Kapapasok lang nila sa condo niya at ganoon na lang ang kabang nararamdaman niya. Hindi siya mapakali at kung p'wede lang na hawakan niya ang puso ay ginawa na niya, ang ligalig at halos lumuwa na sa dibdib niya. Humarap siya pero ang malapad na dibdib ni Luis ang nabangga niya. Kaagad namang pumulupot ang braso nito sa beywang niya. At parang batang isiniksik ang mukha sa leeg niya. Nagtayuan ang mga balahibo niya nang maramdaman ang mainit nitong hininga. "Bebe, can we start all over again? Magsimula tayo ulit?" malambing nitong pakiusap sa kaniya. Mas lalong humigpit ang yakap nito. Hindi niya mawari kung itataas niya ba ang dalawang kamay para yakapin din ito o hindi. Pero katagalan ay mas pinili niyang suklian ang yakap nito. "Luis, can we do it slowly?" "God, Bebe... I can't.

