“GUSTO mong kumain?” inalis niya ang mga mata mula sa bintana upang tingnan ang babaeng katabi niya sa bus. May inaabot ito sa kanyang isang balot ng biscuit. “No, thanks.” Tanggi niya sa offer nito. “Huwag kang mag-aalala miss walang lason iyan binili ko iyan sa terminal ng bus.” Muli siyang napatingin dito gusto sana niyang sabihin dito na mas maappreciate niya kung mananahimik ito keysa sa mag-ingay ito at pakialaman ang pagmumuni-muni niya kaya lang ay nawala ang inis niya sa laki ng ngiti nito sa kanya. Saka lang niya napansin na buntis pala ito. “Ilang buwan na iyan?” tanong niya dito. Napangiti ito at napahimas sa tiyan nito, kitang-kita niya ang saya sa mukha ng babae habang ginagawa nito iyon. Hindi ikakaila na maganda

