BINUKSAN niya ng silid kung saan nandoon ang kambal niya, hindi pa rin niya alam kung saan nagpunta si Aleeyah dahil hindi niya ito matrace. Hindi ito sumakay ng eroplano dahil kung sasakay ito at nasa ibang panig ng Pilipinas lang kahit walang passport may records ito pero walang kapangalan ni Aleeyah ang nakalista sa mga lumipad palabas ng bansa sa loob ng ilang linggo. May contact siya doon kaya impossibleng hindi niya malaman kung sumakay din ng eroplano, o kahit sa barko wala din sa listahan ang pangalan nito kaya alam niyang nasa paligid lang ito. Nararamdaman niya iyon, nararamdaman ng puso niya. “Papa.” Tawag ni Paris na simula ng nawala si Aleeyah ay nagbago na ang ugali nito, naging tahimik na ang anak niya at bihira nalang kung ngumiti. Naisi

