bc

Juno

book_age4+
8
FOLLOW
1K
READ
dark
tragedy
twisted
heavy
mystery
scary
small town
magical world
supernatural
passionate
like
intro-logo
Blurb

Brief Synopsis of Juno:

Isang kababalaghan sa nakaraan ang muling babalikan ni Demi sa bayan ng La Paz, sa probinsya ng Tarlac na kanyang kinalakihan. Isang misteryo na bumabalot sa yumaong pinsan at matalik niyang kaibigan na si Juno. Sa muling pagbabalik ni Demi masidhing takot at kasawian ng buhay ang kanyang haharapin. At isang laro sa nakaraan ang muling lalaruin ni Demi upang mabigyan ng tuldok ang lahat ng misteryo na umaakibat sa kaluluwa ni Juno. Mag wagi kaya si Demi sa laro ng nakaraan o buhay niya rin ang malalagay sa bitag ng kamatayan?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
July 19, 2016: Kasalukuyan na panahon. Dalawang taon na patay si Juno. Ngayon naman ay kasalukuyan akong lulan ng isang ordinaryong bus na pabiyaheng La Paz, Tarlac kung saan ako lumaki kasama ang aking ate na si Selena at pinsan na si Juno. Birthday ni Tita Heather ngayon. Ang ina ni Juno. Bibisitahin ko siya. Malamang malulungkot si Tita Heather kapag hindi ako bumisita sa napakaimportanteng araw niya. Mag isa lang din siya sa ancestral house namin. Niyaya ko na magbakasyon at bumisita si ate Selena sa kaarawan ng Tita Heather namin kaso masyado siyang abala sa bagong negosyo nila ng kanyang asawa na si Justine. Napasulyap ako sa bintana ng bus. Gabi na pala. Dama ko na rin ang lamig nitong simoy ng hangin na dumadampi sa aking pisngi. Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung bakit. Siguro pagod lang ako buong araw. Bago kasi ako bumiyahe sa bus na aking sinasakyan ngayon dumaan pa ako sa kasal ng colleague ko sa Antipolo City. Matagal na rin akong hindi nakakauwi ng probinsya simula noong inilayo kami ng mga magulang namin papuntang Quezon City upang mag simula ulit ng panibagong buhay. Sila mom at dad naman ay nasa States na kaya okay lang kung bumisita ako. Hindi na nila malalaman. Hindi naman talaga kami ilalayo ng mga magulang namin sa bayan ng La Paz dito sa Tarlac kung hindi namatay ang pinsan at best friend kong si Juno. Kaso maraming hindi maipaliwanag na mga bagay ang nangyari simula noong namatay siya. Muling napabuntong hininga ako at napasandal sa aking upuan. Kumusta na kaya si Tita Heather? Matagal na kami hindi nagkikita ng personal. Parating sa Skype na lang kami nakakapag kumustahan at kitaan. "Aba, ginoong Maria napupuno ka ng grasya..." Bigla akong napakunot ng noo sa aking naulinigan sa likuran ko. Sinilip ko sa likuran na upuan ang boses ng matandang babae na umuusal ng isang dasal. Isang matandang babaeng nakaitim na belo at may kasamang isang batang babae na nakabelong itim rin. Tahimik lamang sila na umuusal ng Aba, Ginoong Maria. Medyo may pagkawirdo sila ngunit ipinagkibit balikat ko na lamang ito. Ilang sandali pa ay nasa La Paz, Tarlac na ako. Buti na lang at nakontak ko pa yung dati kong kaklase sa high school at kaibigan na si Nick. Magpapasundo ako sa kanya at magpapahatid sa bahay ni Tita Heather. Iiglip muna ako siguro. Isang oras pa naman bago ako tuluyan makarating sa aking destinasyon. Ipinikit ko na ang aking mga mata. Dama ko ang mabigat at pagod ko ng mga talukap ng mga mata. "Miss... miss... pssst..." Bigla akong napadilat at napaangat sa aking pagkakasandal sa upuan. May tumatawag ba sa akin? Nagpalingalinga ako ngunit lahat ng mga pasahero rito ay abala sa kani-kanilang gawain. Yung iba nanonood lang sa telebisyon ng bus. May iba naman na tahimik lang na nakaupo. Meron din kagaya ko na natutulog kanina. Sinubukan ko naman silipin sa aking likuran ang matandang babae at batang babae na parehong nakasuot ng itim na belo at nagdarasal kanina. Ngunit nang sinilip ko na ang kanilang upuan ay wala na sila. Siguro bumaba na---pero parang napakaimposible. Kanina pa bumibiyahe ang bus at hindi pa ito humihinto. Bigla tuloy akong nakaramdam ng pagkakilabot sa aking buong katawan. At saka yung boses kanina na tumawag sa akin ng "miss" batid kong boses lalaki pero hindi ko naman makita. Ang weird. Hindi ko alam kung ano nga ba ang nangyayari ngayon. Baka guniguni ko lang. Marahil nalilipasan na rin ako ng gutom kaya medyo nagkakaroon na ako ng hallucination. Sinubukan kong ipikit muli ang aking mga mata upang matulog pero tila hindi na ako dinadapuan ng antok. Dumungaw na lamang ako sa bintana ng bus. Puro sakahan at maliliit na bahay ang aking nakikita ngayon. Napakatahimik kumpara sa maingay at malaking siyudad na aking pinanggalingan. Nakabakasyon ako ngayon sa aking trabaho sa isang business process outsourcing company. Tamang-tama lang ang desisyon kong magbakasyon muna rito sa bayan ng La Paz. Napatingin naman ako sa aking cellphone. Nag text pala si Nick yung kababata ko. Paalis na raw siya ng kanyang bahay upang abangan ang aking pagdating sa terminal ng bus. Habang papalapit ako ng papalapit sa bayan ng La Paz mas nararamdaman ko ang lalong pag lamig ng hangin na nanggagaling sa labas ng bintana nitong bus. Mukhang may nagbabadya pang pag bagsak ng ulan sa kalangitan. Narinig ko ang malutong na kulog na sinabayan pa ng isang mahabang guhit ng kidlat sa kalangitan. Sana huwag muna bumuhos ang ulan lalo na't hindi pa ako nakakarating sa bahay ni Tita Heather. Hassle pa kapag nagkataon. Bigla ko naman naramdaman na nagiging bako-bako na ang dinaraanan ng bus. Medyo nakakayugyog ito sa mga pasaherong nakasakay sa loob ng bus tulad ko. Hanggang sa nakita kong tuluyan ng bumuhos ang napakalakas na ulan sa daanan. Agad naman na hinila ko pababa ang salamin sa bintana para hindi ako maanggihan kaso nahihirapan akong isara ito. Hanggang sa may isang lalaking nakasuot ng itim na shades at red cap ang tumulong sa akin ibaba ang salamin. "Salamat." Mahina kong sabi sa lalaki na may kasamang ngiti. Tumango naman sa akin ang lalaki at naupo na siya sa kanyang puwesto sa pangalawa sa kaliwang upuan ng bus. Makalipas ang isang oras na natitirang biyahe ay nakarating na rin ako sa terminal. Bitbit ang isang traveller's bag na puno ng aking mga damit ay naupo muna ako sa waiting area. Nasaan na ba si Nick? Dapat nandirito na siya kung kanina pa ito nakaalis ng kanyang bahay. "Miss... miss... psst..." Narinig ko na naman ulit ang boses ng isang lalaki na katulad sa loob ng bus kanina. Nagpalingalinga ako sa waiting area pero mag isa lamang ako na naroroon. Ipinagkibit balikat ko na lamang iyon. Baka guniguni ko lamang. "Miss... miss... psst..." Heto na naman ulit. Pero sa pagkakataon na ito ay mas lalong lumalakas. Napatayo na ako sa aking kinauupuan. Nasaan na ba kasi si Nick. Bakit wala pa siya. "Aaaah!" Bigla akong napatili nang may tumalon sa harapan kong isang itim na matabang pusa. Bigla akong napasapo sa aking dibdib ng kanang kamay ko sa gulat. "Demi! Demi!" Bigla ko naman ngayon narinig na may tumatawag ng aking pangalan. Hinanap ko kung saan ito nanggagaling. Si Nick pala ito. Kararating niya lang. "Pasensya ka na Demi. Medyo na traffic lang ang lakas kasi ng ulan. Heto nga pala payong gamitin mo. Sumunod ka sa akin at dala ko ang aking montero nakaparada sa kabilang kalye ng terminal." Bungad sa akin ni Nick. Sinundan ko naman siya papunta sa kanyang pag mamayaring sasakyan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.7K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K
bc

His Obsession

read
74.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook