I also got up immediately when I remembered something. Aki are already in the hallway when I reached her and quickly grabbed her hand but a man was already holding Aki’s other hand. He was the man I saw at their booth, I think his the director.
“What?”
“I need to talk to you!”
“We already talk at wala iyong pinuntahan kaya tigilan mo na ako,” Aki scowled as she halted her arms from me.
“She already told you to let go.”
I turned to the man holding Aki's hand I wanted to pull Aki's hand away from him but knew I couldn't do that. Even though there is a gap between the two of us I can feel Aki’s anger with every look she gives me.
“I will let her go if I wanted,” saad ko bago bumaling kay Aki. “Is he my mine?”
That's all I said to Aki but I felt that she was taken aback. I want to know the truth because from the night I saw and met Colton I felt different especially when my stupid cousins point out that I looked like him.
“In your dreams, Connor! Let’s go, Pete!”
Bagsak ang balikat ko na lang silang pinagmasdan na maglakad palabas ng bar. Wala na akong nagawa pa ng umalis siya dahil siguradong kapag nagpumilit pa ako ay hindi niya na ako hahayaang makalapit pa sa kanya.
“Connor ang aga-aga nakikikain ka na naman? Nagtatrabaho ako para sa pamilya ko at hindi kayo kasama doon.”
Tumalikod ako at sumiksik sa isang gilid ng dining area nila Blue nang marinig ko agad ang sermon niya pagkapasok na pagkapasok. Kakababa ko lang ng eroplano at dahil nagugutom ako ay dito na ako dumiretos mabuti na lang talaga at nandito si Olet kaya masarap ang pagkain.
“Ang aga-aga init na ng ulo mo. Olet invited me here.”
“Hayaan muna. Hindi ka pa naman naghihirap para pagdamutan si Connor.”
Muntik akong masamid sa sinabi ni Olet dahil wala naman siyang masamang sinabi tungkol sa akin pero pakiramdam ko ay lait na lait niya ang buong pagkatao ko. May pera ako at kaya ko naman magluto pero mas gusto ko ang luto ni Olet. Ang sarap kaya parang nasa resto niya ako kumakain kapag naghahanda siya ng pagkain.
Mula ng ikasal sila ay lagi na akong sumusulpot sa bahay nila o kaya naman sa restaurant ni Olet. Kahit madalas akong makikain ay hindi naman ako nagpapalibre kapag nasa restaurant niya ako dahil alam kung negosyo pa rin ‘yon. Saka I like Violet as a person, not just because she’s my cousin’sa wife.
She’s like a friend to all of us.
A friend that will never judge us based on what we did and what we have to do. It makes me envy Blake because the woman who loves her is a very strong and open-minded woman that all men would want.
“Natulala ka na diyan? Naalala mo pa rin ‘yong sampal sayo?”
Umiling lang ako sa tanong ni Blue at kinuha ang tasa ng kape na tinimpla ni Olet para sa amin. Pinapanood namin ang mag-ina niyang naglalaro sa garden habang inuusisa niya ang nangyari sa akin ng gabing ‘yon.
Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip ko para gawin at itanong sa kanya ‘yon. Siguro ay ganun na ako kadesperado kaya naging gago na ako mismo sa harap niya.
“She hates me.”
“I know. Actually, everybody knows that part. You need to choose whether you do something or moved on Con.”
Tipid akong napangiti sa sarili ko dahil sa sinabi ni Blue. “If it’s that easy. I should have done that years ago, Blue.” Mas mahirap tanggapin ang reyalidad na ang babaeng mahal ko ngayon ay sobra na akong kinamumuhian.
Sometimes I don’t want to talk about Aki. They always end up saying that she’s not coming back to me and that I should have moved on.
Sigurado naman ako sa sarili ko na lalaki pa rin ako kahit hindi nagiging attractive sa paningin ko ang mga babaeng nakikilala ko. Maganda sila pero hanggang isang gabi lang ang kaya kong ibigay sa kanila. Minsan nga ay hindi ko pa nakukuha ang gusto ko ay tumitigil na ako dahil nawawalan na ako ng gana.
“Love is always patient, Connor. Walang magbabago kahit madaliin mo ang lahat lalo na kung alam mong hindi maganda ang rason ng paghihiwalay niyo.”
Tama naman si Olet. Ang lahat ng ito ay nangyayari dahil sa akin at sa pamilya ko. At kung may dehado man dito ay si Aki ‘yon at hindi ako kaya wala akong karapatang magreklamo.
Pabagsak akong nahiga sa kama matapos kung maligo at magbihis. Pinagmasdan ko ang mga alak na nabili ko sa pagkauwi ko kanina galing kila Blue. Dapat ay dadaan ako kay Gio pero pasakay pa lang ako ng kotse ay sinabihan na agad akong busy sila kaya wag akong pupunta.
“What?”
Inayos ko ang phone ko at tinapat sa mukha ko para makita si Ric na mukhang nasa bar na naman. “I need a drinking buddy,” nakangisi kong sagot sa kanya.
Walang sinabing kahit ano si Ric binaba niya lang ang tawag ko kaya tumawag na lang ako ng food delivery. Ric is the cousin who is always available for all of us. Maybe because he knows what I am going thru this past years and listen to our neverending rants about Abuela.
Maya-maya pa ay dumating na nga si Ric kasama si Theo na may akap-akap pang bote ng whisky. Napapailing na lang ako habang pinagmamasdan silang dalawa sa sala ko. Minsan napapaisip ako na karma siguro ang nangyayari na kamalasan sa aming magpipinsan kaya ganito. Karma dahil ang Abuela namin ay kahit kailan hindi naging pantay ang tingin sa mga taong nasa paligid niya.
Maybe this is the consequence of loving a person we shouldn’t have.
“Anong nangyari sa isang ‘yan?”
“Ayon ‘yong nililigawan niya daw na babae pinuntahan ni Abuela at pinatanggal sa trabaho,” sagot ni Ric na nakatingin din kay Theo na walang tigil pa rin sa pag-iyak.
Sabay na lang kaming napabuntong hininga ni Ric dahil alam namin ang nararamdaman niya. Alam namin ‘yong wala kang magawa kahit gusto mong may gawin para sa babaeng mahal mo. Alam namin ‘yong pakiramdam na nandun ka pero wala kang magawa kung hindi ang panoorin na lang siyang saktan.
“Lilipas din yan. Baka bukas iba na naman ang gusto mo,” tapik ko sa balikat niya pero mas lalo lang itong umiyak.
Hindi ko alam kung anong oras kami natapos uminom basta nang magising ako ay nakakalat na ang dalawa sa sala ko at pati si Gab ay nandoon na din. Nagluto lang ako ng almusal bago naligo at iniwan sila.
Nasa kotse pa lang ako ay nag-iisip na ako ng pwede kong irason kung bakit nandito ako ngayon. Hindi ko pwedeng sabihin na nagkataon lang kaya nandito na naman ako sa building nila Aki dahil siguradong hindi naman siya maniniwala sa akin.
“Mr. Almindrez!”
Nilingon ko ang babaeng tumawag sa akin. Nagmamadali siyang tumakbo palapit sa akin bitbit ang ilang mga folder sa kamay niya. Nagtatago nga ako sa mga taong pwedeng makakilala sa akin hindi ko alam kung bakit nagiistand out pa rin ang kagwapuhan ko.
“Yes, Tina? Is there something I can do for you?” I ask as she stopped in front of me while gasping for breath.
“Mabuti na lang at nahanap ko kayo. Iguest daw po kayo sana sa isang segment.”
“And when is that?”
“Thirty minutes from now.”
Seriously ngayon pa? Sabagay magkakaroon ako ng rason kung sakaling magkikita kami ni Aki. Hindi niya iisipin na siya ang rason kaya nandito ako ngayon at hindi itong show na tatanungin lang naman ako kung may girlfriend ako o may nililigawan.
It is always the same question that I always answer with the same answer.
I am committed to someone due to arrange marriage, but my heart is already taken ten years ago.
“Anong ginagawa mo dito?” Iniisip ko pa lang siya kanina ngayon ay heto na siya sa harap ko at halos hindi maipinta ang mukha habang nakatingin sa akin. “Sinusundan mo ba ako? Hindi ba sinabi ko na sa ‘yo na tigilan mo na ako?”
Hindi ko mapigilang tumaas ang sulok ng labi ko habang pinapanood siyang magalit sa akin. “I’m not here for you,” I shrug as I glance at Tina.
“May guesting si Mr. Almindrez, Kira kaya siya nandito,” sabat ni Tina nasa tabi ko.
At gusto ko na lang mapahagalpak ng tawa sa itsura niya nang bigla itong tumalikod at nagmamadaling umalis. Mabuti na lang at tapos na ang guesting ko kaya nagpaalam lang ako kay Tina at sinundan na si Aki na halos tumakbo na sa hallway.
“s**t ka!”
Lumawak ang ngiti sa labi ko nang marinig ang mura niya dahil sa gulat ng bigla akong yumukod sa gilid niya. “I won’t bite you. Why are you running away from me?” bulong ko sa tapat ng tenga niya kaya dinig na dinig ko ang pagsinghap niya.
As I crouched beside her I couldn't help but close my eyes to her fragrant scent. I miss this scent. This scent always reminds me of her, after so many years I never thought she would still smell the same. The smell I love and maybe I won’t get tired of smelling.
“Tigilan mo ako, Connor! Umalis ka nga diyan at may trabaho pa ako.”
Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko kahit ilang beses pa niya akong itulak. Mas lalo pa akong humakbang palapit sa kanya kahit alam kung wala na siyang aatrasan pa.
Before I always teases her whenever she gets mad at me. I always love her reaction whenever she pays attention to me as if I am the only person she sees when she gets mad. I love it that I am the center of her life as she is in mine.
But I also forgot that my life is not perfect, so I will eventually ruin what we have.
“Ten years, Aki. Ten years but I still crave for these lips,” I whispered as I claim her lips.
I kiss her till my breath runs out, and as soon as my lips move away from her, I expect a slap, but nothing occurs. Instead, all I can hear is a sob, and when I look up, Aki's eyes are welling up.
“I hate you!”
Naikuyom ko ang mga kamay ko dahil sa sinabi niya. Titiisin ko na lang na kamuhian niya ako kesa tuluyan akong malayo sa kanya. Patuloy ko siyang kukulitin hanggang sa mapagod siyang itulak ako palayo.
“I know that and you’ve already said it many times, but I won’t give you up. I already did that ten years ago, so I won’t make the same mistake again,” I muttered as I wipe the tears on her cheeks.
Nang marinig ko ang mga boses na paparating ay dumistansya na ako at naglakad palayo sa kanya. Alam kung hindi ko dapat ito ginagawa sa kanya pero hindi ko din kayang tingnan lang siya lalo na at meron ng lalaking umaaligid sa kanya.
“I’m sorry!”
“It’s okay. Are you okay?”
“Oh, Mr. Connor.”
I don't know if destiny is playing tricks on me right now, because the child that has always been on my mind for a few days is here in front of me again. I never thought we would meet again so soon and of all places, I didn’t expect it would be here.
“Hi, Colton!”
Hindi ako makapaniwala habang nakikinig sa kanya na gusto niya ulit akong makita dahil gusto niyang magpasalamat sa pagtulong ko sa kanya. Dahil doon ay inaya ko na lang siya sa restaurant na malapit dito sa building para hindi siya mahirapan bumalik.
At hindi ko akalaing nakuha niya ang pagiging madaldal ng nanay niya. “You can order anything you want,” I told him as I watch him scan the menu.
“It’s okay, Mister Connor–”
“Tito Connor would be fine,” putol ko sa kung ano pa ang sasabihin niya.
Habang nakikinig ako kay Colt ay hindi ko akalain na malilibang ako at interesado sa lahat ng sinasabi niya. “I just turn ten. Why you have a son like my age, Tito Connor?” tanong niya sa interesadong boses.
I wish I really have one. I silently wish he is mine.
Ilang minuto pa kaming nag-usap bago siya nagpaalam dahil baka hinahanap na siya ng nanay niya. At inaantay na rin ako ng mga pinsan ko kaya hinatid ko lang ulit siya sa building bago umalis. At habang nasa byahe ay tinawagan ang isa sa mga head security para pabantayan si Colt.
I don’t know why I am doing this but something inside me is happy to know him. Something inside me is curious if he really is my son. “If Aki won’t say it to me I will make my own way,” I whispered to myself as I watch the glass in my hand.