"Ito po ang bayad ko." sabi ko sa landlady at ibinigay ang kabuuang bayad na hindi ko nabayaran para dito sa apartment.
Pagpasok ko ng apartment ay kinuha ko na ang mga gamit. Sa huling pagkakataon ay muli kong inilibot ang paningin ko sa kabuuan ng apartment.
Ma-mimiss ko yung mga daga at ipis dito na pumepeste sa akin minsan.
Nakita ko ang paglapait sa akin ni Vin at inirapan ko lang siya. "Let's go." aniya.
Napabuntong hininga na lamang ako nang mauna siyang maglakad sa akin. Ang akala ko ay lumapit siya sa akin para tulungan ako sa pagbitbit ng mga gamit ko pero hindi. Inimporma lang pala ako na aalis na kami.
Halos mabali ang braso at kamay ko sa pagbitbit ng mga gamit. Isang maleta at dalawang malaking bag ang bitbit ko at ni-isa dun ay hindi nagabalang tumulong si Vin.
Pagkarating sa sasakyan ay ako rin ang nagbuhat. Nag-e-expect akong kasama niya yung driver niya na sana ay mahihingan ko ng tulong pero wala.
Pagsakay ko sa sasakyan ay tahimik lang ako. Gusto kong sigawan at magreklamo kay Vin sa kung gaano siya walang kaugali pero hindi ko maggawa dahil nadidistract ako ng kagwapuhan niya.
Imbes na isipin siya ay ibinaling ko na lamang ang atensyon sa cellphone. Kunwari ay may katext ako pero ang tooto ay wala naman talaga. At doon nagsimulang magpatingin tingin sa akin si Vin.
"What are you doing?" tanong niya at pilit na kinukuha sa akin ang cellphone ko habang nagmamaneho siya.
Binelatan ko siya sabay layo ng cellphone ko sa kanya. "I'm sexting with someone." pagsisinungaling ko at nagulat ako sa ginawa niyang paghamapas sa manibela.
"Stop what you are doing. RIGHT NOW!" mariin niyang sabi na kala mo ay Pangulo ng Pilipinas.
Itinago ko ang cellphone at umayos ng upo. Ilang sandali pa ay nagsimula siyang magsalita tungkol sa rules namin as a f**k buddy.
No strings attachment. Iyan naman lagi ang number one rule. At kapag nagkagusto ka sa ka-buddy mo talo ka, kaya wag tatanga- tanga.
No kiss, just s*x. Sobrang arte akala mo ginto yung labi niya.
You can flirt. The best ito kasi kahit papaano ay maeenjoy ko yung buhay ko kaysa umikot yung mundo ko sa kanya na walang ugali.
Tatlong rules lang ang sinabi niya at sigurado naman akong masusunod ko ang lahat ng mga iyon. Napakadali lang naman parang one plus one.
Nang huminto sa harap ng condo building ay inihagis niya ang susi ng sasakyan sa valet habang ako naman nahihirapan sa pagbitbit ng mga gamit at syempre hindi na naman ako tinulungan ni Vin.
Ano pa bang aasahan mo sa kanya?
Pagpasok ng building ay napabuntong hininga ako nang may lumapit na isang bellboy at siya na mismo ang nagbibit ng gamit ko habang nakasunod kami kay Vin.
"Salamat." sabi ko sa bellboy at hinalikan siya samismong labi nito na may kasamang dila.
"Yara!" rinig kong sigaw sa akin ni Vin pero hindi ko siya nilingon dahil gusto ko munang makipaglandian dito sa bellboy.
Hinalikan ko siyang muli at unti-unting naglakbay ang kamay ko pero nalatigil ako ng magsalita muli si Vin.
"ANG LANDI MO YARA!" sigaw ni Vin na siyang dahilaan nang paglingon ko sa kanya.
Hindi ko alam ang sasabihin dahil nasaktan ako sa sinabi niya. Nanubig ang mata ko pero ganun pa man ay ikinalma ko ang sarili para hindi niya makita ang ekspresyon sa mukha ko na nasaktan ako sa sinabi niya.
Nawala ako bigla sa mood.
Itinuro niya sa akin ang kwarto ko at agad akong pumasok doon at ini-lock ang pintuan. Ang sakit niyang makasalita na malandi ako. Alam ko naman iyon pero hindi na niya kailangan ipagsigawan at ipamukha sa akin.
Napakasama niya.
...
Alas-singko ng hapon ay tsaka ko lang napagpasyahan na lumabas ng kwarto. Iginugol ko ang oras ko kanina sa pagbabasa at pagrereview.
Napahawak ako sa tyan ko ng kumalam at tumunog ito. Pumunta akong kusina at agad naghalungkat ng pwedeng makain.
Nagningning naman ang mga mata ko nang makitang puno ang ref ng pagkain na pwede kong lutuin. Pero bago ako mangialam ay hinanap ko muna si Vin para makapagpaalam sana pero wala siya kaya hinayaan ko na lang ang sarili dito sa kusina.
Trenta minutos ang nakalipas ay tuluyan akong natapos sa pagluto. Pawisan ako pero worth it naman dahil amoy pa lang ng niluto ko ay mabubusog ka na.
Inayos ko ang sarili bago tuluyang kainin ang niluto ko. Matagal tagal na rin aking nakakain ng masarap. Palagi kasi akong natitipid simula nang umalis ako sa bahay.
Nakakain naman ako ng masarap sa pamamagitan ng panglilibre nina Paul at Lia pero iba pa rin yung sarap na kakainin ko ngayon.
Masarap na masarap. Parang ako lang.
Sandali naman akong natigilan nang bumukas ang pintuan. Ngumiti ako nang makita ko si Vin pero kabaliktaran nun ang ipinakita niya sa akin.
Kunot ang noo niya at halos magdikit ang kilay nang lumapit sa akin. "The f**k Yara!" sigaw niya sa akin na siyang nagpalaho ng matamis kong ngiti na isinalubong ko para sa kanya.
Tiningnan niya ang mga ginamit ko sa pagluluto at masamang bumaling sa akin. Napayuko na lamang ako dahil hindi ko alam ang sasabihin at gagawin.
"Sinong may sabi sa iyo na mangailam ka rito? Pinatira na nga kita dito tapos ganito pa. Libre kang makakatira dito pero hindi kita palamunin." aniya na siyang nagpatulo sa mga luha ko.
Sobrang sakit niyang magsalita. Libre nga ang pagtira ko dito pero kapalit nun ay ang pagiging f**k-buddy namin.
May pagkamaldita ako pero pagdating kay Vin ay nawawala ang sungay ko at umaatras ang dila ko. Palagi akong natatakot pagdating sa mga kinikilos at sinasalita niya.
"I'm sorry." sabi ko sabay pahid ng luha. Susubukan ko pa sanang magpaliwanag pero muli siyang nagsalita.
"Stupid!" aniya at dumiretso siya sa kwarto niya.
Umiiyak akong pumasok sa kwarto ko at naghanda para sa trabaho. Pagkalabas ko ay nilinis ko ang kusina at mga ginamit ko kanina. Matapos nun ay umalis na rin ako para pumuntang trabaho.
...
"Namumula ang mata mo. Ok ka lang?" bungad sa akin ni Mica pagpasok ko dito sa coffee shop.
Tumango ako at ngumiti ng peke. "Ikaw ok ka lang?" tanong ko sa kanya para malipat sa kanya ang usapan.
Ang simpleng pagbaliktad ko ng usapan ay ikinabigla ko dahil ang sinagot niya sa tanong ko ay hindi siya okay. Kwinento niya sa akin na wala silang pambili ng gamot at kailangan na kailangan nila iyon ngayon.
"Oh, bumili ka mamaya ng gamot para sa kapatid mo." sabi ko sa kanya sabay lagay ng isang libo sa kanyang palad.
"Nakakahiya naman." sabi niya at pilit na ibinabalik sa akin ang pera.
"Wag ka nanag mahiya. Mas maganda kaya ako sa iyo." biro ko at niyakap niya ako.
"Salamat." aniya at ngumiti lang ako.
Matapos ang kwentuhan na iyon ay nagsimula na kaming magtrabaho. Ang pera na inabot ko sa kanya ay bawas iyon sa ipon ko para sa tuition ko for this sem. Pero hindi ako nagdalawang isip na ibigay iyon dahil nangangailangan siya ngayon.
Hangga't may maitutulong ka sa kapwa, tumulong ka.
Nasaktan man ako sa mga sinabi ni Vin. Sa pagsigaw niya sa akin ng malandi at stupid ay nabawasan iyon noong makita kong ngumiti si Mica kanina.
Minsan ang kasiyahan ay naandyan lang din sa tabi, hindi mo kailangan na magmukmok sa kalungkutan.
...
Alas dose ng madaling araw ang time-out ko at bago umuwi ay dumaan muna ako sa convinient store para kumain. Bumili lang ako ng isang cup noodles at doon na rin kinain. Matapos nun ay umuwi na ako.
Pagpasok ko ng condo unit ni Vin ay naabutan ko siya na nakaupo sa sofa. Hindi ko alam kung hinintay niya ba ako o trip niya kang na maupo din sa sofa. Nagtama ang mga mata namin pero agad akong umiwas.
Nakayuko akong naglakad papuntang kwarto ko pero bago ako tuluyang makapasok sa kwarto ay biglang nagsalita si Vin.
"Kumain ka na?" tanong niya pero hindi ko siya sinagot at pumasok na sa kwarto at ni-lock iyon.
Agad akong nahiga sa kama dahil napagod ako sa trabaho. Ang daming costumer kanina at may pasok pa ako bukas.
Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng pagkatok sa pintuan. Ilang katok pa ang ginawa ni Vin pero hindi ko siya pinagbuksan.
"I'm sorry Yara."
Hindi ko alam kung sinambit niya iyon o panaginip ko lamang dahil nakapikit na ako ng marinig iyon.