Chapter 46

1097 Words

Halos maggalawan ang muscles ni Luis sa mukha at katawan. Maski ang panga niya ay tumigas sa sobrang inis at selos na nararamdaman. Nagpupuyos siya nang pumasok sa kusina. Nabu-bwesit siyang nagtimpla ng kape. Gustuhin man niyang ipagtabuyan ang doctor na 'yon ay hindi niya magawa dahil malalagot siya kay Bebe. Pero hindi naman siya makakapayag na maka-diskarte kay Bebe ang lalaking 'yon. Huh! Asa! Nang-uuyam niyang saad sa isipan. Panay ang lagay niya ng kape sa malaking mug, hindi na niya mabilang kung nakailang kutsara na siya ng kape. Wala na siyang pakialam pa kung dark coffee ang ginawa niya para sa dalawa. Hindi niya iyon nilagyan ng asukal, basta niya na lang inihalo. Napangisi pa siya. Tingnan niya lang kung hindi mangisay sa nerbiyos ang dalawa. Kasama na si Bebe, of course!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD