PAGKAALIS lang ni Jacinto ay umalis na rin si Tala. Balak niya sanang puntahan si Khrist. She doesn't know where he is pero mukhang nasa kanila lang. Kaya sinabi niya sa driver nila na doon siya ihatid. Natutuwa lang siya ngunit bigla naman tuloy siyang napatanong sa sarili kung hanggang kailan ba ang tuwang 'to. She put hear earrings on. Hindi naman siya mahilig maglagay ng ganito pero napilitan na lang din talaga. Bago pa man siya makarating sa bahay ni Khrist ay may napansin siya. "Itigil mo na muna ang sasakyan. May titingnan lang ako sa labas," she commanded. Agad naman 'yong sinunod ng driver. Hindi niya rin maiwasang mapakunot ang noo dahil sa nakita niya. May kakaiba. "Puntahan mo sila..." Bigla na naman siyang may naririnig na boses. Hindi naman talaga siya ganoong kas

