NAALIMPUNGATAN siya ng may maramdaman na gumalaw sa likod niya, she’s still half sleep kaya hindi niya alam kung nananaginip ba siiya o talagang may tao sa likod niya kaya pumihit siya. Sa nanlalabong mga mata ay kinilala niya ang tumabi sa kanya, si Eon. “Eon.” Inaantok na usal niya. “Anong ginagawa mo diyan?” “Malamig love dito nalang ako payakap.” At hinayaan nalang niya itong yumakap sa kanya. Tumagilid siya upang yakapin ang mga anak niyang mahigpit din na nagyakapan, kaya kung titingnan mo sila ngayon ay para silang pamilyang sobrang nagyayakapan sa isa’t isa. Babalik na sana siya pagtulog ng maramdaman niya ang mainit at nakakakiliting hininga nito sa leeg niya. Siguro hindi lang talaga siya sanay na may katabi kaya nakakaliti siya. “

