"You're Belinda's ex-husband, am I right?" tanong ni Daniel kay Luis na hindi pa rin inaalis ang tingin sa mukha nito. Ngumisi lang si Luis. Siya naman ay napapalunok. Gusto na niyang kaladkarin si Luis palabas sa canteen. "Is that a problem?" Luis answered with his sarcastic voice. Nagkibit ng mga balikat si Daniel. "Not at all. Let the best man win." Tumaas ang isang kilay ni Luis at akmang sasagot pero pinigilan na niya sa pamamagitan ng pagsingit niya sa usapan ng dalawa. "Excuse us, Daniel. Mag-uusap lang kaming dalawa. Pasensya ka na." Mabilis niyang itinulak si Luis palabas ng canteen. "What are you doing, Luis?" sita niya rito na may halong iritasyon ang boses. "Hindi ka ba natuwa na makita ako o malaman man lang na buhay ako?" "Ngayon na nakita kitang buhay at okay ka

