“Bakit para kang binuhusan ng mainit na mantika sa mukha Eon?” biro ng kapatid niyang si Clive ng magkita sila sa opisina nito. Pumunta siya doon dahil hindi niya alam ang gagawin niya lalo na ng tanggihan siya ni Aleeyah. “Hindi siya pumayag.” “Who?” “Si Aleeyah hindi siya pumayag na tumira kami sa iisang bahay.” Tinitigan siya ng kapatid niya na para bang ang bobo na niya dahil hindi niya alam ang sagot sa tanong niya. “Ginagamit mo ba ang utak mo Eon bakit naman Papayag si Aleeyah na tumira sa kasama mo hindi mo pa nga siya asawa.” “Dahil nililigawan ko pa siya.” “At sa tingin mo kapag pumayag siya sa gusto mo ay magiging maayos ang lahat agad-agad?” tiniklop nito ang isang brown fold

