Ginalaw-galaw niya ang kanyang leeg dahil pakiramdam niya ay mababali na iyon anumang oras, nagising kasi siya kanina sa nakahiga sa dibdib ni Eon na hindi niya alam kung paano nakarating sa tabi niya. Ang mga bata naman ay abala sa panonood ng movie na parang mga manikang pangdisplay dahil iisang posisyon lang ang upo ng mga ito. Natutulog naman si Eon sa tabi niya. Paglabas nila ay tahimik lang silang dalawa pero batid niyang may nagbago dito, habang naglakad kasi siya ay naPapansin niyang sinusundan ng mga mata nito ang bawat galaw niya sisitahin sana niya ito pero bigla niyang naisip na baka siya lang ang nag-iisip ng ganoon kaya hinayan nalang niya. “Gusto mong kumain?” untag nito sa kanya. Tumingin siya sa mga bata. “Kids, gusto niyo bang kumain?”

