RESEARCH about family? Really? Sobra-sobra naman ang naramdaman niyang pagka-inis sa professor nila. Ang unfair niya talaga. Bakit siya lang ang pinagawa ng ganitong research? She guesses, she needs to talk to her Dad about this. She crumpled the paper up and threw it in the trash can. Sa papel na iyon ay isinulat niya ang topic ng research na pinapagawa sa kaniya. Nag-iisip siya kung gagawin niya pa ba ito o hindi. Kapag hindi niya ito ginawa, malamang sa malamang ay ibabagsak talaga siya ng professor niya.
Hindi na naman ma-ipinta ang kaniyang mukha. Ano pa ba ang bago? That’s the usual Tala. Palaging nakasimangot at salubong na salubong ang kilay. Lumabas na siya ng kaniyang silid at agad na nagtungo sa kuwarto ng kaniyang ama. Gabi na ngunit sigurado naman siyang gising pa ang ama, alam niya rin na nasa bahay na siya. Naka-uwi siya isang ang oras na ang nakakalipas.
Hindi niya na kailangang kumatok sapagkat nakabukas naman na ang pinto ng kuwarto nito. Kita niya sa labas ng kuwarto ang kaniyang ama, sa may lamesa at nasa harap ng laptop nito. Matutulog na lang ay trabaho pa rin ang ginagawa nito. Alam niya na noong mawala ang kaniyang ina ay wala nang ibang ginawa ang Dad kung hindi ang magtrabaho nang magtrabaho.
“Hi, Dad,” tawag niya sa pansin nito. Agad itong nag-angat ng tingin sa kaniya at saka ngumiti.
“Come in,” her Dad said, and she did.
“Did you talk to Mr. Sanchez?” diretsong tanong ni Tala sa kaniyang ama. No’ng una ya hindi niya naman ito kinumpronta. Ngayon lang dahil may pinapagawa ang nasabing professor sa kaniya.
Pagkasabi niya niyon ay agad na ibinalik ng kaniyang ama ang atensyon sa laptop nito. Hindi ito sumagot. “Sana naman, Dad. Huwag mo na ulit siyang kakausapin tungkol sa mga personal matters. Sana lang, ha. Hindi na ako bata, Dad. Ayaw ko na ho ng gano’n.”
Pagkasabi niya niyon ay tinalikuran niya na ang kaniyang ama. Natigilan lang si Tala nang kaunti nang magsalita si Dad.
It was almost whispered pero narinig niya pa rin. “I love you, Tala. Your Mom loves you, Jacinto loves you and now, Khrist is now in love with you. Bakit hindi mo tanggapin ang pagmamahal namin?”
Nilingon siya ni Tala. “If you love me, you won’t give your support to Garcillano. I don’t like him in the first place,” sabi ni Tala. Pero parang hindi sigurado. “You don’t value this family, Dad. Alam mo ‘yan,” dugtong ni Tala at sinamaan lamang ng tingin ang kaniyang ama.
Napatayo ang kaniyang ama pagkatapos ay hinarap siya nang diretso. “K-Kailan mo ba ako mapapatawad?” Naluluha na ang kausap niya.
Napailing-iling na lang si Tala. She should leave.
“I miss you, Tala,” dugtong ng kaniyang ama. Umiling lamang siyang muli pagkatapos ay tumakbo pabalik sa kuwarto niya. Iniwan niya na siya roon. Wala pa siyang balak na patawarin ito. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin matanggap ang nangyari noon. And she don’t want what he said! It’s dramatic and won’t help her f*****g problem.
Ang kaniyang ama ang naging dahilan ng pagkamatay ng kan’yang ina. Pinigilan niya lang na huwag umiyak habang inaalala ang lahat ng nangyari noon. Kahit na inutusan niya na ang sarili niyang huwag nang pakaisipan ay hindi niya pa rin talaga maging emosyonal. She hates it!
Oo, galit siya. Galit na galit, malinaw sa kaniya ang lahat ng nangyari. Napatalukbong na lang siya ng kumot sa kama niya at saka napabuntong hininga.
Pinigilan niya lamang talaga ang mga luha niya na kumawala sa mata niya. She misses her Mom so much, buhay pa sana siya ngayon kung hindi dahil sa ginawa ng kaniyang ama.
Nandito pa sana ang ina niya para manood ng kaniyang pagtatapos sa kolehiyo. Nandito pa sana siya at mayayakap niya nang buong-buo. Napatingin siya sa litrato ng kaniyang ina sa may bedside table niya. Hinalikan niya na muna ito bago pinilit ang sarili na matulog.
Ilang minuto na nag lumipas ay hindi niya niya napillit ang sarili niya na matulog hanggang sa biglang bumukas ang pinto ng kuwarto niya’t nakarinig siya ng mga yabag na papalapit. Hindi niya maiwasan na mainis. Sino itong bigla-bigla na lamang pumapasok sa kuwarto niya?
May mga pangalan na pumapasok sa isip niya, It’s either Jacinto, her Dad or Khrist?
What the hell?! Bakit nakasali si Khrist? Maaaring alam niya na baka makapasok ulit ito sa bahay nila? Pero… gabi na! O siguro dahil nasa isip niya pa rin siya hanggang ngayon? Hindi niya matukoy kung guilt o pagkatuwa ba ang nararamdaman niya. Sabi ng isang parte ng utak niya’y dapat na na-offend si Khrist ngunit sabi naman ng isa pang parte ay mali ang ginawa niya.
Maling-mali. Maaaring nasaktan niya ang binata… eh, ano naman? Buti nga sa kaniya nang tumahimik na siya. Hindi na talaga maintindihan ni Tala ang kaniyang sarili nang lubos.
Naalala niya bigla nag eksaktong sinabi ni Khrist sa kaniya kanina bago siya nito talikuran. Paano nga ba kung nagsasabi talaga ito ng totoo? Na mahal siya ni Khrist? Who cares?
DAPAT WALA SIYANG PAKIALAM SA LALAKING IYON!
Dapat…
“Tala,” tawag sa kaniya ng taong bigla na lamang pumasok sa kuwarto niya.
Lihim siyang napalunok. Naramdaman niyang lumundo ang gilid ng kama niya kaya ini-imagine niya na naka-upo ang lalaking iyon sa gilid ng kama.
“Remember the time when we were kids? We used to play a lot with Lirah. Hindi mo ba nami-miss si Lirah? Kasi, ako, oo. Naalala mo rin ba ‘yong umuwi tayong tatlo na madudungis? Napagalitan tayo ni Mommy’t Daddy at napagalitan din si Lirah ng mga magulang niya. Pero sulit iyon, hindi tayo nagsisi na naglaro tayo sa putikan malapit sa bahay nila Lola. Iyong mga ngiti mo no’n, Tala… nami-miss ko. We misses that.”
Narinig pa ni Tala na napasinghot ang kaniyang kapatid na parang umiiyak na. Nanatili siyang nakapikit at nagpanggap na tulog. Ayaw niyang mahuli siya ng kapatid niya na gising at nakikinig sa kaniya.
Yes, it’s Jacinto, hindi si Khrist o ang kaniyang ama ang pumasok ngayon sa kuwarto niya… kundi ang kaniyang kapatid. Nabosesan niya rin siya kaagad.
“Sa totoo lang, hindi lang si Lirah o si Mommy ang umalis. Pati rin ikaw, si Lirah, pabalik na. Ikaw kailan ka babalik?”
Kapag bumalik na rin si Mommy…
“Hindi ko alam kung kailan mo kami mapapatawad. Pero hindi ako magsasawa sa iyo, Tala. You’re still my baby sister…” umiiyak na sabi ng kaniyang kapatid. Narinig niya na ang paghagulhol nito. She refused to furrow.
Pagkatapos niyon ay umalis na ang kaniyang kapatid. Nang marinig niyang sumara ang pinto ay agad na nagmulat ang mga mata niya…
Maraming bagay ang pumapasok sa kaniyang isipan, isa lang ang alam niya. Hindi na siya babalik sa dating Tala. Ito na siya.
Napatingin na lang siyang muli sa larawan ng kaniyang ina na nasa may bedside table. “I love you, Mom,” bulong niya na lang ulit.
NAGTAMA ang mga mata nila ni Jacinto paglabas niya ng kanilang bahay. Nasa tapat ito ng kotse niya. “Ihahatid na kita.”
Umirap lang siya. Wala pa rin ba ang driver nila?
“No need, I guess, we should hire a new driver,” Tala said and then she shrugged. Humakbang naman papalapit sa kaniya si Jacinto.
“What if turuan na lang kitang mag-drive?” He smiled.
Bigla niyang naalala ang mga tinuran nito kagabi ngunit dapat niyang alisin sa isipan iyon. Kahit anong mangyari ay hindi na ma-ibabalik ang dati.
Agad na umiling si Tala. “No,” sagot nito sa kaniya at tinalikuran siya. Sakto at may dadaan na taxi kaya agad niya itong sinenyasan na sasakay siya.
“Bakit ba ayaw mong matuto magmaneho? Takot ka ba?” Jacinto asked.
Takot your face…
“Come on, you’re with me, anong kinakatakot mo?” tanong pa ni Jacinto.
“I said, no.” Napakibit-balikat naman ang kaniyang kapatid.
Sinamaan niya pa ito ng tingin pagkatapos ay mabilis siyang sumakay sa taxi ng tumigil ito sa harapan niya. She’s glad na hindi siya pinigilan ni Jacinto, subukan niya lang.
Nakarating naman kaagad siya sa college campus, as usual late na naman siya’t sanay na ang mga ka-blockmates niya… pati na rin ang professor niya na palagi siyang huli sa klase.
Napatingin siya kay Mariella na naka-upo malapit lang sa kaniya. Pumasok na naman sa utak niya ang kaisipan na baka mahal nga talaga siya ni Khrist. Pinipigilan niya ang sarili niya na huwag nang magtanong ulit kay Mariella tungkol sa naging relasyon nila ni Khrist. Pero hindi niya napigilan ang sarili niya…
“CAN I join you?”
Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Mariella Juliana Quirino nang marinig niya ang pamilyar na boses na iyon.
It was Tala…
Naguguluhan siya ngunit tumango-tango na lang siya. “Yeah, sure.”
Hindi niya inaasahan at hindi siya makapaniwala. Tumabi lang ba talaga sa kaniya ang dakilang Tala Maria? Hindi niya talaga naiintindihan ang mga nangyayari ngayon. Lagi niya nang napapansin ang magkapatid na Clinton.
“May itatanong lang sana ulit ako, I’m just wondering kung paano kayo naghiwalay ni Khrist”– Tala looked straightly to Yella’s eyes– “I mean, kung bakit kayo naghiwalay?”
Hindi niya talaga maiwasan na mapakunot ng noo. Bakit ba siya interesadong-interesado sa naging relasyon niya kay Khrist?
Actually, she doesn’t want to answer her questions pero naisip niya na minsan lang naman siya lumapit sa kaniya. Himala nga’t nagsisimula na itong makipag-usap sa kaniya. Malamang, kailangan nito ng sagot sa mag tanong niya. Halata naman na pilit ang pagtatanong niya, but she’s trying… pero, bakit niya nga tinatanong? Ano maaaring dahilan?
Bigla naman niyang naalala na nakita niya si Khrist na pasan-pasan si Tala no’ng nakaraan. She made a mental note na itanong din ito kay Tala, kung sasagutin niya ‘yon, edi, okay.
She decided to answer Tala’s questions, kahit na may posibilidad na maramdaman niya na naman ang kirot. “We’ve been together for months. I know that he loved me, and I loved him too. Masaya kami to the point na akala ko siya na ang taong papakasalan ko. But I was wrong. If you’ll asking kung bakit kami naghiwalay, it’s because, he cheated on me.”
Nakita ni Yella na napakunot ang noo ni Tala. “Really?”
“Yes, pero sabi nila, nagbago na raw si Khrist. Sabi sa akin ni Khrist no’n, hindi niya sinasadya. Lasing lang siya,” sabi pa ni Yella,
Pinigilan niya lamang ang sarili niya na maiyak. Hindi n’ya naman puwedeng ipakita na affected pa siya.
Kumirot na naman ang dibidib niya nang maalala ang pangyayaring ‘yon. “Pero, alam mo, hindi ako naniwala. Kasi kung mahal niya talaga ako, kahit may mga babaeng maghubad sa harapan niya. Hindi niya iyon hahawakan, kasi iisipin niya ako, kasi mahal niya nga ako, ‘di ba?” Yella faked a laugh.
Napayuko pa siya at sunod-sunod ang kaniyang pagkain. Natahimik si Tala, natahimik sila ng ilang minuto. Pareho silang nag-focus sa kaniya-kaniya nilang pagkain. Ayaw niyang umiyak sa harapan ni Tala kaya ginawa niya talaga ang lahat para mapigilan ang pag-iyak.
Ang lahat ng sinabi niya kay Tala ay totoo. Akala niya si Khrist na ang forever niya. Nagtiwala siya rito na hindi siya sasaktan. Nagtiwala siya kay Khrist at pinagsisihan niya talaga ang bagay na iyon. Tuwing nau-ungkat ang tungkol doon ay hindi niya maiwasang masaktan pa rin hanggang ngayon.
Khrist cheated on her, hindi niya na siya binigyan ikalawang pagkakataon dahil alam niya na may posibilidad na ulitin na naman ni Khrist at masasaktan na naman siya nang sobra. Iniiwasan niya iyon. Kaya kahit gaano kasakit, binitawan niya si Khrist. Marami siyang sinakripisyo no’ng sila pa, pero binalewala lang iyon ni Khrist.
Napabuntonghininga si Yella, “Eherm, bakit mo nga pala na-itanong?” Nag-angat siya muli ng tingin kay Tala. Blangko lang ang ekspresyon ni Tala habang nakatingin sa kaniya kaya hindi niya man lang Mabasa ang tunay na reaksyon nito.
“I don’t think, this is still your business, and also, I don’t think if you need to hear this but I’ll say it to you either,” mahina ang boses na sabi ni Tala. Ngayon lang napansin ni Yella na walang halong pagka-sarkastiko ang lumabas sa bibig ni Tala katulad ng nakagawian. Now, naramdaman niya na parang ibang Tala ang kausap niya. Siguro dahil gulat pa rin siya na kakausapin siya ni Tala?
“It’s alright,” sagot na lang ni Yella.
“Khrist wanted to court me. He told me that he loves me, what do you think?” Hindi maiwasan ni Yell ana mapanganga sa sinabi ni Tala.
Khrist is in love with Tala?
“T-Talaga?” She was speechless.
“Yes. Ilang araw na rin siguro,” sabi pa ni Tala at umiwas siya ng tingin sa kaniya. “Sa tingin mo ba… nagsasabi kaya siya ng totoo?”
Napaisip naman siya sa tinanong ni Tala. Nagulat na nga siya na kinausap na naman siya ni Tala. Ngunit mas lalo siyang nagulat sa sinabi nito. Tama lang ba talaga ang dinig niya? MAHAL NI KHRIST SI TALA?
Hindi niya maintindihan pero nakaramdam siya ng kirot sa dibdib niya. Maybe, may sagot na siya kung mahal niya pa ba si Khrist o hindi, siguro’y mahal niya pa siya kasi nasaktan siya sa nalaman niya.
“You know,” panimula ni Yella. “Hindi ko alam, hindi ako sigurado kung nagsasabi ba si Khrist ng totoo sa iyo. Pero hindi naman si Khrist iyong tipo ng tao na magsasabi ng ‘I love you’ sa kung sino-sino, ayan ang pagkakakilala ko sa kaniya,” pagsasabi niya ng totoo.
Kung talaga ngang mahal ni Khrist si Tala, wala naman siyang dahilan para tumutol… kahit pa…. mahal niya pa ito. Biglang pumasok sa isip niya na kausapin ang dalawang kaibigan ni Khrist bago siya umuwi mamaya.
Nakita niyang napatango-tango si Tala.
“Okay,” biglang malamig na tugon ni Tala. “I’m done, I gotta go.” Tumayo na siya.
Hindi na siya nito tinapunan ng tingin. Dire-diretso lang si Tala na naglakad papalayo sa kaniya dala ang tray na pinaglagyan nito ng sariling pagkain.
Napabuga na lang siya nang malakas na hangin. Medyo disappointed lang si Yella, medyo lang… hindi naman disappointed na disappointed. In-expect niya kasi na magpapasalamat sa kaniya si Tala bago man lang umalis. Tsk!
Pagkatapos ng kaniyang klase ay agad niyang hinanap ang mga kaibigan ni Khrist. Gusto niya lang talagang malaman kung ano ang nangyayari. Buti na lang nakita niya ang isa sa mga kaibigan ni Khrist. Si Allen.
“Allen!” tawag niya rito. Agad namang nilingon si Tala.
“Oh, Mariella. Bakit?” nag-aalangan pang bati nito sa kaniya. Halata ang gulat sa mga mata nito.
“Nakita mo si Khrist?” tanong nito rito kahit na hindi naman talaga si Khrist ang pakay niya.
“H-hindi… bakit?” Napansin niyang nabigla si Allen.
“May itatanong lang sana ako, eh, pero tutal… nandiyan ka naman na, ikaw na lang tatanungin ko. Mahal pa ba ‘ko ni Khrist?” Nanlaki ang mga mata ni Allen sa kaniyang tanong.
“Uhm, Yella, sa totoo lang, hindi k-ko alam… bakit mo naman natanong?”
Napatango-tango naman si Yella kay Allen.
“Nakarating lang kasi sa akin iyong chismis na mahal daw ni Khrist si Tala at nililigawan niya pa siya. Totoo ba iyon?” tanong niya at pinanliitan niya pa ng mga mata si Allen.
“Ah, h-hindi k-ko alam, eh, w-wala namang nababanggit si Khrist sa amin.” Tinitigan niya lang siya. Pakiramdam niya ay nagsisinungaling lang si Allen sa kaniya.
“Iyong totoo?”
“That’s the truth.”
“Lagi kayong magkasama, Allen.”
“Eh, hindi naman palagi, eh, hindi ko nga siya kasama ngayon at hindi ko alam kung nasaan.” Napangiwi si Yella sa ka-pilosopohan ni Allen. “Siya na lang ang kausapin mo, mauna na ako,” sambit pa ni Allen bago siya nito talikuran. Napailing-iling na lang siya’t nagpasya nang umuwi.