“AYE! AYE!” Hinampas niya si Eon ng bigla nalang itong sumigaw ng ganoon sa loob ng kotse muntik na kasi niyang mabitawan ang cellphone na hawak niya sa gulat. “Sweetheart naman.” Reklamo nito. “Kung makasigaw ka Eon wagas na wagas no?” ngumisi lang ito sa kanya tapos ay sinulyapan ang mga bata na excited na rin dahil sa hawak na mga pompoms. Ngayon kasi ang family day ng mga ito sa school and if it means family day dapat kompleto sila. Ngayon lang din kasi sila makokompleto. “Masyado ka kasing busy sa kakatext mo diyan kanina pa kita kinakausap.” Pagtatampo nito. “Katext ko ang kapatid mo.” “Si Ainsley?” “The other one..” kumunot ang noo nito. “Bakit mo ka-text si kuya Clive?” lumalim ang gatla sa noo

