Nagising ako sa isang malakas at sunod sunod na katok sa pintuan ko. Agad akong nabihis dahil nga sa nakahubad akong natutulog. Mambulabog na kayo ng kahit sino wag lang ang tulog.
"TOU–" hindi ko naituloy ang mura ko nang bumungad sa akin ang landlady. Halos magdikit ang drawing niyang kilay sa sobrang galit.
"Good Morning." bati ko sa kanya at binigyan siya ng pekeng ngiti katulad ng pekeng kilay niya.
"Walang good sa morning." galit niyang sabi.
Eh yun naman pala, walang good sa morning bakit pa siya pumunta dito. Mas lalo tuloy pumangit noong makita ko siya.
"Tatlong buwan ka ng hindi nagbabayad ng renta. Kapag hindi ka nakabayad ngayong linggo tuluyan na kitang paalisin." masungit niyang sabi at umalis kaagad. Palibhasa tumandang dalaga kaya galit sa paligid niya.
Napakamot ako sa buhok pagsarado ng pintuan. Kung kanina ay inaantok ako ngayon ay nagising ako nang ipaalala sa akin ang bayaran ko.
Ito ang napapala ng lumayas sa bahay.
"Yara." tawag sa akin Ashley na kagrupo ko sa thesis.
"Ano?"
"Kailan tayo magsisimula gumawa ng thesis?" tanong niya at nakita ko ang paglapit pa ng dalawa naming kagrupo.
"Next year." pilosopo kong sagot. "Kailan ba kayo free?"
Pinaguusapan namin ang lugar at kung kailan kami gagawa ng thesis. Matapos nun ay pinaalis ko na sila. Gusto kong mapag-isa at gusto kong kumain ng hakdog.
Lumabas ako ng room at agad itinext si Paul sa lugar na kung saan kami gumagawa ng milagro. Ilang minuto lang ang hinitay ko at dumating na siya.
Bigla na naman kasi akong nainitan sa katawan. Ganun pa man ay tsaka ko naalala na halos dalawang linggo na pala akong walang nakakasex which is good. Magandang balita iyon kay Doc Lopez, baka nga magpaparty iyon.
Nang makalapit sa akin si Paul ay agad ko siyang sinunggaban ng halik at tinugon naman niya ito. Nagsimulang maglakabay ang mga kamay namin sa isa't-isa pero bigla akong natigilan nang makita ang mukha ni Vin sa utak ko.
Tounge-ina! Sinubukan kong ipagpatuloy ang ginagawa namin at balaewalain ang mukha ni Vin na nakikita ko sa utak pero hindi ko maggawa dahil bago maipasok ni Paul ang dalawang daliri sa p********e ko naitulak ko siya.
"I'm sorry." sabi ko sa kanaya ay inayos ko ang sarili. Isinuksok ko ang mukha sa palad.
Nanibago ako sa sarili at hindi alam ang nangyari.
Nagaalalang lumapit sa akin si Paul at niyakap ako. "May problema ba?" tanong niya at umiling ako. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin kanina pero parang may nagbago sa katawan ko.
Nanatili lang sa tabi ko si Paul at ng maayos na ako ay sabay kami na umalis.
...
Wala akong pasok ng hapon kaya umuwi ako sa apartment. Tsaka mamayang ala-sais ang pasok ko sa coffee shop kaya gagawin ko muna ang ilang activities and projects sa ibang subject.
Buong maghapon ay iginugol ko ang oras ko sa pag-aaral. Iyon din naman ang kailangan since graduating na ako. Alangan magbulakbol pa ako eh namomoroblema na nga ako sa tuition ko tsaka sa bayarin ko dito sa apartment.
"Yara the piggy." panimula ni Lia sa kabilang linya. "Mapatulong sana ako sa iyo sa isang subject ko." rinig kong sabi niya at sa boses niya pa lang ay alam kong problemado siya.
"Ano iyon?" tanong ko tutal tapos na ako sa ginagawa ko. Nagpapahinga na lamang ako para mamaya sa trabaho.
"Susunduin kita."sabi niya pa.
"Ok." sagot ko.
Trenta minutos ang nakalipas ay dumating si Lia. Stress na stress ang mukha niya at hindi man lang nakapagayos sa sarili. Habang nagdadrive siya ay nagkwekwennto siya sa kung gaano siya naiinis sa subject na ipapaturo niya sa akin.
Marunong man akong humarot at lumandi pero marunong rin akong mag-aral ng mabuti.
Si Lia ay matalino rin pero minsan nga lang ay may mga lesson siya na hindi niya naiintindihan kaya kailangan niyang magpaturo. Magkaiba man kami ng course pero handa akong pagaralan iyon maituro lang sa kanya. Ganun ako kabait na kaibigan.
Siya lang naman at si Paul ang nanataili sa tabi ko sa kabila ng kagaspangan ng ugali ko. Kaya kahit paapano ay nagpapasalamat ako na kaibigan ko sila.
Nang makarating sa bahay nila ay wala ang magulang niya. Ang sabi niya ay nasa business trip. Nagsimula akong magturo sa kanya at kahit papaano naman ay naintindihan niya.
Sa sobrang tuwa niya dahil nagets na niya ang lesson ay niyakap niya ako ng mahigpit at pinugpog pa ako ng halik sa mukha. Sa sobrang sweet at close naming dalawa ay halos magkapatid na nga ang turingan namin.
Sumapit ang ala-sais ay inihatid ako ni Lia sa coffee shop. Noong una ay akala ko ay tatambay siya para kay Jeric pero sabi niya ay mag-aaral muna daw siya bago lumandi
"May next time sa paglalandi." sabay naming sabi at tumawa. Iyon ang motto namin para hindi kami madistract sa pag-aaral.
Pag-aral, aral. Paglandi, landi.
Napabuntong hininga naman ako nan'g tuluyan nang makaalis si Lia. Pagpasok ko sa coffee shop ay nagsimula na ako sa trabaho ko. Medyo konti pa lang ang costumer kaya hindi masyadong nakakapagod.
Hindi ko muna sinabi kay Lia yung problema ko dahil ayokong isipin niya rin iyon. Alam kong may sarili din itong problema at ayoko kong dumagdag pa ako roon.
Sa ngayon ay pinagiisipan ko ang proposal ni Vin. Kung tatanggapin ko iyon ay pipilitin kong doon ako tumira sa condo unit niya ng libre para wlaa akong problema sa gastusin pagdating sa tinitirahan.
"Yara, ikaw daw ang magbigay nitong order doon sa isang customer. Ikaw kasi ang gusto." sabi sa akin ni Mica at napaturo ako sa sarili. Sinisigurado na kung ako ba talaga.
"Ako talaga? Sure ka ba?" tanong ko dahil bago pa lang ako dito kaya paano malalaman ang pangalan ko.
"Oo." sabi niya.
Sinabi niya sa akin kung saang table ko dadalhin itong coffee na inorder at pumunta naman agad ako.
"Hello!"
"Ay TOUNGE–INA ka!" sambit ko dahil sa gulat ng makita si Vin. Siya itong customer na dadalhan nitong kapeng inorder.
Ikinalma ko ang sarili at nagpasalamat na hindi natapon ang kapeng inorder niya dahil kung hindi baka tanggalin agad ako sa trabaho kahit si Paul pa ang may-ari nitong coffee shop.
Ang hilig niya kasing sumulpot at manggulat. Siguro pinaglihi ito sa kabute.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Wala lang. Trip kong magkape lalo na't maganda ang barista dito sa coffee shop." aniya at ang tinutukoy niyang barista ay ako. Duh! Ako lang naman ang maganda dito.
Aalis na sana ako para bumalik sa trabaho pero nagsalita siyang muli kaya lumingon ako para harapin siya. "Payag ka na ba?" tanong niya sa akin sabay kindat.
Alam ko na ang tinutukoy niya ay ang proposal.
Napakamot ako sa ulo at napakagat sa labi. "O-Oo." nauutal kong sabi. "Pero sa isang kondisyon." dagdag ko pa.
"Ano iyon?" tanong niya.
"Handa ka ba?" sabi ko.
"Na ano?"
"Handa ka bang mahalin ako?" seryoso kong sabi at bigla niya naibuga ang kape.
"The f**k! Are you serious?" halos pasigaw niyang sabi pero pinigilan niyang lakasan iyon dahil may mga tao.
"Joke lang!" tumatawa kong sabi. Sinusubukan ko lang naman siya. Gsuto ko lang naman tingnan ang magiging realsyon niya sa sinabi ko.
Ako mamahalin niya? Ew! At siya mamahalin ko? Ew!
Magkamatayan na pero hindi ako papatol sa gwapo niyang mukha pero napakasamang ugali. Mas mabuti pang maghanap ng wala masyadong hitsura pero may magandang ugali.
"Handa ka bang patirahin ako sa condo unit mo? Ng walang bayad. Wala kasi akong matitirahan." sabi ko at unti unting nawala ang pagkunot ng noo niya.
Napabuntong hininga siya at mukhang wala siyang pagpipilian kundi tanggapin ang kondisyon ko.
"Fine." aniya.