CHAPTER 5: PEACE OFFERING

1244 Words
Tahimik ang naging buhay ko nitong dumaan na isang linggo. Walang problema at walang abala sa kung ano ang gusto kong gawin. Sa ngayon ay hindi ko alam ang gagawin dahil hindi pa ako nakakahanap ng trabaho. Kokonti na lang din ang natitirang pera sa bank account ko at alam kong kukulangin iyon sa tutition sa for last sem. Nakakainins lang dahil kung kailan last sem at graduating na ako ay tsaka pa kukilangin ang pera ko para sa tuition. Paglabas ko ng university at tulala ako at malalim ang iniisip. Iniisip ko kung paano ako makakakuha ng trabaho. "I'm sorry." biglang may sumulpot sa harap ko at napaangat ako ng tingin kung sino iyon. "Vin." banggit ko sa pangalan niya at napatingin ako sa hawak hawak niya na bulaklak na ibinibigay sa akin. Napairap ako dahil nandito na naman siya. Hindi ko alam kung anong trip niya sa buhay o baka kulang lang siya sa pansin. Sobrang sikat niya pero pinagtutuunan ako ng pansin. Alam ko naman na habulin ako ng lalaki pero duh sa estado niya ay dapat siya ang hinahabol at hindi ako. "Nakakain ba yan?" tanong ko sa kanya sabay tingin sa bulaklak niya g hawak. Napakamot naman siya sa ulo dahil sa sinabi ko. Nakayuko siyang umiling at tumingin ulit sa akin. "Peace offering." nahihiya niya pang sabi. Tumawa ako at pumalakpak. Congratulations! Pwet mong may lotion. Wow! May pa-peace offering ang Vin niyo. May nalalaman pang bouquet pero ang tanong alam niya ba ang dahilan kung bakit siya nagsosorry sa akin "May kasalaanan ka?" inosente kong tanong at tumango siya na parang mabait na bata. "Ano yung kasalanan mo?" tanong ko. Sinundan ko siya sa bawat kilos at tinatantya kung totoo nga ba siya sa kilos niya. May kinuha siya sa bulsa at cellphone iyon. Ilang sandali pa ay binuksan niya ito at nagsimulang magbasa. Ang galing! "Ang kasalalannan ko ay tinawag kitang b***h, pinalayas ko at hindi inihatid sa kung saan kita kinuha." walang emosyon na pagbabasa niya sa cellphone. Scritpted ang sorry niya. Ultimo kasalanan niya ay hindi alam at kailangan pang ilista. Ang sarap ipatapon sa North Korea eh. Sa sobrang sincere ng pag sorry niya ay parang gusto ko siyang paggawan ng tarpaulin. "Ang sincere naman ng paghingi ng sorry. Damang dama ko at tagos siya sa puso." sarkastiko kong sabi at kinuha ang bouquet sa kanya. "Pinatapatawad na kita kahit scripted yung paghingi mo ng sorry." sabi ko. "Pwede nang lumayas, ang pangit mo." Natigilian naman ako nang makita kong marami ang nanonood sa amin. Ang ilan ay nagbubulungan at kung ano-ano ang mga pinagsasasabi. Tiningnan ko sila at inirapan. "Tapos na ang mga palabas mga tsismosa." sigaw ko at nagsimula ng maglakad papuntang sakayan ng jeep. "Hatid na kita." sabi ni Vin na hindi ko alam na sumunod sa akin at umiling naman agad ako sa sinabi niya. "May paa ako at pamasahe. Hindi ko ako kailangan ihatid." sabi ko. "Okay." malumanay niyang sabi at bumuntong hininga. "Can I get your number?" nahihiya pa niyang tanong at tumawa ako. Mukhang maganda itong pagtripan aah! "37" tumatawa kong sabi. Nang may humintong jeep ay sumakay kaagad ako. "That's my lucky number." sigaw ko at nakatulala siya habang nakatingin sa pagalis nitong jeep na sinasakyan ko. What's your number ang tanong niya. Hindi specific kaya kahit anong number ay pwede kong banggitin. Dapat kasi ay what's your cellphone number ang tinanong niya duh! STUPID b***h! ... Pagdating ko sa apartment ay naglinis ako. Inayos ko rin ang mga gamit dahil kailangan na maayos at malinis ang lahat sa pagrereview ko. Ka-stress pa naman ngayong sem. Napatingin naman ako sa pintuan nang may kumatok. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Paul na may dalang pagkain. "Sakto na ang dating mo gutom na gutom na ako." agad siyang pumunta sa kusina at inihanda ang pagkain na dala. "Bakit ka nga pala napadaan?" tanong ko habang kumakain ng shawarma na dala niya "Ang amos mo." sabi niya sabay punas sa nagkalat na sauce sa gilid ng labi ko. Kung hindi lang kami nito close at magkaibigan aakalain kong may gusto ito si Paul sa akin pero alam king wala at imposible na magkagusto siya sa akin. "Kumain ka lang." sabi pa ni Paul. Kinuha ko ang straw at itinusok iyon sa milk tea ba paborito ko. Alam na alam talaga niya kung ano ang paborito at mga ayaw ko sa pagkain. "Alam mo gusto ko balang araw magpatayo ng Tea Shop since iyon ang paboritong tambayan natin, mo at ni Lia." kwento ko at ngumiti siya. "Tapos ang ipapangalan ko dun ay 'Ti'. Para tatawagin siya ng lahat na Ti Tea Shop." natatawa kong sabi at nakatanggap ako ng mahinang sapuyong galing sa kanya. "Ito naman, ang pangit mo kabonding." sabi ko. Matapos kumain ay doon na niya sinabi kung ano ang dahilan niya kung bakit siya napadaan. Nabanggit pala sa kanya ni Lia na kailangan ko ng trabaho. Nahiya tuloy ako sa kanya dahil pati ba naman iyon ay malalaman niya at dumaan pa talaga siya dito para lang kausapin ako tungkol dun. "Sabi ko naman sa iyo Yara na magsabi ka sa akin kung kailangan mo ng tulong ." sabi ni Paul habang nakatingin sa akin. "Nakakahiya kasi sa iyo." sabi ko. "Papahiramin kita. Bayaran mo na lang ako ako kapag nakaluwag ka." Agad akong umiling sa suhestiyon niya. Ayokong manghiram dahil paniguradong hindi ko rin iyon mababayaran. "Trabaho ang hinahanap ko." sabi ko "Fine, work on my coffee shop." sabi niya at hinapit ako para yakapin. "Thank you." sabi ko. Matapos ang paguusap na iyon ay umalis na rin siya. Basta pumunta na lang daw ako sa coffee shop niya kapag free ako at para ma-accomodate ako kung paano ako magtatrabaho. Gusto ko sana itanong sa kanya kung may gusto siya sa akin dahil mukhang sa ipinapakita niya ay iba ang dating sa akin. Ayokong mabigla at baka bukas ay malaman ko na lang sa iba na gusto niya ako. Napailing ako sa iniisip ko dahil napaassumera ko talaga! Sumapit ang gabi ay nakatutok ako sa laptop ko dahil may sinisimulan akong project. Hindi ako sanay na late na magpasa dahil graduating na kami at mas mahihigpit ang prof namin. Kaya't habang maaga ay sinisimulan ko na ang mga gawaing ganito. Napatingin ako sa wall clock at alas nuebe na pala ng gabi. Hindi pa ako kumakain ng gabihan dahil tinatamad akong lumabas. Wala rin anamna kong stock ng pagkain dito kaya wala aking makain. Napatayo ako at pumunta sa pinto nang may marinig na kumakatok. Baka si Lia o di kaya si Paul. "Paul!" bulyas ko nang buksan ko ang pinto pero hindi siya iyon si Paul kundi si Vin. "Vin, anong ginagawa mo dito?" Atanong ko. "I miss you Yara." bulong niya ay kumunot ang noo ko. Himala, alam na niya ang pangalan ko. Halos magdikit ang kilay ko nang sundan ko siya ng tingin. Wala siyang pasubali ba pumasok dito sa apartment ko. May inabot siya sa akin na isang supot na may lamang pagkain at kinuha ko iton habang nagtataka pa rin kung bakit siya nandito. "Kanina pa kita inaantay na lumabas dito sa apartment mo pero hindi ka lumabas Sigurado din ako na gutom ka na kaya bumili ako." seyoso niyang sabi at ikinalaki ng mata ko. Tounge-ina. Anong trip nito sa buhay niya?! Bakit ba siya paggang lapit at sunod sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD