Kabanata 14

2891 Words
“OMG! I’M late!” Agad na napatingin kay Yella ang librarian upang samaan ng tingin dahil sa ginawa nitong ingay sa library. Nakatulog siya! Hindi niya napansin ang oras! Nag-peace sign na lang siya sa librarian pagkatapos ay tahimik na lumabas sa silid na iyon. May research kasi siya ngayon na kailangang i-submit mamayang 4 in the afternoon. Kaunti na lang at matatapos niya na ito, siguro mamaya after ng first class niya ay magagawan niya ng paraan para makahabol. She calculated earlier that she’ll gonna finish it after her class starts pero nakatulog siya. Parang gusto niya na lang tuloy murahin ang sarili niya. Siguro ay okay na rin iyon sapagkat ilang araw na rin talaga siyang walang tulog. Hindi rin siya makapag-focus dahil sa ingay sa bahay nila. Ngayon kasi ay nag-i-stay sa bahay nila ang kapatid niya na may pito at magugulong anak. Pero hindi naman siya against na nandoon ang mga sila sa bahay nila. She actually misses them kaya imbes na mag-aral na masyado ay nakikipaglaro na lang siya sa mga cute niyang pamangkin. Maaga na lang din siyang pumupunta sa school upang makapag-focus dito sa library. Sa kabilang building pa ang classroom niya. Napansin niya rin na nagsisimula na ang klase niya kaya nagmadali nang naglakad si Yella papunta sa silid na iyon. Malalagot siya nito sa professor nila. Hindi naman siya katulad ni Tala na hinahayaan lang ng professor. Halata naman na kahit ang professor nila ay takot sa kaniya. Sobrang attitude talaga ni Tala pero minsan ay naiisip niya na what if kaibiganin niya siya? Pero kung titingnan kasi ang ugali nito ay mahihirapan talaga siya nang sobra kaya hindi niya ginagawa. Minsan kinakausap niya pero ang hirap talaga niyang kaibiganin at kausapin. She shrugged. Nang malapit na siya sa may room niya ay napansin niya sa ‘di kalayuan ang pamilyar na pigura ng lalaki. May hawak siyang cellphone at nakatapat sa tenga niya. Mukhang may kausap ang binata sa telepono, hindi niya na lang siya pinansin, hindi niya naman dapat siya pansinin pero nakuha talaga nito ang atensyon niya. She suddenly remembers the day that Jacinto talked to her. Yes, the one who’s standing there, who’s talking someone over the phone is no other than Jacinto. Tala’s brother. Nagdire-diretso na lang siya papasok sa room niya. She was sure that Jacinto didn’t notice her. Katulad ng inaasahan niya’y mapapagalitan siya ng professor niya. Humingi lamang siyang dispensa pagkatapos ay nagpunta na siya sa kaniyang upuan which is katabi ng kinauupuan ni Tala. Napansin niya si Tala na naka-upo lang, crossing her arms and looks really boring. Pagka-upo niya ay natigilan siya nang sobra nang bigla niyang marinig ang boses ni Tala. Mahina lang iyon pero sapat upang marinig niya. “You still love Khrist, Am I right?” Literal na nagulat siya sa sinabi niya. She didn’t expect that Tala would speak up on her, and also, mas lalong hindi niya aasahan na magtatanong siya tungkol kay Khrist. Hindi siya sigurado sa sagot niya pero sinagot niya pa rin ang tanong ni Tala. “No,” she simply answered. Like she has said, she doesn’t actually sure if she still loves Khrist or not. Pero kapag may nagtatanong sa kaniya katulad nito ay sinasabi niya na hindi niya na mahal ang binata. “When did you two split up?” Mas lalo siyang nagulat sa sunod tanong ni Tala. Napatingin siya rito pero hindi naman nagbago ang posisyon nito. Nakaharap lang siya kay Mariella at nakahalukipkip lang. ‘Ni tapunan man lang siya nito ng tingin ay hindi naman magawa. Wala talaga siyang maisip na dahilan para lang itanong ni Tala ito sa kaniya. Kailan pa siya naging interesado sa kaniya? O interesado sa bagay na ito. Kailan pa? “Uhm, l-last year or a two, hindi ko na masyadong matandaan,” sagot na lang ni Yella sa kaniya. “Basta matagal na rin. Why did you a–” She was going to ask why Tala asked about her past relationship when Tala cut her off with another question. “Nanligaw ba siya sa iyo?” Naging dahilan pa ang sunod niyang tanong sa lalong pagsalubong ng mga kilay ni Yella. Mahina pa rin ang mga boses nila dahil maaari silang mapagalitan ng professor nila na nagsasalita sa harapan lang nila. “Not really…” nag-aalangan na naman niyang tugon. Sa totoo lang, para kay Yella ay hindi naman panliligaw ang ginawa ni Khrist. “What? Hindi ka ba niya niligawan?” tanong pa nito sa kaniya. Talagang interesado si Tala rito? Ito na yata ang pinakamahabang palitan nila ng salita. Ito na nga talaga. Hindi niya lang lubos na ma-imagine na si Khrist pa ang topic nilang dalawa. Tungkol naman sa niligawan part, hindi niya masasabi na niligawan nga siya talaga nito dahil sobrang bilis lang ng pangyayari, ang naalala niya na lang, nagising siya kinabukasan at pagkatapos ay may relasyon na sila. So fast, they relationship lasted for months actually. Khrist was nice, very nice but at the same time, he was a jerk. Tsk. “Wala lang,” sagot nito sa kaniya. Pagkatapos niyon ay natahimik na sila pareho. Nang matapos ang klase, as expected, nagmadali siyang bumalik sa library upang tapusin ang dapat na tapusin. Susubukan niya talagang tapusin ito. An hour later ay natapos na rin ang research papers. Inayos niya ito at inilagay sa brown envelope. Nagpaalam din siya sa librarian na iiwan niya na muna ang laptop niya rito at babalikan niya na lang once napasa niya na ang research niya. Bumalik siya sa kinauupuan niya upang isuot ang kaniyang backpack na naglalaman ng mga kakailangin niya sa ikalawang klase niya. Nagbabalak na siyang lumabas ng library ngunit halos tumalon ang puso niya nang biglang may nagsalita at nakuha ang atensyon niya. That voice! “Where are you going now?” tanong nito. Agad niya siyang nilingon buti na lang ay hindi siya napasigaw sa gulat. Anong ginagawa niya rito? He was holding a book about history. Yella didn’t know if he was reading it. Of course! He is! “’Huwag mo ‘kong gugulatin ng gano’n,” mahina ang boses na sabi ni Yella. “I didn’t. Again, saan ka na pupunta ngayon?” tanong ulit nito. Nanlalaki na talaga ngayon ang mga mata niya. Hindi rin siya makapaniwala. Ayaw niya mang isipin pero… sinusundan ba siya nito? “I-I’m… I-I’m going to my next class,” nauutal pa na sabi niya. “Okay.” Inilapag nito ang libro sa mesa pagkatapos ay tumayo. Nagsimula na siyang maglakad palabas ng library. Napanganga na lang siya. Talaga bang kailangan maging weird ngayong araw ang magkapatid? Kanina si Tala… and now? Si Jacinto? Hindi niya napigilan ang sarili niya. Sumunod siya kay Jacinto. “Jacinto!” tawag niya rito. Nilingon naman siya nito. Makaluma ang pangalan niya but he’s really fine with that name. “Have you been there the whole time? Why are you following me?” Yella asked him. “Same thoughts.” Iyon lang ang sinabi nito bago siya muling talikuran. Anong ‘same thoughts’? Balak niya pa sanas siyang tawagin at kausapin para malinawan pero hindi niya na nagawa dahil napansin niya sa suot niyang relo ang oras at kailangan niya nang ipasa ang research niya. Nag-iba na siya ng direksyon. BEFORE she leave her first class tinawag muli si Tala ng kaniyang professor. Napairap muna siya bago niya siya daluhan at lingunin sa harapan. “What again? Don’t tell me, it’s still all about Jacinto. You can’t order me just like that, especially… that’s not your own business.” Pinangunahan niya na ang kaniyang guro. Umismid lamang ang professor kay Tala. Ini-angat ng kaniyang professor ang isa sa mga envelope na nasa mesa nito. Pagkatapos ay iniabot ito sa kaniya. “I’m giving you two weeks to finish this.” “What’s this?” tanong ni Tala habang nakataas ang kaliwang kilay niya. “Sheets? I want you to research what is family, their importance and, so on.” Ngumiti sa kaniya ang kaniyang professor. Napangiwi na lang siya. “What?” “You’re going to make a research paper, Miss Clinton. Understood?” “Wait—” “Do what I have said, or I won’t give you a passing grade this semester once you didn’t pass this on time.” Her mouth dropped. Binabantaan siya nito. “I guess, this is unfair.” Itinuro niya pa ang envelope na hawak niya na. “Bakit ako lang ang may task na ganito? Bakit sila wala?” reklamo pa ni Tala. “I’m not being unfair. I’m giving you this task for you to learn. Good day, Miss Clinton,” sabi nito pagkatapos ay nilagpasan na siya nito. Nauna pang lumabas ang kaniyang professor sa kanilang room. Napanganga na lang talaga siya. Pinanood niya lang siya hanggang sa tuluyang makaalis. It’s possible na ang ama niya ang may pakana nito. Kinausap nito no’ng nakaraan ang professor niya para sabihin na maging nice siya kay Jacinto, na kaniyang kapatid. May posibilidad talaga na in-utos ‘to ng kaniyang ama sa professor niya. Lumabas na lang din siya ng silid na ‘yon at binalak na pumunta na lang sa cafeteria. Bumili lang siya ng pagkain niya pagkatapos ay naghanda na rin sa sunod niyang klase. “Tala!” Naglalakad na siya nang biglang may tumawag sa pangalan niya. Agad siyang napapadyak sa sobrang inis. Nabosesan niya ang tumawag at kahit na huwag na siya lumingon ay siguradong-sigurado siya kung sino ito. Ano na naman ba? Kailan ba siya titigil? Hindi niya na lang talaga nilingon. Dire-diretso lang ang paglalakad niya kahit na panay tawag pa rin siya sa kaniya. Sana naman talaga ay tumigil na ang lalaking ‘to! Pagod na siya kakaisip sa kaniya. Kung paano siya iiwasan, damn. Dahil sa kaniya ay nag-o-overthink siya. Siguro dahil pa rin talaga ito sa halik. “Tala, wait!” Khrist shouted. Binilisan kasi ang paglakad nito upang mahabol siya, ganoon din ang ginawa ni Tala ngunit mas mabilis ang ginawang paghakbang ni Khrist kaya naabutan siya nito. Humarang pa siya sa daraanan niya. Bakit ba ganito ang mga ‘to? Hindi maka-intindi ng salitang NO? “Tabi,” mariin na utos niya sa kaniya. “I won’t,” sagot naman ni Khrist. “Bakit hindi mo ‘ko nilapitan kagabi?” “Tulog ako kagabi,” sabi pa ni Tala. “No, nandoon ka sa race. Nakita kita,” may ngiti sa labi na sabi nito. Paano? Bigla niya naman naalala ang kapatid niya na kung makatingin sa kaniya kanina ay animo’y sinusuri siya hanggang sa kaluluwa niya. She’s one-hundred percent sure that Khrist didn’t saw her, and she’s zero percent sure that her brother did. Hindi kaya sinabi ni Jacinto kay Khrist? Kailan pa naging malapit sa isa’t isa ang dalawa? Hindi niya nga lubos na maintindihan kung bakit niya nakita ang dalawa na magkausap kagabi, casual lang. They used to be enemies. Bati na ba ang kapatid niya at si Khrist? She mentally shook her head. No, hindi maaari. Mas lalo siyang mahihirapan na patigilin at takasan si Khrist. She knew Jacinto, kapag ayaw niya, ayaw niya. He cares for her too much. Lagi pa rin siya nitong pinagtatanggol kahit ayaw niya. It’s not like she’s asking for help now, in this situation. She thinks that Jacinto would be her key to stop Khrist. Kasi hindi niya talaga siya mapigilan. Hindi naman ang kaniyang ama dahil halata naman na botong-boto siya kay Khrist. Si Jacinto na lang talaga… ngunit parang okay na ‘yon sa kaniya. Bakit ba siya umaasa ngayon kay Jacinto? Tangina, hindi niya na talaga maintindihan ang sarili niya. “What are you talking about?” maang-maangan na tanong ni Tala. “Wala ka bang klase ngayon?” Tala added. Napangisi naman si Khrist. “So it means may paki ka na sa akin?” Khrist asked. She raised her left eyebrow. “In your face, Khrist. I’m asking kasi kung meron may dahilan para umalis ka na sa harapan ko. Asshole!” “May itatanong pa ako sa iyo. It’s about what happened last night. You came,” nakangising sabi nito. “Hindi ko alam kung anong sinasabi mo.” “I saw you there, Tala. Huwag ka nang magmaang-maangan,” sabi nito na naging dahilan lang ng pag-irap ni Tala. “Saan ba ang tinutukoy mo? Sa karera niyo kagabi? ‘Di ba, sinabi ko nang hindi? Kapag sinabi kong hindi, hindi. Naiintindihan mo? Tell me, mahal mo ba talaga ako? Paano mo mamahalin ang isang tao na hindi mo naman lubos na kakilala?” sarkastikong sabi ni Tala. Hindi naman kaagad nakasagot si Khrist. Halatang nagulat lang siya sa tinuran ni Tala. “Hindi ka ba makasagot?” Tala couldn’t help but to sneered. “I love you, it’s enough,” mahina ang boses na sagot ni Khrist sa kaniya. “Do you even know that word, Khrist? The word, LOVE? Sigurado ka ba sa mga sinasabi mo? Isipin mong mabuti ‘to, Khrist. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo, you can’t have me,” sabi pa ni Tala. Nilagpasan niya na lang siya. “Hindi ko pinapahirapan ang sarili ko. You are worth it, you are worth waiting and I am willing to. Mahal kita, Tala, huwag mong kuwestiyunin iyon,” biglang sabi ni Khrist. Natigilan siya. Nilingon niyang muli si Khrist at naglalakad na siya ngayon papalayo sa kaniya. Kumunot ang noo niya. B-Bakit bigla na lamang siyang nakaramdam ng pagsisisi? Hindi niya na talaga maintindihan ang sarili niya dahil kay Khrist. Hindi siya dapat nakakaramdam ng ganito… Wala sa sariling napalunok siya at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa kaniyang huling klase ngayong araw. Habang naglalakad ay napapaisip siya ng mga bagay-bagay. Nalilito rin siya’t sobrang dami talaga ang pumapasok sa utak niya. Hindi niya nga alam kung bakit niya pa tinanong si Yella tungkol sa kanilang dalawa ni Khrist. She’s confused as f**k at isa lang naman ang may kasalanan nito. Walang iba kundi si Khrist Garcillano! Sana lang talaga ay na-offend niya na siya kanina para hindi na ulit magpakita sa kaniya. Para bumalik na ulit sa normal at katahimikan ang buhay niya. ‘Yong araw na walang pumapansin sa kaniya dahil sa kasamaan ng ugali niya. Tuwing dadaan siya sa corridor ay kusang nagbibigay ng daan ang ibang mga estudyante sa kaniya. She’s hoping for that. She doesn’t need Khrist in her life. Hindi pa man siya nakakarating sa building kung saan siya magtutungo para sa kaniyang huling klase ay hindi sinasadyang natanawan niya ang kaniyang kapatid na palabas ng library. Napataas ang kaliwang kilay niya at natigilan siya. Hindi naman niya siya kadalasang pinapansin kapag nakakasalubong o nakikita niya sa college campus. Ngayon lang talaga siya napatigil dahil napansin niya na kasunod nitong lumabas si Mariella, yes, Khrist’s ex-girlfriend. “Jacinto!” rinig niyang tawag nito. What’s up between the two of them? Pinanood niya lang sila hanggang sa parehong naglakad papalayo sa isa’t isa. Napakibit-balikat na lang siya’t nagpatuloy na sa paglalakad. It’s not her business anymore. Ang problema niya ngayon ay ang pinapagawa sa kaniya ng professor niya kanina! Idagdag pa si Khrist na hindi na naman mawala sa isipan niya! “ANG hirap niya talagang paamuin, tangina!” reklamo ni Khrist sa harap ng mga kaibigan niya. “Kaya mo ‘yan, huwag mong sukuan,” Allen said. “Mag-isip ka pa ng mabubulaklak na salita,” sabi naman ni Alvin. “Mukhang hindi naman gagana sa kan’ya,” saad ni Khrist at napailing-iling. “Ang tigas niya talaga.” “Iyong kuwintas ba, naibigay mo na?” tanong naman ni Allen. Hindi niya pa nga pala ito naibibigay sa kaniya. “Ayaw niya talagang tanggapin.” Napabuntong-hininga pa si Khrist. “Sukuan na ba ‘to?” “Puntahan mo siya ngayong gabi, iyakan mo siya.” Iyakan? Si Tala? Bakit niya naman ito iiyakan? “Hindi naman e-epekto iyon, we all know her,” sabi naman ni Allen. “Walang mangyayari kung hindi susubukan ni Khrist, once she said yes then you succeed the dare,” Alvin said. “Hindi ko naman kaya, hindi ko halos masikmura na sinasabihan ko siya na mahal ko siya! Which is hindi naman totoo, tapos iyakan ko pa siya? Begging for her love?” Hindi makapaniwalang tanong ni Khrist. No. Hindi niya kayang gawin. He’s out of this. “Isipin mo na lang na siya si Mariella,” Allen suggested. Hindi niya naiwasan na makaramdam ng inis. Pinigilan niya lamang ang sarili niya na huwag suntukin ang kaibigan niya. “She’s. Not. Mariella,” he sternly said. “You know, guys? I’m out. Tama si Allen, sukuan na ito. Call me loser or takot sa magkapatid. I don’t care, I’m tired and sick of this dare!” sabi nito at iniwan niya na ang mga kaibigan niya. Sumakay siya sa kotse niya pauwi. Yes, Khrist, you just made the right decision, sabi niya sa kaniyang sarili. Napabuntonghininga na lamang siya, hindi niya alam kung paano sasabihin kay Jacinto at kay Mr. Emilio Clinton ang tungkol dito. Siguro tuluyan nang magiging masaya si Tala. Dapat talaga sa una pa lang ay hindi na siya pumayag sa hamon na ito. Damn.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD