Kabanata 23

1532 Words
WHEN he looked at his phone, he saw a lot of missed calls from his father. He also saw a call and text message from Tala that he needed at the house. Nagulat pa siya nang bahagya. What’s going on? Pagkagaling niya lang sa bahay ni Mariella ay nagmadali siyang umuwi. Jacinto doesn’t know how to talk to her—para lang sabihin sa kaniya kung ano ang nalalaman nito. Malakas lang ang kaniyang kutob na baka sobrang lala niyon. Pero kagaya nga ng sinambit niya kanina ay hindi raw nito sasabihin sa kaniya nang diretso. Naka-uwi siya sa bahay nila paglipas lamang ng ilang minuto. Nagtungo siya kaagad sa kuwarto ni Tala—malamang ay nandoon na naman siya’t nagkukulong lang. He knocked on the door. Binuksan naman ‘yon kaagad ni Tala. “Kanina ka pa hinahanap ni Dad. Hanapin mo raw si Uncle Gabriel. Inatake raw si Lirah. Huwag mo muna ako guguluhin.” Sinabi lamang iyon ni Tala bago niya sinara ang pinto. ‘Ni hindi man lang siya nito hinintay na magsalita. Ngunit aaminin niyang nagulat din siya sa sinabi nito. Paanong aatakihin si Lirah? Hindi naman siya sakitin mula’t mula. Nakakapagtaka at nakakapag-alala. Hinanap niya naman ang Daddy niya—pero wala roon. Nagta-trabaho na siguro. Ang ina na lang ni Lirah ang tinawagan niya. Tinanong niya ang lagay ng pinsan. “Maayos naman na siya pero mukhang hindi nga lang tuloy ang alis niya rito. Mamo-move. Baka next week—hanggang sa fully recovered na si Lirah. Kailangan niyang magpahinga,” sagot ng ina ni Lirah. Uuwi pa rin naman daw ang dalaga, na-postponed lang talaga dahil sa biglaan na nangyari. “Can I talk to her, Auntie?” he asked. Sumang-ayon naman siya at binigyan nga ang telepono kay Lirah. Mabuti na lamang daw ay gising siya ngunit nasa hospital pa rin naman. “Hello, insan...” malumanay lang na bati niya kay Jacinto. “What happened to you?” “I don’t know. Bigla na lang akong nag-black-out. We don’t know the reason. Kaya nila nasabing atake dahil nangisay din daw ako pagka-bagsak ko sa sahig. Ang weird lang talaga, wala rin mahanap iyong doctor na kakaiba sa akin. Actually, super healthy ko nga raw, eh.” Narinig pa ni Jacinto ang pagtawa ni Lirah sa huli. “We’ll, magpagaling ka pa rin diyan. Kailangan mong magkaroon nang malakas na pangangatawan. Aakyat pa tayo sa bundok.” “Ay, gustong-gusto ko ‘yan, Jacinto! Naks naman! Totoo ‘yan, ah?” Nagkatawan lang ang magpinsan, nagsalita lang muli si Lirah na hindi pa nga raw alam ng ama ang nangyari sa kaniya kaya naman sinabi rin nito na puntahan siya upang ibalita ang nangyari. Agad naman ‘yong ginawa ni Jacinto. Umalis siya ng bahay nila. Hindi pa man siya nakakalabas ng subdivision ay napansin niya ang sasakyan ni Khrist na masasalubong niya. Si Tala ba ang pupuntahan nito? It’s obvious. “Magaling talaga...” Jacinto snorted. Hindi niya lang talaga lubos akalain na nakuha nito ang loob ng kapatid niya. Dapat na ba siyang maiinggit? Hanggang ngayon pa rin kasi ay hindi pa rin maganda ang pakikitungo ng kapatid niya sa kaniya. Hindi niya na lang din pinansin. Nagdire-diretso na lang siya sa pagmamaneho. Hahanapin niya pa si Uncle Gabriel niya. UNFORTUNATELY, hindi niya naabutan si Tala roon. Saan kaya siya nagpunta? Ang sabi lang ng mga kasambahay nila ay sakto lang ang pag-alis ni Tala sa kaniyang pagdating. He tried to call her pero hindi naman na nito sinasagot ang mga tawag niya. Nagpadala siya ng bulaklak sa bahay nila. Tala also texted Khrist that she already got it. Ano naman ang rason nito sa pag-alis sa bahay? Umalis na lang siya sa lugar na ‘yon tsaka naisipang umuwi na sa kanila. Mabilis siyang nakarating doon at natigil lang sa may harap no’n. He chuckled a bit. Tala accepted those flowers—that’s unbelievable, actually. Pero dahil sobrang lakas ng kaniyang karisma ay nakuha niya talaga ang loob nito. Sa totoo lamang ay masama rin talaga ang loob niya. Hindi niya naman ginusto ang lahat nang ‘to ngunit pinanindigan niya pa rin. Ang kaso ay hindi niya ‘to papanindigan habang buhay/ Baka nga bukas o sa susunod na linggo ay iiwan niya na si Tala. Masyado niya lang din ine-enjoy ang thought na mabait sa kaniya si Tala at hindi na masyadong nagtataray kapag magkasama silang dalawa. Hindi katulad noon... Sinusulit niya na lang talaga bago matapos ang lahat. “Para saan pa?” Natigilan si Khrist nang biglang may nagsalita. Nakilala niya kaagad ang boses kaya kahit na hindi niya na siya lingunin ay kilala niya na kung sino. He was not mistaken when he saw her. Pakiramdam niya’y bigla na lang may sumagot tungkol sa iniisip niya. “Mariella?” “Why are you shocked?” Yella asked sarcastically. “By the way, I am here to tell you that you are so smart. Nag-iisip ka talaga nang matindi.” “Ano ba ang sinasabi mo? Why are you look so upset?” Dapat sigurong matuwa si Khrist dahil nandito si Yella ngunit hinidi niya magawa dahil sa ekspresyon nito. She looked mad. Yella crossed her arms. “Mas lalong hinding-hindi kita bibigyan ng tsansa dahil sa ginawa mo. Sa tingin mo ba hindi ka makakasakit? Hindi ka pa ba natuto no’ng sinaktan mo ako, ha?” He suddenly understand what’s going on. Hindi niya pa naman nasasabi kay Yella ang tungkol do’n. “So, you knew?” he asked. “Of course, I knew. Baka isipin mo na nagse-selos ako, ha. Ler’s make it clear. Kahit ganoon ang ugali ni Tala, hindi niya pa rin deserve na saktan mo. Actually, for me, she looked innocent. Please, huwag mo na ‘tong patagalin o ako na talaga mismo ang magsasabi sa kaniya ng totoo,” Yella said. Tinalikuran na siya nito. Napamura na lang si Khrist—natigil lang nang bumalik si Yella na parang may nakalimutang sabihin. “Wait, don’t ever come to me if you’ll just bring up if I could give you a chance because I don’t, and I won’t. I am happy now, Khrist. Isaksak mo na sa utak mo na hindi na ikaw.” Masasakit ang mga salitang ‘yon. Kung bato ang bawat salitang ‘yon at tumama sa kaniya’y magiging masakit talaga. “Do you have a boyfriend?” “Guess it. Bye.” At doon na siya tuluyang nagpaalam. Napabuntong hininga na lamang siya Napatulala na muna siya bago siya nagpasya na pumasok na sa loob ng bahay. But to his surprise, Khrist saw Tala standing at the front of the gate, and f**k, she was glaring at him. “What the heck are you doing here?” Sa gulat niya’y iyon na lang ang nasabi niya. “Care to explain that all? I will listen.” Kalmado lang ang boses ni Tala ngunit ang sama pa rin ng titig nito sa binata. “It’s not what y—“ “Ayaw kong marinig ‘yan, Khrist. Hindi ‘yan ang explanation na hinihingi ko,” Tala said as she cuts his sentence off. Nagsisimula na rin siyang makaramdam nang matinding kaba dahil dito. Iniisip niya na ang ama ni Tala at pati na rin si Jacinto. Malamang ay mas lalong titindi ang away nilang dalawa. “Okay. Puwedeng sa coffee shop na lang or kahit saan basta huwag dito.” Gusto niya munang mag-isip kung paano sisimulan ‘to. He doesn’t expected this to happen too early!   “Ang dami mong arte, Khrist. Dito muna sabihin bago kita masaktan—sandali—hindi nagbabanta, ah. Nagsasabi lang. Hindi mo alam kung gaano ako kagigil ngayon. f*****g explain.” Wala na siyang magagawa. Khrist heaved a deep sigh. “I really meant to hurt you. Hindi ko naman inaasahan, kailangan ko lang gawin.” Tiningnan siya ni Tala nang mas matalim pa kaysa kanina. Ilang segundo ang lumipas ay mabilis na hinatak ni Tala ang kuwelyo ng binata.   “Tanga ka ba?” “I am so sorry.” “You f*****g lied. You promised to my Dad?!” “I know! And I am aware that this will happen. Kasi una pa lang, laro lang ang lahat! Pustahan lang! Nagsimula ‘to no’ng natalo ako ng punyeta mong kapatid ng gabing ‘yon, and my punishment is to get your heart. Kahit NANDIDIRI AKO. Is that enough explanation for you, you brat?!” Nakaramdam na rin siya ng inis at parang gusto na lang ilabas lahat-lahat ng sama ng loob niya. Napapikit si Tala. Akala niya ay tinablan ‘to at iiyak na ngunit nang imulat niya muli ang mga mata niya’y agad siyang sinuntok sa mukha. Namanhid tuloy ang parteng ‘yon ng mukha niya. Kasama ng ilong na mukhang nagdu-dugo na rin. Agad siyang humawak doon. “Tandaan mo ang sasabihin ko, Khrist. Kilalanin mo akong maigi, I don’t care about you. Nananahimik ako tapos bigla kang lumapit para gawin ‘to, Is that fair for you? Hindi para sa akin. May kulang pa, and I’ll swear, you are going to regret this all!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD