"God damn it!" Nagmulat siya ng mga mata nang marinig ang pagmumura ni Luis. Nakaidlip na pala siya sa isang tabi at hindi niya man lang namalayan. Napatingin siya kay Luis na pilit binubuksan ang kandado ng pinto. "Luis," sambit niya rito. Kaagad naman itong bumaling sa kaniya. "Bebe," sambit nito, saka nilapitan siya. "How's your sleep?" Na haplos niya ang tiyan dahil bigla na lang tumunog. Nagugutom na siya. Pati tiyan niya ay nagrereklamo na. She looked at her wrist watch. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang alas dyes na ng gabi. Napatingin siya sa mukha ni Luis na nag-aalalang nakatitig sa kaniya. "You're hungry? Shit... Ako na lang kainin mo." Gusto niyang matawa sa biro nito pero hindi niya magawa, nagugutom na talaga siya. Sinapak niya na lang ang braso nito. "Loko k

