CHAPTER 6: PROPOSAL

1093 Words
Pagpasok ko pa lang sa room ay abala ang mga kaklase ko sa mga cellphone nila at may pinaguusapan. Sandali akong napahinto sa isang grupo ng mga babae para malaman kung ano ang pinaguusapan nila. Tsismosa lang ang peg! Curious lang naman ako kung ano ang pinaguusapan nila at ang lakas ng mga boses nila. Siguraduhin lang talaga nila na may kwenta iyon dahil masasabunutan ko silang tatlo. "Ma-comeback daw si Vincent." "Talaga? Owemji!" "Shocks! Pangarap ko talaga ang makita siya ng malapitan." Nakita ko ang larawan na tinitingnan nila at nakapantalon lang dun si Vincent. Walang damit pantaas habang hawak hawak ang isang gitara. Inilipat muli ng isang babae ang picture at narinig ko ang mga kailditan nila. Ang haharot ang putounge-ina. Nabigla ako sa nakita kong picture na sumunod dahil walang suot doon si Vin. Walang underwear na kahit ano at tanging natatakpan lang ng kamay niya ang ari. Tounge-ina! Bold! Hindi ko alam na may mga ganun palang larawan si Vin na kulang na lang ay pwede nang pumasok sa porn industry. Nang maupo ako ay bigla kong naisip ang sinabi sa akin ni Vin tatlong araw ang nakalipas mula noong pumunta siya sa apartment ko. Pumunta lang naman pala siya noon dahil may inaalok siyang proposal. Noong una, akala ko ay makakatulong sa akin pero walang kwenta yung sinabi niya. I want you to be my f**k buddy. You're too good on my bed. Napakamot ako sa ulo ng maaalala ang sinabi ni Vin. Ang dali lang naman na tumanggi at umayaw sa proposal niya pero hindi ko ginawa. Ano bang nangyayari sa akin? Napalingon naman ako sa taong humalik sa pisngi ko, si Lia. Nakangiti siya sa akin at inaabot ang isang milk tea na mukhang binili niya talaga para sa akin. "Ang lalim ng iniisip natin ah." sabi niya at nakatulala lang ako. Ilang sandali pa ay nakita ko ang pagwagayway ng kamay niya sa harap ko. "Ang lalim ng iniisip mo Yara." "Yara piggy." tawag niya pa sa akin at lumingon na ako. "Tss." ani ko at nagsimula ng humigop sa milk tea na binigay niya. Tama siya. Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay makakahanap na ako ng ginto at dyamante. Joke! Kwinento ko kay Lia ang tungkol sa trabaho na binigay ni Paul sa akin at sasamahan daw niya akong pumunta doon mamaya. Masaya daw siya na may trabaho na ako at kung pwede nga lang daw ay samahan niya ako pero pinigilan ko siya. Ang tungkol naman kay Vin ay nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko sa kanya. Tsaka hindi naman importante ang isang iyon kaya mas pinili kong wag na lang munang sabihin sa kanya. "Namimiss ko ang magbar at magclub." sabi ni Lia habang nasa loob kami ng sasakyan niya. Napatingin naman ako sa kanya at nagtaka. "Bakit? Hindi ka na ba pumupunta?" tanong ko at tumango siya. "Hindi na, kasi hindi naman kita kasama. Tsaka mas malakas ang loob kong humarot kapag kasama ka noh! May back up ba kapag nagkagulo." sabi niya at inirapan ko lang siya. Pagpasok namin ng cafe ay may sumalubong sa amin na isang lalaking staff. "Ikaw po ba si Yara Guzman?" tanong niya at tumango ako. Sinenyasan niya ako na sumunod sa kanya at nagulat naman ako ng sumunod si Lia sa akin at nakahawak sa braso ko. "Sasamahan kita." sabi niya at wala akong naggawa kundi ang hayaan na lamang siya. Nagsimulang magdiscuss tungkol sa trabaho ang lalaking sumalubong sa amin kanina na ang pangalan ay Jeric. At mataman lang naman akong nakinig sa mga instructions niya. "Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko kay Lia nang sinusubukan ko ang trabahong pinaggawa sa akin. Umuling siya sa tanong ko at nakita ko ang ginawa niyang pagsulyap kay Jeric. "Parang gusto ko nang magtrabaho dito. Ang gwapo ni Jeric." bulong niya sa akin at mahina ko siyang sinabinutan. "Lumandi ka na naman." sabi ko at inirapan niya ako. ... Tapos na ang pinaggawa sa akin ni Jeric at sinabi niyang bukas daw ang pinakasimula ng trabaho ko. Napailing naman ako habang naghihintay kay Lia dahil mukhang sinusubukan niyang kausapin si Jeric pero hindi siya nito pinapansin. Nakatatlong order na nga ata ng kape si Lia kanina at hanggang ngayon ay hindi niya tinitigilan ang lalaking iyon. "Pssstt!" napalingon ako sa paligid ng may marinig na sumisitsit. "PUTOUNGE-INA ka!" sigaw ko kay Vin sabay hampas sa kanya ng bag ko. "What are you doing here?" tanong niya. "Tumatae ako." pilosopo kong sagot at naglakad palayo sa kanya. "Bakit? Gusto mo bang pupuan ako?" tanong ko. Magsasalita pa sana si Vin nang biglang narinig ko ang boses ni Lia. Tinawag niya ako at itinulak ko naman si Vin palayo sa akin. "Ok lang ba na mauna ka na?" aniya at tumango ako. "Ok lang." sabi ko at hinalikan niya ako sa pisngi at muling pumasok sa coffee shop. Nagsimula na akong maglakad at nagabang ng jeep. Ilang minuto pa ay may jeep na huminto. Pagsakay ko sa ay nakita kong sumakay din si Vin na hindi ko alam na nakasunod pala sa akin. "Aso ka ba? Buntot ka ng buntot sa akin." naiinis kong sabi sa kanya. Pero nanatili lang siyang tahimik. Huminto ang jeep at may sumakay na matanda. Wala ng bakanteng upuan at hinampas ko si Vin para tumayo at mabigyan ng mauupuan ang matanda. Hinampas ko na siya ng ilang beses at inapakapakan sa paa pero hindi siya tumayo kaya ako na ang kumilos. Ibinigay ko ang upuan sa matanda at nakatayong sumabit sa jeep. Napaka-genteleman talaga ng gago! Buong oras ng biyahe ay nakasabit ako sa jeep habang si Vin ay prenteng nakaupo lang at hindi man lang naisipan na palitan ako sa pwesto ko. ... Mula sa hintuan ng jeep ay naglalakad na lang ako papuntang apartment. Sa looban kasi iyon matatagpuan. Si Vin naman ay nakasunod pa rin sa akin at hindi ko pinapansin dahil nabwibwisit ako sa pagmumukha at ugali niya. Nang makarating sa mismong pintuan ng apartment ko ay binuksan ko ito at agad ding isinarado para hindi makapasok si Vin. "Yara, open the door." sigaw niya habang kumakatok pero hinayaan ko lang siya. Bahala siyang mapagod kakakatok. "Yara." sigaw pa niya nang matapos akong makaligo. "Matutulog na ako." sabi ko at pinatay na ang ilaw. "What's your decision? About the f**k buddy thingy." rinig kong sabi niya pero hindi na ako sumagot. Ilang minuto pa ay tumahimik na siya. "Goodnight Yara." rinig kong sabi niya at natulog na ako dahil pagod ako para sa araw na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD