"Tama na! Please... stop!" sigaw ni Bebe habang umiiyak. Hindi niya kayang makita na binubugbog si Luis sa harapan niya. Nakikita niya lang itong nakikipagbasagan ng mukha kay Juan pero hindi naman sa ganitong paraan na wala itong kalaban-laban. Sumuka na ito ng dugo at nanghihina na rin pero tingin niya ay buhay pa naman ito. Hindi niya alam kung anong atraso nila sa mga ito dahil sa isang tagong lugar sila dinala. Gusto niyang lapitan si Luis pero hindi siya makalapit dahil hawak ang braso niya sa isa sa mga lalaking nambugbog kay Luis. "Damn it!" narinig niyang palatak ni Luis sabay dura ng dugo. Pinipilit din nitong tumayo. God! Bakit ang tanga ng lalaking ito? Dapat hindi na ito tumayo, dapat nagkunwari na lang itong patay! Inis niyang saad sa sarili. Isang malakas na sipa na nam

