CHANGES

1326 Words
ARCHERY "Good morning, maganda kong kapatid. Kumusta ang tulog mo?" Hindi ko sinagot ang tanong ni Artemis. "Si Papa?" bagkus ay tanong ko. Inginuso n'ya ang labas, sa may pintuan banda. "Nagtatampo pa rin, eh. Hindi ko naman s'ya masisi. Tayo nga 'yong ayaw s'yang mawala pero tayo rin pala ang nagtutulak sa kanya upang lumayo." "It's for his own sake." "Magkakape ka na?" Tumango ako.  "So, ayon na nga. Alam nating pareho 'yon, pero paano n'ya nga naman tayo maiintindihan kung hindi natin sa kanya sasabihin ang totoo, 'di ba?" aniya habang ipinagtitimpla ako ng kape. "Ano'ng sabi ni Mico?" "Aba'y, ano'ng aasahan mo roon? Natural na nagalit. Kung wala nga lang yata 'yong tinatapos sa ibang bansa ay pumunta na 'yon dito." Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga. "S'ya nga pala, may dadaluhan tayong pagtitipon sa susunod na linggo." "Bakit?" "Anong bakit?" "Bakit kailangan pa na dumalo tayo? Hindi naman natin ginagawa 'yan dati, 'di ba?" "Utos ni Manolo. Kinausap ko na sila Harper at Athena sa bagay na 'yan." "Eh, ang invitations?" Tumaas ang isa n'yang kilay at ngumisi. "Leave it to me." "Saan nga pala?" "Exudos Garden." "Ano'ng meron?" "A princess without crown will celebrate her birthday. A certain Margareth Cortez." Bahagya akong natigilan sa sinabi ni Artemis. Margareth ... "Ring a bell?" "Ahh, hindi. First time ko kasing sumama sa inyo na um-attend ng party kaya siguro ganito ang pakiramdam ko. Kinakabahan." "Dapat masanay ka na. Hindi sa lahat ng oras ay andito k—" Sinamaan ko s'ya ng tingin. "Shut up, please?" Sabay kaming napatingin sa pintuan nang bumukas 'yon at iluwa si papa na may dalang plastic na may logo ng isang sikat na fast food sa bansa "Good morning, pa." "Tinanghali ka yata ng gising, Cherry?" "Look, papa—" "Sshh, no need to explain, child." Sansala n'ya sa sasabihin ko pa lang sana. "Mas mabuti na kumain na muna tayo. Pagkatapos ay pag-usapan natin ang mga balak n'yong gawin." "Kape, pa?" "Yes, please." Mas nakahinga ako ngayon nang maluwag  kesa kagabi dahil sa pakikitungo sa amin ni papa. Hindi namin kaya ni Artemis na magalit sa amin si papa. Pero hindi rin namin kaya na ilahad ang mga bagay na sekreto namin. Tinapunan ko sila parehas ng tingin. Kahit hindi kami magkakadugo na tatlo, larawan naman kami ng perpekto at masayang pamilya. Tunog ng pagkalansing ng mga kubyertos ang tanging ingay na pumupuno sa hapag-kainan. Bawat isa ay puno ang nasa isip subalit hindi nito kayang isiwalat sa bibig. Natapos ang halos kalahating oras ng katahimikan bago nagsalita si papa. "Ano ba talaga ang plano n'yong dalawa? Halos hindi ko na kayo kilala. Ang mga batang malapit sa akin ay tila nawala na at pinalitan ng mga mapaglihim na mga dalaga." "Wala pa. Hindi ba't nangako kami sa'yo na balang-araw, makakakita ka uli? Tinutupad lang namin 'yon. Hindi ba't 'yon din ang gusto ni Mico?" "Hindi 'yan ang tinutukoy ko, Artemis. Ang tinutukoy ko ay ang pag-alis mo sa kalagitnaan ng gabi. Mas madalas kayong wala kesa pumalagi rito sa bahay." "Papa, 'di ba nga at sa call center ako nagtatrabaho? Panggabi ako, kaya ganoong oras ang alis ko. Si Rere naman ay nagtatrabaho sa isang restaurant na may kalayuan dito." "Bakit pakiramdam ko ay binabantayan n'yo ako nang maigi? Ni hindi nga kayo umaalis nang sabay. Akala n'yo ba na hindi ko napapansin na dapat palagi akong may kasama kaya kapag umalis ang isa sa inyo ay may naiiwan dito para makasama ko?" "Papa naman, alam mo naman na hindi ka namin dito dapat pabayaan na nag-iisa, hindi ba?" "Hindi iyan ang gawain n'yo rati, Artemis. Masyado kayong maingat sa mga ginagawa n'yo!" Bahagyang nagtaas ng boses si papa kaya napayuko ako. Tama ang obserbasyon ni papa. Si Artemis mismo ang may gusto na may maiwang isa sa amin dito sa bahay kapag umaalis ang isa. "Papa, hindi na kasi kayo katulad ng dati. Noon kasi, mas bata kayo." "Nasaan ang salitang palagi mo na binibitawan, Artemis, na: "mas malakas ka pa sa kalabaw, papa"?" "Papa, please? 'Wag naman tayong ganito, ohh? Please?" "Alam n'yo na ayokong maging depinasyon kayo ng tao sa hinaharap dahil lang sa mga nakaraan n'yong pareho. Tinuruan ko kayo na maging mabuti kahit noon pa. Bakit hindi 'yon na lang ang gawin n'yo ngayon?" Dahil lugmok na kami, pa! Gusto ko sanang sabihin pero wala akong lakas ng loob. "Naghahanap ang puso namin ng mga kasagutan, pa." Mahinang sagot ko. Tila bulong lang 'yon na hahayaan ko lang na liparin ng hangin. "Mga anak, hindi lahat ng sinasabi ng puso n'yo ay dapat n'yong sundin. Dahil minsan sa paghahanap natin ng kasagutan, mas marami pang katanungan ang matutuklasan natin. Marami na ang nagpadala sa bugso ng damdamin na napahamak at naligaw sa maling landas... At 'yon ang ayoko na mangyari sa inyong mga anak ko. Mahal ko kayo, higit pa sa buhay ko. Kaya kapag nawala kayo sa tabi ko, mas gugustuhin ko pa na wakasan ang buhay ko kesa mapag-isa rito sa mundo." "Papa," tumayo kaming pareho ni Artemis at niyakap si papa. "Mahal na mahal din namin kayo kaya ginagawa namin ang mas nakabubuti sa inyo, papa. 'Wag kayong mag-alala, papa, dahil lahat ng mga pangaral n'yo sa amin ay hindi namin kinakalimutan." Sabi ko sa pagitan ng paghikbi. Maging si Artemis ay umiiyak na rin. "Bakit, papa? Matitigas na ba ang ulo nitong dalawa?" Nagulat kami at sabay na napatingin sa tarangkahan. "Kuya?" "Mico?" Si papa. "Si Mico ba 'yan?" Lumapit si Mico at humalik sa pisngi ni papa tanda ng paggalang. "Kumusta ka na, papa? Tila hindi ka umedad." Tumalungko ang nakakatanda naming kapatid upang magpantay sila ni papa. Hinawakan naman ni papa ang mukha ni Mico na tila isinasaulo ang bawat anggulo ng mukha nito. "Masaya ako at nandito ka na uli, anak. Akala ko ay nakalimutan mo na kami." "Pwede ba na mangyari ang bagay na 'yon? Hindi ba at kayo na rin ang nagsabi na kahit saan mapunta ang isang tao, dadalhin at dadalhin pa rin sila ng mga puso nila sa mismong tahanan nito?" Siniko s'ya ni Artemis. "Ang drama mo." Walang tunog na sabi nito. "Kayong dalawa, mukhang hindi n'yo sinusunod si papa?" Hindi kami sumagot. "Bakit dito kayo nakatira?" Inilibot n'ya pa ang paningin n'ya sa kabuuan ng maliit na apartment. "Bakit? Maayos naman to, a." "Maayos? Duda akong walang tulo dito sa loob kapag umuulan." "Tumpak ka r'yan. Eh, ano'ng magagawa namin? Ito ang pinakamura at malapit pa sa pamilihan. Malapit din sa magiging paaralan naming dalawa ni Rere." Tiningnan ako ni kuya matapos ay tiningnan din si Artemis. "Nagiging magkamukha na kayo, ah?" "Kaya nga hindi kami napapagkamalan na hindi magkadugo. Ako ang black version ni Rere." Bumungisngis pa ito sa huli. "Kumain ka na ba, anak?" "Oo, pa. Magpapahinga lang po ako sandali at maghahanap tayo ng maayos na matitirahan nitong dalawa." "Nakapag-usap na pala kayong tatlo kung ganoon?" Nagpalitan kaming tatlo ng tingin. "Actually, pa, oo," sinamaan muna kami ng tingin ni kuya bago uli magpatuloy sa pagsasalita. "Mas makabubuti kasi na tapusin na muna  ang pag-aaral nitong isa total at isang taon na lang naman, matatapos na si Artemis. At isa pa, maaari naman silang bumakasyon sa atin kapag mahaba ang araw ng walang pasok." "May magagawa pa ba naman ako?" Sumusukong saad ni papa. "Don't worry, papa, kapag may ginawang kabulastugan 'tong dalawa ay ako na mismo ang susundo sa kanila rito. Ang mahalaga sa ngayon ay ang makakita kayo. Kayo rin, hindi n'yo makikita kung gaano kaganda at kagwapo ang mga anak n'yo." "Oh, s'ya, sige na. Kailan ba ako nanalo sa inyo?" "Tawagan mo sila Harper at Athena, sabihin na magkitakita tayo sa mall." "Manlilibre ka ba?" "Oo naman. Hindi naman ako tulad n'yong kuripot." Matapos nang dalawang oras ay nagkitakita kami sa mall. Tulad ng inaasahan ay naging masaya ang pagkikita naming lahat. Katulad ng dati naming ginagawa ay kumain kami sa paboritong restaurant ni papa. Kukuha sana si Mico ng condo unit para sa aming dalawa ni Artemis ngunit tinanggihan namin 'yon. Ang dahilan namin ay tulad ng sinabi n'ya, isang taon na lang naman at maaring sumunod na kami sa kanya. Natapos ang araw namin na hindi napag-usapan pa ang tungkol sa suliranin namin kay Manolo Saldana. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD