"I eat all the bananas." Mas lalong nanlaki ang mga mata ni Bebe sa sagot ni Luis. Napatitig siya rito nang matagal habang panay ang nguya nito sa pizza. "Are you serious? Marami at malalaki 'yon. Naubos mo lahat? Tapos ngayon kumakain ka ng pizza... My gosh! Hindi kaya sumakit ang tiyan mo niyan?" "Hindi ako nag-dinner nang pumunta rito sa unit mo. At anong klase ba ang nakatira rito? Wala man lang groceries." Pagmamaktol nito na parang bata. Pinigilan niyang hindi mapangiti sa pagiging cute nitong tingnan ngayon. Kahit anong gawin niya lumalambot ang puso niya rito pero kapag naaalala niya ang gabing umalis siya sa bahay nito, bumabalik ang pagiging bato ng puso niya. But could she blame him? Dapat niya ba itong sisihin sa nangyari? "Hindi ko na problema kung wala ka pang dinne

