Payag akong maging girlfriend mo for 1 day!Gawan mo ng solusyon ang problema ko at gagawin ko ang kondisyon mo
CHAPTER ONE
I’m telling you, Lisa, puro antigo na ang lahat ng damit ko sa aparador,” himutok ni Jenny habang hinahawi ang naka-hangar na mga damit sa built-in closet niya. Ipit sa pagitan ng tenga at balikat ang wireless telephone.
“What about the black strapless dress you bought a month ago? Iyong ginamit mo sa induction ball ng student council?”
“Iyan mismo ang hawak ko ngayon.” Inalis niya sa pagkakasabit ang naka-hangar na damit at hinagod ng tingin sabay ngiwi. “Mahahalata ang kupas nito kahit gabi. And there’s no way na mapapasuot mo sa akin ang kinupasang damit na ito!” pagmamaktol niya. “Pagtatawanan akong sigurado ng mga kakilala natin! Ano na lang ang sasabihin nila, na ako nagsusuot ng kinupasang damit!” mahabang litanya niya.
“Calm down, Jenny,” natatawang wika ni Lisa sa kabilang linya. “I’m glad wala ako sa harapan mo ngayon kundi baka nasabunutan mo na ako!”
“What shall I do, Lisa?” she said frantically. “I only have four hours until Gail’s party tonight! And there’s nothing to wear!” Debut party ng kaibigan nila. Walang cotillon pero formal ang attire.
“Nothing to wear!” Bulalas ni Lisa sabay ikot ng mga mata. “Ano ba naman kasi ang gusto mong isuot? Yung tipong ikakahulog ng panga ni Mino?” amused na wika ni Lisa.
Agad na napangiti si Jenny sa pagkakarinig sa pangalan ng greatest crush niya. Si Mino ay nasa ikalawang taon sa kolehiyo at dahil gwapo at miyembro ng basketball team ay sikat sa campus. At mapalad siya dahil kahit nasa high school siya ay siya ang nakursunadahan nito. Bagaman hindi naman ito diretsahang nanliligaw ay gumagawa ito ng paraan upang puntahan siya sa high school building at yayain siyang mag-snack o di kaya’y imbitahang manood ng practice nito.
“Dapat, dahil kapag inungkat niya ang score naming dalawa ngayong gabi, hindi ako magdadawalang isip na sagutin siya.” She imagined herself in a very sexy dress at kasayaw si Mino. Lalong maiinggit sa kanya ang ibang girls.
“Oh, bakit bigla biglang nagbago ang ihip ng hangin? Akala ko ba’y magpapakipot ka muna kapag niligawan ka?”
“Hmm..bakit pa ako magpapakipot, eh type ko naman siya. At balita ko’y may crush sakanya si Vira.. Iyon bang muse nila sa basket ball team. And she’s working pretty hard to get Mino’s attention.”
“Saan mo naman nabalitaan iyan?” Tanong ni Lisa, ngunit hindi hinintay sumagot ang kaibigan at agad na sinusugan ang sinabi. “Anyway, kung totoo man iyon, huwag kang mag-alala, mas maganda ka dun.”
“I hope you’re right dahil maganda rin si Vira at sexy talaga ang katawan, katangiang wala sa akin. Naiinggit nga ako sa boobs nun eh.”
“Alin?” Tumaas ang tono ng boses ni Lisa. “Iyong tila Ara Minang dibdib? Naku, hindi na ha! Ayoko yatang sabihin sa akin ng boyfriend ko na may boobs na siyang pang gigigilan ay may unan pa..”
Napahalakhak ng tawa si Jenny. Unlike her, papalit-palit ng boyfriend si Lisa. Ni hindi sumasama ang loob nito sa sandaling nakikipag-break ito sa boyfriend. While she intend to fall in love. At sa kasalukuyan ay si Mino ang matinding crush ng buhay niya.
“Basta, kailangan bago humapon ay makahanap ako ng damit. Susubukan kong halughugin ang wardrobe ni Ate Elsa.” Ang tinutukoy niya ay ang asawa ng Kuya Bert niya. Inihagis niya sa kama ang kupas na damit, ready for disposal.
“Kahit naman ano ang isuot mo ay maganda ka pa rin Jenny. Hindi ka mahihirapang magpapansin kay Mino.”
Well, it was true, Jenny never had a problem getting attention from boys. Bukod sa pagiging outgoing at pagiging friendly ay maganda talaga siya. Hindi lang basta maganda, she was even endowed with all the attributes of a beauty queen. At seventeen, she was already five feet four inches tall, with long dark brown hair and chinky eyes. Na sabi ng mama niya ay namana niya sa great great grandmother niya, who was Chinese. Isa sa best asset niya ay ang flawless skin, na natitiyak niyang namana niya rin sa great great grandmother niya. At kung makita mo siyang naka halter blouse, magtatagal kang tititig sa balat niya na kahit yata isang maliit na butlig ay nahihiyang tumubo. Kaya naman nag-i-enjoy siyang magsuot ng party dresses na nakahantad ang likod at mga balikat niya. She knew her assets and used it to her advantage.
Minsan na siyang naging model ng isang face powder commercial na pang teenager. That was more than a year ago, nang bago pa lamang siyang dating sa Lipa. A talent scout spotted her at Fiesta Mall. At may nag alok pa sa kanyang talent scout para mag artista. Subalit hindi iyon ang pangarap niya sa buhay.
“And for all you know Jenny, hinihintay lang ni Mino na ikaw ang manligaw sa kanya” ani Lisa sabay tawa ng malakas.
“Well, why not? Lumabi siya. Pabagsak na naupo sa kama. Uso naman ngayon yan. Kung iyan ba ang paraan para maging mag- on kami, wait lang siya” sabay ngiti sa sinabi.
“Well I hope not,” kontra ni Lisa. Kahit papalit palit ako ng boyfriend, chica, tinitiyak ko sa iyong sila ang nanliligaw sa akin and not the other way around. Don’t be so desperate to get his attention. Baka magmukha kang cheap. At hindi mo kailangang gawin yon. You’re too pretty and popular for that!”
She sighed. May katwiran ang kaibigan niya. Anyway hindi rin naman niya natitiyak kung kaya nga niyang gawin iyon. Ibinaling na muli ni Jenny ang pansin sa damit na nasa kama.
“Naaasar na ako sa mga damit ko huh!”
“Hindi ba’t last week kagagaling mo lang sa mall?” Tanong ni Lisa.
“Eh eto na nga iyong strapless kong nakupasan. And mind you, sabi ni kuya iyon na ang huli kong shopping until the end of school year!” Isa iyon sa mga dahilan kung bakit naghihisterya si Jenny. Dalawang buwan pa bago matapos ang klase!
“Paano ba naman si Cherry inilagay sa bote ng downy yong chlorox at naibuhos ko sa tubig, kaya yon namuti ang dating itim!” Ang tinutukoy niya ay ang katulong nila. And it took her a mountain of self control para huwag magalit dito dahil kahit papano ay mabait sakanila si Cherry at kahit hindi niya itusan ay nililinis niya ang kanyang kwarto.
Isang malakas na tawa ang pinalabas ni Lisa. “Bakit galit ba sayo ang maid niyo?” Kantiyaw nito.
“Of course not! Nabutas daw kasi iyong boteng lalagyan ng chlorox kaya isinalin niya sa bakanteng bottle ng Downy, paghihimutok na wika niya sa kaibigan at masama ang loob na tinitigan ang black dress na nakalatag sa kama, minsan lang niyang nagamit iyon. At hindi biro ang halaga nun.
“Well, bakit hindi ka manghingi ng pamalit sa kuya mo?” Suggestion ni Lisa.
“I never thought about it then. Ngayon lang dahil nga sa party ni Gail at kung kailan wala silang mag-asawa!” aniya. Kasalukuyang nasa Trinidad ang kuya nito at asawa niya. Isang linggo ang mga ito doon upang dalawin ang mama niya.
“Eh, hindi ba’t extension ka ng card ng kuya mo? Gamitin mo at pag natanong ka, di sabihin mong emergency.”
Natigilan si Jenny. Now there was a thought. Hindi naman siguro ikakagalit ng kuya niya kung gagastos siya ng more or less five thousand na pang shopping.
“Well.. well.. well..” nagkapag asang napangiti si Jenny. “Mula kanina ay yan ang pinakamagandang nasabi mo. O, eh, di sasamahan mo ako sa mall?”
“Hindi puwede eh,” mahinang tugon ni Lisa. “Naiwan dito yong mga pamangkin ko, kailangan kong bantayan. Lumuwas si Ate. Mamaya pa kukunin ang mga ito bago mag alas-singko,” paliwanag nito.
Napabuntong hininga si Jenny. “Sige, okay lang,” aniya. Sa isip-isip ay gustong maawa sa kaibigan. She knew from personal experience na hindi madaling alagaan ang dalawang pamangkin ni Lisa. Ang kapatid ni Lisa ay college teacher sa school na pinapasukan nila. At nasa abroad naman ang asawa.
“Okay, goodluck” Jenny said sympathetically.
Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng kaibigan.
“Sa party na lang tayo magkita mamaya”
“Okay,bye.” Ibinalik niya ang phone sa lagayan niyon at naupo sa gilid ng kama. Sinulyapan ang wrist watch. Kailangan na niyang umalis kung magsa shopping siya ng isusuot niya sa party mamayang gabi.
Mabilis siyang tumayo at dumiretso sa malaking salamin sa tokador. Nag-apply siya ng lip gloss at sinuklay ang buhok. Matapos ang ilang stroke ay dinampot ang shoulder bag at lumabas na siya ng silid.
“Cherry”, tawag niya sa maid na nagpupunas ng alikabok.
“May iuutos ka, Jenny?” Inihinto nito ang pagpupunas sa mga jalousies ng bintana.
“Aalis ako sandali. Sasaglit ako sa Fiesta Mall. Isara mo ang pinto at huwag kang magpapapasok kahit na sino ha.” Tuloy-tuloy siya sa pintuan habang nagsasalita.
Agad na nahinto si Jenny nang isasara na sana niya ang pinto sa unahan ng bahay. Humarap kay Cherry na sumunod sakanya at tinitigan ito.
“Kung magko-commute ako mas o menos na mali-late ako sa party” wika niya rito bagaman mas na sarili ang kinakausap, habang nilalaro sa kamay ang strap ng shoulder bag.
“Wala ka namang pagpipilian eh. Saan ka ba pupunta” tanong ng katulong.
Subalit hindi naririnig ni Jenny ang katulong dahil wala rito ang tinatakbo ng isip niya. Dinukot sa loob ng bag ang wallet at tiniyak kung naroon ang kaniyang licence permit. Actually, kaya lang naman siya nagkaroon ng student permit ay dahil paminsan-minsan niyang nagagamit ang Tamaraw FX nila kapag nagpupunta siya sa grocery, iyon ay dahil nangungulit pa siya at napipilit niya ang Kuya Ben niya.
At dala ng mag-asawa ang FX van nila.
Mabilis na natuon ang mga mata niya sa top down wrangler jeep ng kuya niya na nasa garahe. Sandaling natigilan si Jenny. Mahigpit na ipinagbilin sa kaniya ng kapatid na hindi niya gagamitin ang Wrangler Jeep habang wala ang mga ito. Alam niya ang dahilan kung bakit ayaw ipagamit ng kuya niya ang Jeep sa kanya. O sa maikling salita ay kung bakit ayaw siyang mag drive ng kapatid.
Wala pa raw siyang eighteen at walang tiwala ang kiya niyang magmaneho siya. Minsan lang niyang nagasgasan ang van ay hindi na naalis sa isipan ng kapatid iyon. Bukod sa Wrangler Jeep na dalawang buwan pa lamang ang nakalipas mula nang ma-assemble ay paborito ng kuya niya ito. Katulong mismo ng kuya niya ang kaibigan nito para sa pag-assemble ng jeep.
Some major parts were really original kahit nga ba surplus at ang kuya niya mismo ang matiyagang naghanap sa Banawe, Blumentritt at Malanday ng mga parts. Tuwang- tuwa ito nang magawa ang Wrangler Jeep. Mas mukhang original kaysa assembled. And the jeep was his prized possession.
Pagkatapos ng ilang sandaling pagbabalik-tanaw ay mabilis na bumalik sa kusina ang dalagita. Kasunod pa rin si Cherry na nakakunot noo. Sa gilid ng pantry at naroon ang sabitan ng mga susi. At isa na roon ang susi ng Jeep.
“Naku Jenny!”
Nagkibit balikat siya. Hindi naman malalaman ng kuya niya na gagamitin niya ang sasakyan. At ang hindi nito alam ay hindi makakasakit dito.
Nag about face siya at hinarap si Cherry. “Pag nagsumbong ka Cherry..” banta niya rito, “lagot ka sa akin!” Bukod pa sa ipababawas ko sa suweldo mo iyong damit kong kinupasan mo!”
“Pero——“
Subalit nakalabas na ng bahay si Jenny.
SHE was tapping her fingers on the black steering wheel habang naghihintay na umusad ang mga sasakyan sa unahan niya. Medyo traffik. But she couldn’t have been any happier. Nabili niya iyong damit na matagal na niyang gustong bilhin. At kahit natagalan siya sa pagpila sa counter, hindi iyon nakapagpaalis ng kasiyahan niya. She would look great at the party tonight.
It was a moving traffic though. But she was starting to worry. Twenty minutes na halos ang nakalipas subalit hindi naman siya gaanong nakakalayo. Mala- late siya sa party kung hindi siya makakalabas doon kaagad. Sinulyapan niya ang wristwatch. Alas-singko na. Mayroon na lang siyang dalawang oras. Half-an-hour sa paliligo and another hour to fix herself at thirty minutes papunta sa bahay nila Gail. Nasa unang taon sa kolehiyo pero kaibigan nila ni Lisa at siyang nagpakilala sa kanya kay Mino. At kung hindi siya gagawa ng paraan upang makatakas sa traffic na ito, hindi niya kayang isipin kung ano ang itsura niya sa party kapag nabawasan pa ang oras niya.Hindi niya pinaandar ang jeep kahit na umusad ng bahagya ang nasa unahan. Gusto niyang magkaroon ng malaking distansiya sa binabalak. Tumingin si Jenny sa rearview mirror. May kotse sa likuran ng sasakyan niya and to her delight lalaki ang driver. Inilabas ni Jenny ang kamay upang senyasan ang sasakyang nasa likuran na mag U-U Turn sya, halos buong katawan ang inilabas sa jeep ng lingunin ang sasakyan sa likod. Flipped her long hair and smiled. Alam niya. no one can resist her smile.
Agad namang tumugon ang driver, gumanti ito ng ngiti at tumango. Gallantly moved his car backward upang magkaroon ng space si Jenny na makaikot. Na nagawa niya ng walang kahirap hirap. At bago siya tuluyang makaalis ay binusinahan niya ang driver ng kotse and again gave him another smile. Nakahinga siya ng maluwag, kahit papano ay makakaiwas siya sa traffik sa ginawang pag short cut. Agad na nabaling ang pansin ni Jenny sa stereo nang panatag na ang kaniyang pagmamaneho. Kanina pa ito naka on pero wala naman siyang maintindihan sa mga lumalabas na kanta mula roon. Yumuko siya at pinihit pihit ang dial ng stereo. Naghahanap ng istasyong malinaw dahil puro static ang naririnig niya.
“Kailan ba aayusin ni kuya itong stereo ng jeep?” She muttered to herself. Bahagyang hininaan ang pagpapatakbo habang naghahanap ng magandang istasyon sa radyo. She glanced up at the road for a second. Papasok na siya sa isang bagong tayong subdivision kung saan sa dulo ay may short cut patungo sakanila. At dahil bago pa lang ang subdivision ay hindi matao. Katunayan ay madalang ang sasakyan. Lalo na at sabado at suweldo ng sinundang araw, puno nga ng mga tao ang mall.
Mayamaya ay may naramdaman siyang maliit na patak sa kaniyang mukha. Pinaandar niya ang wiper kahit napakapino nman ng patak at madalang. Dalangin niyang huwag sanang umulan nang malakas dahil tiyak na sira ang image niya. Para lamang sa summer ang sasakyan. Ewan ba niya sa kapatid kung bakit gustong naka top-down ang Jeep. Itinuon niyang muli ang atensiyon sa stereo. All she could hear was a wild static. Sandaling inilayo niya ang tingin sa kalsada at nagmenor. Pagkatapos ay niyukong muli ang stereo. Sa pagkakataong iyon ay hindi na tapik ang kaniyang ginawa, malakas na hinampas niya ito ng kamay.
Kasabay ng malakas na paghampas niya sa stereo ay ang malakas na pag uga ng buong jeep; ang tunog ng nagbungguang bakal; ang pagkasubsob ng katawan niya patungo sa manibepa; at ang mahigpit na pagkakapigil ng katawan niya sa seat belt. At kasunod niyon ay ang paghinto ng kaniyang sasakyan. Kung dala ng biglang preno niya o dahil talagang hihinto dahil sa kung anong nabunggo niya. Hindi niya maisip.
Bagaman hindi naman matindi ay napigil pa rin ang hininga niya dahil sa sakit ng pagkakapigil ng seat belt sa dibdib niya.
At nang iangat niya ang tingin, she found herself face to face with a stop sign.
She had stopped for the stop sign!
Yes, she had stopped for the sign, all right. Dahil bumangga siya mismo doon!
CHAPTER TWO
Sandaling pinakiramdaman ni Jenny ang sarili. She wasn’t hurt, nititiyak niya iyon. At hindi naman tumama ang ulo niya sa alinmang matigas na bahagi ng Jeep dahil sa seatbelt. Lamang ay sumakit ang dibdib niya sa pagkakapigil ng seatbelt at tila nanlambot ang mga tuhod niya sa nerbiyos.
Nang medyo mahimasmasan, agad niyang inalis ang seatbelt sa katawan at dahan-dahang bumaba ng jeep. Sa pagkakataong iyon ang ambon ay naging mahinang ulan. At wala na siyang pakialam kung masira man ang image niya kung mabasa siya.
Sinulyapan niya ang paligid. Paano ba siyang napatabi nang husto sa malapit sa sidewalk? Sandali lang naman niyang niyuko ang stereo ng Jeep. Hindi niya maipaliwanag ang mabilis na kabog ng kaniyang dibdib nang takbuhin ang harapan ng sasakyan. She closed her eyes for a second, afraid to see the damage.
At nang imulat niya ang kaniyang mga mata, ang kauna-unahang bagay na agad na bumulaga sa kaniya ay ang tubong bakal ng stop sign. Humulma iyon sa bumper ng Wrangler. At ang yuping plaka ay nakabitin mula sa bumper ng sasakyan. At kaunting agwat na lamang, malapit nang suruin ng dulo ng stop sign ang windshield ng sasakyan. Na kung mabilis ang pagpapatakbo niya’y hindi malayong ganoon nga ang nangyari at nasaktan pa siyang tiyak!
Nanlulumong pinagmasdan ni Jenny ang buong anyo ng jeep. Maliban sa nakabitin at yuping plaka, yupi rin ang bumper at basag ang gitnang hood ng Wrangler! “Oh,no!” bulalas niya. Iyon ang pinakagrabe sa lahat dahil basag ang itim na fiberglass! Doon bumagsak ang katawan ng stop sign post.
Hindi niya makuhang kumilos habang ipinamumukha sa kaniya ang reyalidad ng nangyaring damage sa Wrangler Jeep ng kuya niya. Ang paboritong sasakyan ng kuya niya! Naibunggo niya ang sasakyang sandaang beses na ibinilin sa kanya ng kapatid na huwag gagamitin! Ang jeep na almost one year inassemble! Gusto niyang maiyak sa inis at sama ng loob. Ano pa kayang kamalasan ang naghihintay sa kaniya?
HINDI makapaniwalang nagpreno si Jeremy. Apat na sasakyan na ang kaniyang nahihila sa talyer. Pero may pakiramdam siyang hindi yata matatapos ang trabaho niya sa maghapong iyon. At ngayon, merong isa pa na kumakaway sa kaniya. Sinulyapan ni Jeremy ang side mirror habang inaatras ang sasakyan. Iba’t-ibang dahilan ang sanhi ng mga tumitirik na sasakyang nahihila niya. Ano naman kaya ang dahilan ng isang ito?
Nang bigla’y mapakunot ang noo niya nang mamukhaan sa side mirror kung sino ang babaeng nagtatalon sa ulan at kumakaway sa kanya.
“Jenny Navoa,” he murmured to himself nang matiyak at makilala kung sino ang susunod niyang trabaho. Sa likuran ng dalagita ay Wrangler Jeep na bumangga sa isang sign post. “So what happened to the campus princess?”
Kilala ni Jeremy si Jenny. Why, she was one of the most popular girls in campus. Kahit na nga ba kung tutuusin ay nasa huling taon pa lang ito sa highschool. Bakit ba eh ang isa ring popular guy sa engineering sophomore ay balitang may gusto rito.
Ang Jenny was actually the president of the student council. Ang babaeng kinaiinisan niya, mula pa nang mag-transfer siya sa kolehiyong iyon sa Lipa, kung saan pinagdudominahan ni Jenny.
He sighed. Dalawang semester ang usapan nila ng daddy niya na magtrabaho siya bilang helper-mechanic sa talyer ng kaibigan nito sa Lipa. Gusto sana niyang sa talyer nila sa San Ignacio na lang magtrabaho subalit ayaw ng daddy niya. Hindi raw siya matututong magbanat ng buto roon dahil aayunan siya ng aayunan ng mga trabahador nila kahit na pagbilinan pa ang mga iyon.
Inihinto ni Jeremy ang pick-up truck sa unahan ng bumunggong Jeep. Aalamin niya kung ano ang nangyari sa mahal na prinsesa. “Hey sweetheart, need help?” wika ni Jeremy, sa tonong bahagyang nanunuya kasabay ng pagdungaw sa bintana ng pick-up truck.
Agad na napataas ang kanang kilay ni Jenny. Namumukhaan niya ang lalaking kaharap. Hindi nga lang agad maisip kung sino. At ano naman ang gusto nitong palabasin sa patuyang pagtawag sa kaniya ng “sweetheart?” Gusto niyang malaman ora mismo pero hindi niya magawang sabihin. Kailangang isantabi muna niya ang pagtataray, ganoon din ang inis na ang lalaking ito ang dahilan kung bakit nagpuputik ang damit niya. Kailangan niya ang tulong nito.
Lumapit si Jenny sa pick up truck. “I—-I need your help..” Oh how she hated that insolent look on his face. Pero wala siyang magagawa. Bumaba si Jeremy mula sa truck. Ang blue over-alls nito ay puno ng grasa, maging ang ibang parte ng katawan nito. At naglalagkit sa pawis na nahaluan na ng ulan. Ang buhok nito ay hindi naman kahabaan subalit nakatali ng goma sa likod. She almost rolled her eyes, she hated boys who wear their hair long at pagkatapos ay itatali sa likod. She wondered kung sino ang ini-impersonate nitong foreign idols. Yucks!
Bahagyang napaatras si Jenny kahit wala naman siyang naamoy sa binata. Ayaw niya lang na madikit ang balat dito, kahit na sabihin pang balewala naman iyon sa buhos ng ulan na bumabasa na sa kanila. Bumaba-tumaas ang mga mata ni Jeremy sa kanya. “You’re totally soaked. What happened?” Sinuri ng marungis na lalaki ang sasakyan. “Bumangga ka!” Nilingon siya nito.
“Obviously.” Bahagyang tumaas ang kaniyang tinig, ngunit agad naman siyang ngumiti. There was no point taking her frustrations out on this guy. She had to be nice kung gusto niyang madatnang maayos ang sasakyan ng kuya niya sa pag-uwi. “Could you tow my car?”
“Sure,” sagot ni Jeremy. “That’s my job.”
Humakbang siya sa kinaroroonan ng lalaki, hating the idea of looking up at him. He was tall. Taller than Mino who was five feet and ten inches. “We’re schoolmates, di ba”? she said in a friendly voice. “Ano na nga ba ang pangalan mo? Danny? No, wait— Mark. Tama, Mark, di ba?”
“Try again,” tugon ng binata, twitching his lips upward in irritation. “Well, I’m sorry if I couldn’t remember your name. Schoolmates tayo pero nasa highschool ako at—-“
“I’m Jeremy dela Serna,” interrupting her.
“Of course! Jeremy, right. Nasa third year sa engineering ka!” The infamous Jeremy dela Serna, ang lalaking madalas ireklamo sa committee dahil sa paninigarilyo sa CR ng mga boys. Ang lalaking tinutukoy ng committee bilang “ang bad boy ng college juniors..” Gusto sana niyang idugtong ang nasa isip. But she knew it wasn’t a very good idea. She needed his help.
This was going to work out better than she’d hoped for. Tutulungan siya ni Jeremy. He just had to. They we’re schoolmates. Tumaas ang mga mata niya sa tow truck. Binasa ang malalaking letrang nakasulat doon. “Five Star Auto Shop. Sa iyo?”
“Sa kaibigan ng father ko. I work for him part time.” Yumuko ito sa harapan ng sasakyan ni Jenny. “So let’s see what we’ve got here..” inuga nito ang sign post ngunit hindi nito iyon matinag. Matindi ang pagkaka bend ng post sa bumper at sa hood.
Inilipat ni Jeremy ang atensiyon sa nakabiting plaka. Iniangat- angat nito iyon at sa pamamagitan ng mga kamay ay pilit hinugot ang screw sa bumper.
“M-maaayos pa ba iyan?” tanong ni Jenny, muling umahon ang pag-aalala sa sasakyan ng kapatid. “Well, not that bad. Iyong iba nga’y masahol pa rito.” Nilingon siya ni Jeremy. “You aren’t hurt, are you?”
“I’m fine..” bahagyang nabuhayan ng loob si Jenny sa sinabi ni Jeremy. At nagulat siya nang bahagya sa pag-aalala sa tinig nito. “C-can I tell you something Jeremy?” aniya, and looked into his eyes—- his gorgeous dark eyes. Gorgeous? Naisip ba talaga niya ang salitang iyon para sa mga mata nito?
Why, yes! And to her surprised sa kabila ng dungis at grasa, she noticed that Jeremy was really very attractive— in a rugged way.
Nag-angat ng mga mata si Jeremy meeting hers. “Sure.” Tumikhim si Jenny, umiwas ng tingin. Bakit ba’y tila nanunuri ang mga matang iyon. Nanunuot sa bone marrow niya. “I—it’s a little embarrasing, but-“. She paused for a second. Hinawi niya ang basang buhok na tumatakip sa isa niyang mata. At noon lang niya namalayan na humina na pala ang ulan.
“But what?” naiiritang sabi ni Jeremy nang hindi agad dugtungan ni Jenny ang sinasabi. Hindi nito maintindihan kung ano ang ikukwnto ng prinsesa. “No pun intended but hurry up. I don’t have all day to listen to your story. Nakapila ang trabaho ko..”
Napasinghap si Jenny. Bastos talaga ang lalaking ito!
“Ganito iyon..” she said with a faint smile, not wanting to lost her calm. “I wasn’t supposed to be d-driving this jeep. Ang.. ang ibig kong sabihin ay sa kuya ko itong sasakyan. Ibinilin niyang huwag kong gamitin. He’s in the province right now.. Well, let’s just say na kailangan ko lang gamitin ang sasakyan..” She laughed nervously.
“Isa ka palang masunuring kapatid,” ani Jeremy, one corner of his mouth twisted upward. Pinilit ni Jenny na tumawa sa sinabing iyon ni Jeremy. Hindi pinansin ang panunuya sa tinig nito. Kailangan niyang kuhanin ang loob nito upang matulungan siya.
“The bottom line is, hindi ako allowed na i drive itong jeep—-“
“I can see why.”
Jenny counted from one to ten in five seconds flat. She had to calm down. Hindi siya maiinis..hindi siya maiinis..
“And I guess.. I took my eyes off the road. At sa sandaling malaman ng kuya ko ang nangyari.. ang nangyari sa jeep niya, I’ll be dead..” huminto siya para huminga. “Ano ang gusto mong mangyari, get straight to the point” deretsong sabi ni Jeremy.
Yumuko siya sa lupa and gritted her teeth. The man was extremely rude. Malapit ng maubos ang pasensiya niya. Muli siyang tumingala at bahagyang tumawa. “K-kailangang maayos itong sasakyan bukas.. I mean, hindi dapat abutin ng dalawang araw na sira ito!”
“Sure. Na para bang posible ang gusto mong mangyari,” ani Jeremy and laughed sarcastically. “But why?” Agad na nagkalinya ang noo ni Jenny. Hindi niya gusto ang narinig. “Mula ngayon hanggang sa lunes ng hapon ay mahabang panahon. Bumper lang naman ang sira ng jeep di ba?”
“Bumper lang?” ulit ni Jeremy, umiling. “Nakalimutan mo na ba iyang basag na fiberglass hood ng Wrangler? Hinahanapan ng kapalit iyan.”
Agad na lumipad ang mga mata ni Jenny sa itim na hood ng sasakyan. Sandali niyang nalimutan ang basag na fiberglass. She knew it was expensive—beyond her means. “At gusto kong malaman mo—“ patuloy ni Jeremy. “ na kung sakaling aayusin iyang sasakyan ng kuya mo sa talyer ay pipila ka sa pang lima.” pahayag ni Jeremy at muling dinukwang ang unahan ng Wrangler Jeep. “At isa pa, Linggo bukas, hindi kami nagbubukas ng shop kapag Sunday. At malamang na apat o limang araw bago mo makukuha itong sasakyan ng kuya mo.”
Limang araw! Jenny almost fainted.