Pakiramdam niya ay pinagsakluban siya ng langit at lupa ng makita niya kung sino ang kasama ng kanyang mga anak sa loob niyon. Nanlamig ang kanyang mga palad at ang kanyang mga binti ay parang natutunaw na parang yelo. Sobrang lakas ng t***k ng puso niya and that’s not because of the guy whom her children were talking to. Dahil iyon sa sobrang kaba, kung anu-ano na ang mga pumasok sa isip niya dahil sa nakita niya pero hindi. Hindi pwede… agad siyang lumapit sa mga ito at nagkunwaring hindi niya kilala ang mga taong nandoon maliban sa kanyang mga anak.
“Paris? London? Bakit ba ang lilikot niyo?” pinilit niyang kalimutan ang nararamdaman niyang kaba habang kaharap ang mga taong ito. Napansin niyang napatingin ang mga ito sa kanya habang siya naman ay napako ang tingin sa mga anak niya. Meeting again is envitable, ito ang sagot sa maraming what if’s sa mundo. Nagkataon lang na ito na siguro ang oras na ito na siguro ang oras na sinasabi ng lahat.
“Aleeyah?” napapitlag siya ng marinig ang boses ng lalaking dating minahal. Gusto niya itong taasan ng kilay, gusto niya itong sumbatan kahit na alam niyang wala siyang karapatang manumbat, gusto lang niyang makalayo dito upang hindi niya maramdaman ang galit para dito. Taas noong hinarap niya ito, come with the face of the man who used to hurt and used her, who used to call her names that wasn’t hers.
“Boss.” Aniya.
Naramdaman niya ang paghawak ng kambal sa magkabilang palad niya, at least nabawasan ang kaba niya.
“Mama, eat na uli tayo. Hungry na po uli ako.” London said tugging her hands, bigla siyang kinabahan sa sinabi ni London. Hindi matakaw ang anak niya pero alam niyang gusto na nitong umalis.
“Oh God!” agad siyang napatingin kay Chloe na kaibigan ni Ainsley. “Anak niyo bang dalawang iyang dalawang cute na twins?” naningkit ang mga mata niya kay Chloe. “I think I need to excuse myself. Good bye cute twins!” at umalis na nga ito, mas lalong naging tensyonado ang buong paligid.
“Mama punta na tayo sa labas.” Hila ni Paris sa kanya.
“Aleeyah sandali lang.” pigil ni Eon sa kanila, papalit-palit ang tingin nito sa kanya tapos sa dalawang bata. Kinalma niya ang kanyang sarili bago lakas-loob na hinarap ito. Kailangan niya itong harapin dahil kung tutuusin wala naman siyang ginagawang masama.
“It’s nice to see you again boss.” Kalmadong ani niya dito kahit na ang totoo ay sobrang lamig na ng palad niya.
“Are they… are they my-.”
“They are my kids, Boss. I have twins. And I am married by the way.” Harapang deny niya sa mga anak sa ama ng mga ito. Nagkita sila ngayon pero hindi ibig sabihin niyon ay hahayaan na niyang makilala nito ang mga anak niya.
“You are married?” Mahinang tanong ng lalaki.
“Impossible po ba?” She tried smiling normally. She needs to be calm and normal at this point of her life.
“But they look just like me… Ainsley.”
Tumango siya, “Napaglihian ko po ang kapatid niyo noong nagbubuntis pa lamang ako sa kambal ko.” She lied.
“How old are they?” napatitig ito sa dalawang anak niya na nakatitig lang din dito.
“F-Three.” She lied again. “Excuse me boss pero mahuhuli na kami sa appointment namin, fancy meeting you here.”
She tugged her twins’ hands. “Say goodbye to my Boss, Paris, London.”
“Bye, Boss!” at mabilis nila itong tinalikuran. Kapag nakalabas sila sa Royale ay sigurado siyang ligtas na siya, ligtas na ang pamilya niya. Mas mabuti na rin sigurong ganoon ang sinabi niya dahil ayaw na niya ng gulo.
“Mama, kamukha niya si tita Ainsley po.” Biglang singit ni Paris.
“Brother siya ng tita Ainsley niyo, kaya siya naging boss ni mama dahil kay tita Ainsley niyo.” Half-truth and half-lie ang sinabi niya.
“Bakit sabi po niya papa daw po namin siya?” curious na tanong ng panganay niya.
“Ano nga iyong sabi ni tita Ainsley tungkol sa papa niyo? Hindi ba sabi niya nasa dagat ang papa niyo at hindi pa nahahanap. At kung itatanong mo kung bakit kamukha kayo ni tita Ainsley iyon ay dahil sa pinaglihian ko siya ng buntis ako sa inyo. Kung nagkataon na pinaglihi ko kayo sa kabayo ay magiging kamukha din kayo ng kabayo gusto niyo iyon?”
“Ayaw mama!” sigaw ni Paris. “Pero bakit sabi mo three years old pa po kami?”
“Ay, nakalimutan ni mama. Ilang taon na nga kayo ten hindi ba?”
“Mama naman eh four palang kami.” Tumawa siya sa naging reaksyon ni Paris.
“Paris ang kulit mo hindi siya ang papa natin at saka ayoko din na maging papa siya.” Napatingin siya kay London na kanina pa tahimik. “Para siyang maraming babae ayokong maging papa iyong ganoon ayoko iyong parang sa kapitbahay natin na nagsisigawan.”
“Okay pero poge siya mama.”
“Baka pogi din ang gusto niya.” natawa siya sa sinabi ni London, iba talagang mag-isip ang kambal niya. Pagbalik nila sa mesa ay sinalubong sila ni Jazz alam niyang bibiruin sana siya nito pero ng makita nito ang mukha niya ay nagbago din ang aura nito.
“Let’s go.” Bulong niya dito.
“Ano ang nangyari?” nag-aalalang tanong nito habang kinukuha ang gamit ng mga bata.
“Male-late na tayo sa bus, dali na.” hindi na muna niya pinasalita dahil gusto na talaga niyang lumabas ng Royale. Paglabas nila ay agad silang pumara ng taxi kahit na nanghihinayang siya sa mahal ng pwede niyang mabayaran. She wants to get far away from that place.
“Anong meron?”
Nakinig ng music ang mga bata gamit ang cellphone niya at ang cellphone nito, mabuti nalang at pareho silang may dalang headset.
“Nakita sila ni Eon.”
“What?” napatingin sa kanila ang driver. “I mean anong nangyari? Bakit hindi ka pa niya sinusundan para kunin ang mga anak niya?”
Kunot-noong tiningnan niya ito. “I told him that I was married and the kids were three years old.”
Maang na napatitig ito sa kanya. “Nagawa mo iyon? Sa harap ng mga bata?”
“Nagawan ko na ng paraan iyan, grabe ang kaba ko kanina. I know I lied but I did it for the best, I don’t want him to know my kids. I don’t want him to get what I only have.”
“Paano kung hindi niya kukunin ang mga bata? Paano kung kaya niya kayong bigyan ng maganda at kompletong pamilya?”
She snickers at her friend. “Paano kung hindi? I’d rather be safe than lose something I treasured so much again? Minsan ko ng naiwala ang sarili ko pati na rin ang respeto na dapat meron ako. Ayokong muling mawala iyon dahil uli sa isang lalaki.”
Tinapik siya nito sa balikat. “I’ll support whatever your decisions are, it’s your life ang ayoko lang ay may mangyaring masama sa iyo.”
“May mangyayaring masama lang sa akin kapag nawala ang kambal ko, akin lang sila. Ngayon lang ako magiging selfish at ayokong ipakilala sila sa ama nila. Sapat na si Ainsley ang maging connection nila sa mga Libiran.” Tumango-tango nalang ito.
Ilang oras din ang naging byahe nila bago sila nakarating sa bahay ng kanyang mga magulang. Kompleto ang buong pamilya, hindi na muna siya umuwi because she wants to feel the security around her family. Nakikita niyang masaya naman ang mga anak niya and that’s all that matters to her.
Napapikit siya at naalala ang mukha ni Eon kanina, years do good on him too. Sa tingin niya ay mas lalo itong naging magandang lalaki pero wala na iyon sa kanya because that will be the first and last time they’ll see each other again.
Kinabukasan ay maaga siyang umalis, binilinan niya si Jazz ng kung ano ang dapat gawin sa mga bata. Masaya naman itong magpaiwan dahil na rin nandoon ang kapatid niyang si Bernard na magpapanggap na munang parents ng mga anak niya.
Pag-uwi niya ay agad siyang nagbihis at pumunta sa kanyang talyer. Nandoon na si Mia na sinasabi niyang single mom na katulong niya sa pagbuo ng kotse.
“Mia, pasensya na nahuli ako kakabalik ko lang galing sa bahay ng mga magulang ko.” Hingi niya ng despensa dito habang tsini-tsek ang mga kakailanganin niya.
“Okay lang iyon Leeyah masyado din akong napaaga. Oo nga pala may naghihintay sa iyo sa opisina mo.”
Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. “Sino? Wala naman akong ineexpect ngayon.”
“Ang may-ari ng sasakyan na ginagawa natin may gusto lang siyang sabihin and infairness ang gwapo girl kamukha nga ng kambal.” Biglang nanlamig ang lamang loob niya sa sinabi nito. “Akala ko nga tatay ng kambal.” Biro pa nito, bigla siyang namutla sa sinabi nito.
Hindi pa ba sapat ang ginawa niya kahapon? Hindi pa ba sapat ang mga kasinungalingan niya? Kung totoo ang sinabi nito malaki nga ang chance na… pero baka naman.
“Mukhang suplado nga lang kaya sinabi ko baka kamukha lang.”
Suplado? Hindi naman suplado si Eon sa mga tao, sa mga Libiran ito ang madaling lapitan. Si Ainsley kasi parang may aura na nakapalibot dito na only friends can enter. Mabilis niyang tinungo ang kanyang maliit na opisina at ng buksan niya iyon ay nakita niya ang isang matangkad na lalaki na may suot na three piece suit. Nakatalikod ito at nakatingin sa hawak na picture frame niya at ng mga anak niya.
There is a dangerous aura around him, he seems so big and proud. “Excuse me?” untag niya sa lalaki. Ibinaba nito ang picture frame sa mesa niya at humarap sa kanya. Mahina siyang napasinghap ng makilala ang lalaking kaharap niya.
“Good morning Miss Aleeyah de Castro, I’m your client Clive Libiran.” Pakilala ng lalaking nasa harap niya. “And I think I have a very important thing to deal with you.” Sabi nito habang sinusulyapan ang picture frame na nasa ibabaw ng kanyang mesa.