KANINA pa niya naPapansin na halos hindi mapakali si Eon sa pagdadrive ng sasakyan nito. PinagPapawisan pa nga ito habang ang lamig-lamig naman ng aircon, hindi niya ito maintindihan pero natatawa siya dito. Sinulyapan siya nito ng mapansin nitong tinitingnan niya ito. “Wh-what?” medyo pumiyok ang boses nito. Nagkibit-balikat siya at nagpanggap na walang naPapansin dito. “Magconcentrate ka sa pagmamaneho natutulog ang mga bata.” Ani niya. “Pinagtatawanan mo ako.” “Kung makapagsalita ka naman hindi mo naman nakita ah.” “Pinagtatawanan mo nga ako.” “Kung ako sa iyo bumalik ka nalang doon kami nalang ang tutuloy sa probinsya.” “No!” he barks. “Hindi pwede.” “Pwes kung gusto mo tal

