“Good morning Miss Aleeyah de Castro, I’m your client Clive Libiran.” Pakilala ng lalaking nasa harap niya. “And I think I have a very important thing to deal with you.” Natigagal siya at parang hindi makapaniwala sa nakikita niya, never in her life she would expect to see this man. Ang lalaking sa newspaper at sa magazines lang niya nakikita at nababasa, he is a big man figuratively speaking. Isang lalaking kayang makuha ang lahat kahit na gawin nito ang pinakamaruming bagay sa mundo. Base sa naririnig niya sa labi ng kapatid nitong si Ainsley. Ainsley always said that their eldest is the rudest, coldest, ruthless, douche in the universe. Ito iyong klase ng tao na hindi kailangang manghingi pa dahil kayang-kaya na nitong kunin ang lahat ng bagay na magustuha

