Chapter 10

1071 Words
KIRA – POV Hindi ko alam kung nananaginip ako o binabangungot. Gusto kong sampalin ang sarili ko para magising, pero ilang beses ko nang kinurot ang braso ko—at ang tanging nakuha ko lang ay kirot, hindi pagmulat sa bangungot na ‘to. Standing in front of me is Connor—hawak ang papel na tila sentensiya sa akin. I froze. I tried to keep my breath steady, pero para akong sinasakal habang dinudurog ng kanyang mga sinabi ang mundo ko. “I said… Colt is my son.” Bumigat ang dibdib ko. Parang may sumabog sa loob ng tenga ko at hindi ko na marinig ang paligid. Only those words kept echoing. My fists clenched on their own as I glared at him with disbelief, rage, and pain. “Pakiulit nga?” binitiwan ko, mahina pero puno ng paninigas ang tinig. “Colt is my son.” I wanted to scream. Gusto kong sapakin siya. Gusto kong gumuho. Pagkatapos ng lahat ng tiniis ko, pagkatapos ng sampung taon na pag-iyak, pagtitiis, at pakikipaglaban—ganun lang ba ‘yon? “Ang kapal ng mukha mo,” pabulong pero puno ng apoy ang bawat salita ko. “You really have the guts to say that? Nasaan ka noong kailangan ka namin? Nasaan ka noong muntik nang mamatay ang anak ko at ako lang mag-isa ang nando’n?” “Pinagkait mo siya sa akin, Kira.” Tumawa ako. Mapanlinlang, mapait. “Pinagkait? Pinagkait talaga? Hindi mo ba naaalala kung sino ang unang umalis? Sino ang unang sumuko? Who left like trash for the sake of your grandmother’s pride?” He looked stunned. Pero hindi ako tapos. Hindi ko na mapigilan. Tumulo na ang mga luha ko, pero hindi iyon luha ng kahinaan. Those were tears of anger, of survival, of betrayal. “You left me, Connor. You left me carrying our child while I begged the heavens to help me breathe every single day. And now you’re here… holding a damn piece of paper like that entitles you to his life?” Nanikip ang lalamunan ko. I couldn’t tell if I wanted to cry harder or scream louder. “I hate you,” I whispered. “I hate you for making me feel like I was never enough. For making me believe you loved me. For disappearing when I needed you the most and showing up now—now that I’ve finally built something out of nothing.” Biglang bumukas ang pinto. Si Lori. Humahangos. At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, kinilabutan ako. Her face was pale, eyes wide with fear. The words that came out of her mouth next—those shattered me completely. “Kira… si Colt. Dinala na sa ospital. Nawala siya sa ulirat.” Parang may sumuntok sa dibdib ko. Nawalan ako ng lakas sa tuhod. Mabuti na lang at nasalo ako ni Connor, pero agad din akong lumayo. No. I don’t want his comfort. Not now. “Hindi ko alam kung paano ako nakalabas ng opisina,” I muttered, barely audible. “Lori… I need to see my son.” She hugged me tightly. I was trembling. She knows. She knows how easily I fall apart when it comes to Colt. My rock, my purpose, my everything. Connor was behind us. I felt him. Pero wala akong lakas makipagtalo. Ang utak ko ay iisa lang ang iniisip—Colton. ⸻ On the way to the hospital… “Sa kotse ko na tayo,” giit ni Connor. Hindi ko na naisip tumutol. Wala nang oras. Nagmamadali na kami. I was in the front seat, frozen, while Lori was yelling at him from the back. “Putangina, Almindrez! Ayoko pang mamatay! Wala pa akong jowa! Hinay-hinay sa silinyador!” “Sorry,” Connor muttered. “But I need to see my son.” My son. The way he said it… made my heart throb with something I couldn’t name. Was it anger? Fear? Or something else entirely? ⸻ Sa ospital… Bumaba na ako bago pa makahanap ng parking si Connor. Takbo. Tingin. Hanap. San-san ako dumaan. “Kira!” si Kiro. “Ate, okay na si Colt. He’s resting now.” Hindi ako tumigil. Hindi ako naniwala hangga’t hindi ko siya nakikita. Pagbukas ng pinto ng silid niya, bumulaga sa akin ang anak kong nakahiga, maputla, mahimbing. At si Inay, umiiyak sa tabi niya. Lumuhod ako. Tumulo na lang bigla ang luha ko. Napahawak ako sa kama. Hinawakan ko ang malamig niyang kamay. “Baby… Momma’s here,” bulong ko sabay halik sa noo niya. ⸻ Flashbacks. Years of pain. Muling nagbalik ang lahat. Ang mga gabing nagta-trabaho ako kahit may lagnat. Ang paglalakad ng malayo para lang makaipon pambiling gamot. Ang mga beses na halos mawalan na ako ng pag-asa habang nagpapagaling siya sa ospital. Ang mga dasal ko habang umiiyak sa CR para lang hindi niya ako makita. “You did great, baby. You’re so brave. Kaya mo ‘to. Hindi ka papabayaan ni Momma,” I whispered between sobs. ⸻ Later… “May sinabi ang doctor. Kailangan na raw ng operasyon ni Colt,” ani Inay. “Lumalala ang kondisyon n’ya habang lumalaki siya.” “Kailangan ng donor,” sabi ni Kiro. “And… maybe… baka si Connor lang talaga ang chance.” “No.” Nanginginig ang boses ko. “Hindi ako manghihingi sa kanya. Hindi ko kayang lumapit sa taong—” “Pero si Colt ang kailangan niya, hindi ikaw,” giit ni Kiro. Tumahimik ako. ⸻ Back in the room… Connor was sitting beside me. Umiiyak siya. Humahagulhol. His hands were shaking as he looked at Colt. “I’m sorry. I’m really sorry,” he kept whispering. Mas lalo akong humikbi. Hindi ko alam kung mas masakit ang makita siyang umiiyak, o ang katotohanang kailangan ko siyang lapitan kahit ayoko. I wiped my tears. Then slowly, I kneeled in front of him. “Please… Connor. Save my son. I’m not expecting you to come back. I don’t want your money. I don’t need you. But he does. And I’m begging you now—” Nanginginig ang boses ko. “—please… Save my baby.” ⸻ Sa dami ng sakripisyo ko sa anak ko, ito ang kaya kong lunukin—ang pride, ang galit, ang sakit. Kahit pa ako’y masira, basta’t siya’y mabuo. Dahil siya lang ang dahilan kung bakit ako patuloy na lumalaban. At kahit masakit… Ayos lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD