HE'S been thinking this for days now, the painting that he saw on the basement. Kaya naman nagpasya siyang bumalik doon sa bahay ng kaniyang Lola. Kahit hindi na ang Lola niya ang makausap niya tungkol doon. Jacinto was sure that Aling Lita knew that painting at kung sino 'yon.
Naabutan niyang tulog ang Lola niya. Hindi niya na 'yon ginambala pa. Hinayaan niya na lamang siyang magpahinga. Hindi naman nagkamali si Jacinto nang tanungin niya si Aling Lita kung may alam siya sa painting na 'yon.
"Sumunod ka sa akin, Jacinto," nakangiting saad ni Aling Lita.
"Opo, nakasunod po ako."
May dala silang dalawa ng flashlight. Naroon pa kasi sa dulo ang ilaw at 'yon ang bubuksan nila. Pagdating nila roon ay agad namang in-on ang switch ng ilaw. Napansin niya ang mga nagsisiliparan na mga alikabok.
"Hay naku, maalikabok na naman. Naglinis pa lang kami rito no'ng isang araw." Narinig ni Jacinto na saad ng ale. Nagpagpag lang sila ng ilang mga gamit doon hanggang sa itinuro sa kaniya kung nasaan ang painting. Nakadikit pa rin 'yon sa pader, may nakatakip nga lang na tela para hindi maalikabukan. Binuksan ni Aling Lita ang painting na 'yon.
Nakita niya nga roon ang mukha ni Lirah. Ngunit sigurado siya na hindi si Lirah 'yon.
"Sino po siya? Sino po ang nagmamay-ari niyan?"
"Ang ganda niya, 'no? Sa pagkakatanda ko ay si Crisanto ang nagpinta nito."
Crisanto? Ngayon niya lang narinig 'yon. Wala rin siyang maaalala na pangalang Crisanto sa pamilya na 'to.
"Kaano-ano ho namin si Crisanto?"
"Hindi ako sigurado riyan, Jacinto. Ang Lola mo lang at ina ang nakakaalam niyan. Madalas ikuwento 'yan kina Janice. Itong babae naman na 'to ay si..." Natigil si Aling Lita at parang inaalala ang pangalan nito.
"Sino ho?"
"Detta yata ang pangalan nito. Hindi ko na masyadong maalala. Bakit mo nga pala gustong makita ulit 'to?"
"Hindi ho ba namin siya kamag-anak? Bakit nandito sa atin 'to? At sino po ang palaging sinasabi ni Lola na Jacinto at Stefania?" Hindi maiwasan ni Jacinto ang mapatanong nang sunod-sunod.
Aling Lita suddenly laugh a little. May upuan doon, hinila niya 'yon upang maupo. Si Jacinto naman ay ni-lock lang mga mata niya sa painting na 'yon.
"Alam mo ako'y nagtataka rin. Ngunit, siguro ay kamag-anak niyo dahil sa kamukhang-kamukha siya ng anak ni Gabriel," panimula niya. "Si Jacinto at Stefania naman ay dati raw na magkasintahan. Matagal na. 40's pa yata. Ang mga kuwento naman kasi ay napapasa hanggang sa Lola mo. Napapansin ko kasi na hindi siya sa iyo nagkukuwento patungkol doon. Siguro dahil iniisip ng Lola Benilda mo na alam mo na ang kuwento kasi ikaw mismo si Jacinto."
"Wala po talaga akong ideya. Ikaw na lang po ang mag-kuwento sa akin kung alam niyo. Makikinig po ako."
He was interested in this matter.
"Sige, noon kasi, ang sabi ng Lola mo, si Jacinto raw ay patay na patay sa nasabing dalaga na 'to, oo, ikakasal na raw sana sila kaso raw hindi natuloy dahil namatay iyong kapatid. Nakalimutan ko ang pangalan. Basta kapatid yata no'ng Stefania."
Doon na nagtatapos ang kuwento niya. ‘Yon lang din daw ang alam ng ale. Nagdesisyon na lang sila na maglinis doon sa basement ngunit hindi pa man sila natatapos maglinis nang makatanggap si Jacinto ng mensahe mula sa hindi rehistradong numero.
Agad na kumunot ang kaniyang noo. Magtataka na sana siya nang matindi ngunit buti na lamang ay nagpakilala 'to.
Hi, this is Mariella Quirino. I know that you know me. Please, save your sister's heart.
What does it mean? Wala namang sakit sa puso si Tala?
Nagreply naman siya kaagad. Where are you?
'Yon ang sa tingin niya na dapat na itanong sa dalaga.
Hindi na 'to sumagot kaya nagpatuloy na lang sila sa paglilinis sa parte ng bahay na 'yon. Pagkatapos naman nil ay mabilis naman siyang nag-ayos ng sarili sapagkat uuwi pa siya sa kanila. Isa pa ay 'di na rin nawala sa isip niya ang tungkol kay Mariella. Paano nito nalaman ang phone number niya?
Bago siya magmaneho papaalis sa bahay na 'yon ay tinawagan niya na muna siya. Ilang ring lamang ay sinagot na 'yon ng dalaga.
"Y-yeah?" Mariella said.
"What does message supposed to mean?"
"I just found out—never mind. Bye."
At namatay na nga ang tawag. He hates it! Bakit may mga ganitong tao? 'Yong magbubukas ng kuwento tapos hindi tatapusin? Gawa-gawa niya lamang ba iyon para ma-curious siya?
Interesado siya roon sapagkat involve ang kapatid niya!
"I KNOW what I am doing," Khrist remarked. The plan really changed because of what just happened.
Naghahanap lang talaga siya ng tiyempo upang iwan si Tala. Inihahanda niya na rin ang sarili niya sa galit ni Jacinto at Mr. Clinton. Hindi naman na imposible na mangyari 'yon. Nagsitanguan na lang din ang mga kaibigan niya sa kaniya. Siya naman ay nagpasya na lang na umalis na. Susunduin niya pa pala si Tala.
Ang bilis niya lang nakuha ang loob ng dalaga kaya hindi niya naiwasan maging mahangin. Iba talaga kapag guwapo.
Nang makita niya si Tala ay wala 'tong ngiti sa mga labi niya. Sanay naman siya kaya naman ayos lang, at wala naman talaga siyang paki kung masaya ba o malungkot ang dalaga.
"Hi, baby. Where do you want to go?"
This sound so cringey but he doesn't want Tala to get suspicious in this action of him. Kailangan niya lang maging normal sa kaniya—ipakita ang Khrist na patay na patay kay Tala!
"I want coffee, then, hatid mo 'ko sa bahay. Let's go," sabi lang ni Tala at nauna pa ang dalaga na maglakad sa kaniya.
Tala is Tala, tsk.
Naiinis na rin siya na maging utos-utusan niya sa totoo lang ngunit kailangan niya rin 'tong gawin. Makakahanap din naman siya kaagad ng tiyempo upang matupad ang plano niya.
"Anyway, hindi mo ba ako ipapakilala sa mga parents mo?" Nagulat na lang si Khrist sa tanong ng binata.
Damn. Si Mariella lang ang una at huling ipapakilala niya sa mga parents niya. He would never want to introduce this brat to his parents.
Speaking of them, kakausapin pa lang siya ng Mommy niya. Iyong Daddy ni Khrist ay galit na galit din talaga tungkol sa nangyari.
Maibabalik niya rin ang natalo niya kay Jacinto! Lalo na't may parating na namang kompetisyon—sa ibang bansa gaganapin. He's confident that he's going to win.
"They're all busy, Tala. I would love that thought kaso maski nga ang mga tawag ko ay hindi nila sinasagot. Once na may free time sila, ipapakilala kita sa kanila," palusot niya.
Hindi naman na umangal si Tala. Medyo awkward 'to sa kaniya ngunit halatang gusto niyang sanayin ang sarili ni Tala sa ganito. Khrist laughed secretly. Huwag naman sana.