Maaga akong nagising kahit kulang pa ako sa tulog. Kailangan kong bumangon dahil ayokong ma-late. Naligo kaagad ako kahit wala pang laman o naiinitan ang tiyan. Alangan kasi lumabas pa ako tapos babalik na naman, nakakapagod lang. Sa university na lang ako magaalmusal para isahan lang.
Mula sa pagligo at paghahanda ng mga gamit ay nagha-hum ako ng kantang Always Be My Baby na paborito kong kanta. Gusto ko man na kantahin pero wag na lang dahil baka mabasag ang lahat ng salamin dito at sigawan na naman ako ni Vin.
Nang maayos na ang lahat ay lumabas na ako ng kwarto. Laking gulat ko naman nang nakita ko si Vin sa kusina at mukhang kakatapos kang magluto. Ngumiti siya sa akin na siyang ipinagtaka ko.
"Good Morning Yara." bati niya sa akin pero nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad at ramdam ko naman ang pagsunod niya sa akin.
Fuck buddy lang kami pero hindi ibig sabihin nun ay magpapansinan at magkaibigan na kami. Katulad ng sinabi niya sa akin kahapon na pinatira lang niya ako dito at wala akong karapatan na mangialam sa gamit niya.
Nakaramdam ako ng kuryente nang hawakan ni Vin ang kanang kamay ko na dahilan para tumigil ako sa paglalakad.
"Papasok ka na?" maamo niyang tanong sa akin at umirap ako.
"Oo" malamig kong sabi sabay bawi ng kamay ko sa kanya para lumabas na pero napatigil muli ako sa paglalakd nang magsalita siya.
"Hatid na kita." sabi niya pa.
Pinagdikit ko ang labi para pigilan ang ngumiti. Napapaisip kasi ako kung anong nakain niya o anong masamang espiritu ang sumapi sa kanya ngayong araw para maging ganito kabait.
Sa halip na sagutin siya ay hinintay ko siya habang siya namann ay nagmamadaling magbihis. Matapos nun ay nakita ko pa ang paggayak niya sa pagkain na siya mismong niluluto kanina.
Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan na ikinangisi ko. Mas lalo siyang gumagwapo kapag ganito siya kabait. Gusto ko tuloy sabihin sa kanya na shabu reveal pero sinaway ko ang sarili ko dahil baka magalit siya at lumabas na naman ang dalawang sungay.
Tahimik kami parehas habang nasa loob ng sasakyan. Tsaka alangan magdaldal ako eh hindi naman kami close at isa pa ay wala akong sasabihin sa kanya. Hindi kami friends.
Mas lalo kaming nabalot nang katahimikan dahil traffic. Tanging tunog lang ng makina ng sasakyan ang naririnig namin.
"I'm sorry Yara." sabi ni Vin kaya napatingin ako sa kanya. Akala ko ay mamatay na kami dito sa loob ng sasakyan sa sobrang tahimik.
Hindi ako nagsalita pero nagpatuloy siya sa sasabihin. "Hindi dapat kita pinagsalitaan ng masama." dagdag niya at tumango lang ako.
Nang makarating sa university ay lalabas na sana ako ng sasakyan niya ng hinawakan niya ako sa kamay. Naupo muli ako ng maayos at tiningnan siya. "Ano?" maldita kong tanong.
May kinuha siya sa likod at iniabot sa akin ang isang paper bag. Binuksan ko iyon at may laman na pagkain na siyang nakita ko kanina sa kusina na inihanda niya.
"Peace offering. Pinagluto kita, hindi ka pa nagaalmusal kaya kainin mo diyan yung sandwhich. Nagluto rin ako ng sisig para sa lunch mo." sabi niya na siyang ikinataas ng isa kong kilay.
Ngumisi ako at unti unting kinorte ang labi sa ngiti. "Salamat!" sabi ko at matapos nun ay lumabas na ako ng sasakyan. "Ingat sa pagdrive." pahabol kong sabi nang makitang nakababa ang bintana sa may pwestong inupuan ko.
...
Pagpasok ko ng room ay agad kong binuksan ang binigay na paper bag ni Vin. Kinuha ko doon yung sandwhich niyang tinutukoy at kinain ko iyon. Hindi konalam kung masarap ba talaga yung gawa niya o baka gutom lang ako. Ganun pa man ay nagustuhan ko iyong pagkain.
Nang dumating ang Prof namin ay itinabi ko ang paper bag na may laman pang pagkain para sa lunch ko mamaya.
Kasalukuyang nagtuturo ang Prof namin nang marinig ko ang tsismisan ng nasa unahan ko.
"Balita nga na may babaeng nakatira sa condo unit ni Vin."
"Palagi naman eh."
"Hindi iba daw ito. Kasi di ba nga, papalit palit si Vin ng babae pero yung ngayon ay ang tagal nang naninirahan dun. Baka nagseryoso na si Vin."
"Siya nga, narinig ko din yan. Ang sabi sa akin ng Ate ko na nagtatrabaho sa condo building ni Vin ay may babae nga daw."
Napailing ako sa kwentuhan ng dalawa at napa-tss na lang. Hindi ko alam na ganun pala talaga kasikat si Vin na kahit mismong personal na buhay ay inaalam ng fans. Napapaisip tuloy ako kung alam ba ng mga fans ni Vin ang tunay niyang ugali.
Napatigil naman ako sa naiisip dahil napansing napapadalas na ang pagiging tsismosa ko. Baka matalo ko nito si Aling Marites.
Lunch break ay naghanap ako ng lugar na pwede kong kainan at pagtambayan. Nagtext na rin ako kay Lia kung nasaan ako para hindi siya mahirapan na hanapin ako sa campus.
"Ang sarap naman ng ulam mo. Saan mo binili?" tanong ni Lia sa akin natapos tikman ang kinubit na ulam sa akin.
"May nagbigay lang." simpleng sabi ko at tumango siya. Ilang sandali pa ay sinundot niya ako sa tagilitan.
"Ikaw ha! Sino ang nagbigay? Si Paul ba?" panunukso niya at inirapan ko ang sinabi niya.
"Anong Paul na sinasabi mo? Tss! Hindi siya nagbibigay nito." sabi ko pa.
Ewan ko ba dito kay Lia kung bakit lagi kamig inaasar na dalawa ni Paul, Mabait si Paul at pero hidni kami talo.
Nagpatuloy kami sa pagkakain at paminsan minsan siyang kumukubit sa ulam na ni niluto ni Vin para sa akin. Hinayaan ko na lang din siya dahil mukhang nasasarapan talaga siya eh.
Matapos kumain ay nagtambay muna kami dahil matagal pa naman ang sunod namin na klase. Kwinento niya sa akin ang tungkol kay Jeric, yung katrabaho ko sa coffee shop na nilalandi niya. Sobrang naiinis daw siya dito dahil hindi man lang maggawang lumingon sa kagandahan niya.
"Aanhin mo kasi yung kagandahan kung flat naman." pangaasar ko at napatingin siya sa dibdib niya.
Hinawakan ko ang kamay niya at dinala iyon sa s**o ko. "Malaki ang boobsicles ko pero mas malaki ang 15 billion na nawawala sa PhilHealth." sabi ko at tumawa siya.
"Ewan ko sa iyo. Pinapainggit mo na naman ako sa s**o mo." natgtatampo niyang sabi.
Ilang minuto pa ang lumipas ay napagpasyahan ko na umalis na dahil nay pasok na ako. "Pasok na ako." sabi ko sa kanya at hinalikan siya sa pisngi at ganun din naman ang ginawa niya sa akin.
...
Kakalabas ko lang ng campus nang biglang may tumakip sa dalawa kong mata. Napangiti ako at tinanggal ang kamay niya dahil kilala ko naman siya ang dami pa niyang alam.
"Paul." banggit ko sa pangalan niya pero nagkamali ako. Nang makita ko si Vin ay alam kong nakangiti siya kahit naka-mask pero agad iyon naglaho nang magbanggit ako ng ibang pangalan.
"Sorry, akala ko si Paul." sabi ko at ngumiti lang siya ng naliit. Napahawak siya sa batok niya habang ako aman ay hinihintay siya sa sasabihin.
"Sinundo kita." nahihiya niyang sabi at tumango lang ako.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at ngumiti. Gusto ko sanang tawanan siya pero itinago ko na lang iyon sa ngiti. Ano ba kasi ang nakain niya at ganito siya ka-sweet?
Wait!–Sweet? Medyo assumera ako. Baka bumabawi lang talaga siya sa ginawa niyang pagsigaw sa akin kahapon.
Pagkasakay namin sa sasakyan niya ay sinabi kong ideretso niya sa coffee shop na pinagtatrabahuhan ko at tumango lang naman siya.
"Masarap ba yung niluto ko?" tanong niya.
"Masarap, parang ako." sabi ko at nginisian niya ako.
"Talaga lang ha!" nakakaloko niyang sabi at inirapan ko siya.
Nang makarating sa coffee shop ay nagtaka ako nang bumaba din siya. "Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya at ang tinutukoy ko ay iyong pagsunod niya sa akin.
"Hihintayin kita. Gabi ka nang umuuwi at delikado sa daan kung magco-commute ka lang." sagot niya na ikinalaki ng mata ko.
Nakakainis naman si Vin eh! Dapat masungit siya. Dapat wala siyang pakialam pero yung ipinapakita niya sa akin ay parang may gusto siya. Nakakainis dahil baka sa pagbibigay ko ng kahulugan sa bawat kilos niya ay mahulog ako tapos ang ending wala naman pala.
"Anong nakain mo? Bakit ang sweet mo?" tanong ko sa kanya.
"Sweet? Of course not. You're my f**k buddy and I'm just concern to you. Mamaya ay mawala ka o may mangyari ay konsensya ko pa tsaka remember that you're living in my condo unit." sagot niya na ikinadismaya ko.
Kung ano-ano kasi ang iniisip ko. Tounge-A lang.
"Yeah! f**k Buddy!" wala sa sarili kong sabi habang tumango tango.
Matapos ang paguusap na iyon ay nagsimula na akong magtrabaho. Pinilit kong alisin sa isip ko ang napagusapan namin ni Vin kanina dahil nadismaya lang ako sa sinabi niya. Pero bakit nga ba ako nadismaya? Eh tama lang naman ang sinabi niya.
Fuck buddy lang kami. Sabi pa ng kabilang isip ko na ikinaiinis ko sa di malamang dahilan.
Tatlong oras na ang nakalipas ay tsaka lang ako nakapagpahinga dahil kokonti na lang ang customer. Bigla kong naalala ang si Vin kaya hinanap ko siya. Napangiwi na lamang ako nang makita kong may kakwentuhan at kalandian siyang babae doon sa dulo.
Ano bang ginawa mo sa akin Vin? Hindi dapat kita iniisip at pinagtutuunan ng pansin dahil ang sama ng ugali mo pero iyong ang ginagawa ko ngayon.
Fuck buddy lang kayo. Paalala ko sa sarili.