KABANATA 4

1162 Words
Hindi alam ni Sienna kung matutuwa ba siya o lalong matatakot sa naging desisyon ni Don Xavier. Ang maging personal assistant ng sarili niyang anak ay parang pangarap na natupad dahil makakasama na niya si Lucas araw-araw. Pero ang kapalit naman nito, babantayan na siya mismo ng Don. Isang pagkakamali lang niya, pwedeng mabulilyaso ang lahat at mapahamak siya. Kinaumagahan, maagang gumising si Sienna para maghanda. Isinuot niya ang kanyang uniporme, maingat na isinuot ang makapal na salamin, at tinali nang simple ang kanyang buhok. Pagpasok niya sa dining room ng mga De Luca, nadatnan niya si Xavier na nakaupo sa dulo ng mahabang lamesa, nagbabasa ng mga report sa kanyang tablet habang umiinom ng black coffee. Sa tabi nito, tahimik na kumakain ng pancake si Lucas. Sobrang seryoso at pormal ng vibe sa loob ng kwarto, na parang hindi mag-ama ang magkasama kundi dalawang taong nasa business meeting. "Elena, nandiyan ka na pala," sabi ng head housekeeper na si Martha, sabay hila kay Sienna sa gilid. "Simula ngayon, ikaw na ang bahala sa lahat ng kailangan ni Lucas. Mula sa pagkain niya, pagpapalit ng damit, hanggang sa pagbabantay sa kanya habang naglalaro. At tandaan mo, bawal siyang mawala sa paningin mo." "Opo, Aling Martha. Maraming salamat po," sagot ni Sienna bago dahan-dahang lumapit sa lamesa. Nang makita ni Lucas si Sienna, nabuhayan agad ang bata. Biglang nawala ang lungkot sa mukha nito at napalitan ng malawak na ngiti. "Yaya! Kakain tayo ng pancake!" masayang tawag ng bata, na akmang bababa na sa upuan para lumapit sa kanya. "Lucas. Umupo ka," seryosong saway ni Xavier nang hindi man lang ibinababa ang hawak na tablet. Agad na natigilan ang bata at dahan-dahang umupo pabalik habang nakayuko. Naawa si Sienna sa nakita niya. Alam niyang ganito talaga pinalalaki ang mga tagapagmana ng Mafia—matigas, disiplinado, at bawal magpakita ng emosyon. Pero tatlong taong gulang pa lang si Lucas. Kailangan nito ng pag-aaruga ng magulang, hindi ng boss. "Elena," tawag ni Xavier. Sa pagkakataong ito, ibinaba na ng Don ang kanyang tablet at dumeretso ang tingin sa kanya. Tinitigan siya nito nang mabuti, na parang inaalam kung puyat ba siya o kung may kung ano sa kanya. "Ihatid mo si Lucas sa garden pagkatapos niyang kumain. May darating na tutor para sa advanced lessons niya ngayong umaga." "Masusunod po, Don Xavier. Yumuyukong sagot ni Sienna. Sa malawak at magandang garden ng mansyon, masayang naglalaro si Lucas sa damuhan habang pinapanood siya ni Sienna mula sa bench. Sa bawat tawa ng bata, pakiramdam ni Sienna ay unti-unting nawawala ang lahat ng pagod at bigat na naramdaman niya noon. Ang tatlong taon niyang pangungulila ay tila napapawi tuwing tinatawag siya ni Lucas gamit ang maliit nitong boses. "Yaya, look! I caught a butterfly!" sigaw ng bata habang tumatakbo patungo sa kanya, bitbit ang isang maliit na laruang net. "Ang galing naman ng baby boy na 'yan," nakangiting sagot ni Sienna. Nilabas niya ang kanyang panyo at maingat na pinunasan ang pawis sa likod ng bata. Ang bawat haplos niya ay puno ng pag-iingat at lihim na pagmamahal. Eksaktong alas-diyes ng umaga nang bumukas ang gate ng garden at pumasok ang isang lalaki. Siya si Marco, ang bagong tutor ni Lucas para sa languages at arts. Bata pa si Marco, may hitsura, at palangiti—sobrang layo sa seryoso at nakakatakot na aura ng Don. "Magandang umaga. Ikaw ba ang bagong assistant ni Lucas?" nakangiting bati ni Marco nang lumapit siya sa bench. "Opo, ako si Elena," sagot ni Sienna, habang pormal pa ring nakatayo sa tabi. Habang nagtuturo si Marco, nanatili si Sienna sa malapit para mag-abot ng mga kailangan ni Lucas. Dahil likas na palakaibigan si Marco, madalas niyang kinakausap si Sienna tungkol sa mga hilig ng bata, at paminsan-minsan ay nagbibiro pa ito na nagpapangiti kay Sienna. Sa nakalipas na tatlong taon, ngayon lang ulit nakaramdam si Sienna ng kaunting ginhawa at gaan sa loob ng mansyong iyon. "Ang ganda mo pala kapag ngumingiti ka, Elena. Dapat madalas mo 'yang ginagawa," kaswal na papuri ni Marco habang inaayos ang mga libro. Bago pa man makasagot si Sienna, biglang naging tahimik ang paligid nang mapansin nilang may paparating. Nakatayo sa b****a ng garden si Don Xavier, kasama ang dalawa nitong armadong tauhan. Naka-roll up ang manggas ng puting polo nito, at madilim ang tingin niya kina Sienna at Marco. Nakita ng Don ang ngiti ni Sienna—isang ngiti na hinding-hindi nito ipinapakita sa kanya. "Mukhang masaya ang klase niyo," sabi ni Xavier habang dahan-dahang lumalapit. Bakas sa bawat galaw niya ang awtoridad at matinding inis. Mabilis na yumuko si Marco bilang paggalang. "Don Xavier, sinusubukan ko lang pong gawing mas masaya ang pag-aaral para kay Lucas." Hindi pinansin ni Xavier ang tutor. Ang tingin niya ay nakatitig lang kay Sienna, na ngayon ay inayos na naman ang makapal nitong salamin at nakayuko sa takot. May kakaibang inis sa dibdib si Xavier na hindi niya maipaliwanag. Bakit ang katulong na ito ay kayang ngumiti sa ibang lalaki, pero kapag siya na ang kaharap ay parang takot na takot at parang nakakita ng multo? "Tapos na ang oras ng klase, Marco. Maaari ka nang umalis," malamig na utos ni Xavier. "P-Pero may 30 minutes pa po—" "Sinabi kong umalis ka na," pagputol ng Don, hindi naman malakas ang boses niya, pero sapat na para malaman na hindi pwedeng baliwalain ang utos niya. Walang nagawa si Marco kundi mabilis na inayos ang kanyang mga gamit at umalis sa garden. Nang silang tatlo na lamang ang naiwan, binuhat ni Xavier si Lucas at ibinigay ito sa isa sa kanyang mga bodyguard. "Dalhin mo si Lucas sa loob. May kakausapin lang ako." Nang tuluyang mailayo ang bata, hinarap ni Xavier si Sienna. Lumapit siya hanggang sa dulo ng bench, dahilan upang mapaatras si Sienna hanggang sa sumandal ang kanyang likod sa puno ng acacia. "Elena," bulong ng Don, hawak ang panga ng babae at pilit itong itinaas sa ikalawang pagkakataon. Mas mahigpit ang hawak nito ngayon, halos mag-iwan ng panibagong marka. "Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko sa'yo kagabi? "Ang trabaho mo ay bantayan si Lucas. Hindi makipagkuwentuhan sa tutor." "D-Don Xavier, hindi po... Nag-uusap lang po kami tungkol sa mga aralin ni Lucas," pagtatanggol ni Sienna, habang ang kanyang mga mata ay pilit na umiiwas sa nakakatakot na tingin ng Don. "Hindi ko gustong makakita ng kahit anong landian sa loob ng pamamahay ko," seryosong sabi ni Xavier, habang ang hinlalaki niya ay dahan-dahang humaplos sa ibabang labi ni Sienna. Ang hawak niya ay magaspang, possessive, at may kakaibang tensyon na nagpagulo sa isip ni Sienna. "Mula ngayon, hindi ka makikipag-usap sa kahit kanino sa oras ng trabaho mo. Ang atensyon mo... dapat nasa anak ko lang. At sa akin. Mali ba ako, Elena?" Nanginig ang buong katawan ni Sienna. Ang posisyon nila ay masyadong malapit. Natatakot siya na baka sa bilis ng t***k ng kanyang puso ay matuklasan ng Don ang pinakatatagong sikreto niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD