SIGURO pinagtatawanan na siya ngayon ni Eon na naghihintay sa baba kasama ng mga bata. Para kasing nareverse ang sitwasyon nilang dalawa parang noon lang ay nakaharap nito ang mga magulang at pamilya niya at halos maihi na ito sa takot at kaba. Siya naman ay masusuka na sa kaba na nararamdaman niya, alam niyang mabait ang mga magulang nito pero hindi niya alam kung magiging mabait ba ang mga ito sa kanya pagkatapos ng lahat. Hindi siya mayaman, iyon lang, alam niyang hindi siya nababagay kay Eon. They are fithly rich kaya nga nagtataka siya kung bakit ang bait-bait ni Ainsley sa kanya. Kompara sa babaeng unang minahal ni Eon ay walang-wala naman siya, napakaganda ni Xyler, matalino at mayaman pa galing sa napakagandang pamilya samantalang siya normal na pamilya lang

