NAIINIS siya sa dalawa niyang kaibigan pero napabuntonghininga na lang din siya. They’ve been friends since they were young. Siguro ay dapat niya na lang palagpasin ang nangyari kahapon. Pero buo na ang desisyon niya na susukuan niya na si Tala. Kailangan niya na lang mag-isip ng excuses kay Mr. Clinton at Jacinto. Bakit niya pa kailangang mag-isip kung puwede naman siyang umiwas?
Hindi niya alam kung ano ang sunod na mangyayari. Hindi niya itatanggi na nakaramdam siya ng kaba. Nagsinungaling siya’t nangako sa kanila na ngayon pa lang ay hindi matutupad. Maling-mali ang galaw na ginawa niya. Alam niya naman na hindi matutupad ngunit—damn.
He’s doomed now, he’s sure na hindi lang ito madadaan sa simpleng paghingi ng tawad.
This is his fault. Bakit ba kasi naka-chamba pa si Jacinto sa laban nila? Doon nagsimula ang lahat, kung saan natalo siya ng kapatid ni Tala kaya ang mga loko-loko niyang kaibigan ay tinulak siya upang gawin ito. Ngayon, sa totoo lang ay hindi niya na alam kung ano ang dapat niyang gawin.
“Hoy!” Tinapik ni Alvin ang balikat ni Allen. Kanina pa kasi nila napapansin ang kaibigan na tahimik lang at nakatulala pa. Napailing-iling na lang din si Khrist. Nandito sila sa pinakamalapit na bar kung saan sila madalas na tumambay. Parang hindi sila nagkainitan kahapon, balik normal na sila.
Hindi niya lang talaga nagustuhan ang pagbanggit ng mga ito kay Yella. Magkaibang-magkaiba si Tala at Yella.
“Bakit?” inosente pang tanong ni Allen sa kanilang dalawa.
"Anong problema?"
“Wala naman.” Napatikhim pa si Allen.
“Babae ba?” sumingit sa kanilang dalawa si Khrist. Bigla naman siyang ngumisi sa kaniya. Halatang may ibig sabihin.
“What if sabihin ko na oo?” diretsong tanong nito.
“Edi congrats, dude,” halos magkasabay pa na sambit ni Alvin at Khrist.
“After so many years, magkaka-girlfriend ka na,” kantyaw pa nila kay Allen.
Allen just shook his head while he was laughing.
“Sino iyan, p’re?” tanong ni Alvin.
“Babaeng iniisip ko ngayon?” may pang-aasar na tanong ni Allen kay Alvin pero nakatingin siya ng diretso kay Khrist. Napataas na lang ng kaniyang kaliwang kilay si Khrist. What’s up?
“Yes. Para kang tanga sa totoo lang,” natatawa pang sabi ni Khrist.
“It’s Yella,” sabi ni Allen. Agad na natigilan ang dalawa lalo na si Khrist. Natigil ang pagtawa ni Khrist at napalitan ‘yon ng pagtiim ng kaniyang bagang. “Uunahan ko na kayo, I don’t like her, okay? Ang kay Khrist ay kay Khrist… it was just like…” Allen sighed.
Napakunot naman ang noo nilang dalawa ni Alvin.
“Just like, what?”
“Lumapit siya sa akin kanina, hinahanap ka niya.”
Sa sinabing iyon ni Allen ay parang nabuhayan ng dugo si Khrist. Tama lang ba ang dinig niya? Hinahanap siya ni Yella? But why Allen looks bothered? Wala nga ba talagang gusto rito ang kaibigan?
“And then?” tanong pa ni Khrist.
“And then, she told me that she heard the news,” sabi ni Allen at napakibit-balikat pa siya. Naguguluhan si Khrist. Anong news ang sinasabi nito? “Did you tell everybody that you’re in love with Tala? That you’re courting her?”
Tinitigan niya lang muna si Allen habang dina-digest niya sa utak niya ang mga sinabi nito.
Napamura na lang siya nang ma-realized niya kung ano ang gustong iparating sa kaniya ni Allen.
Tangina?!
Nalaman ni Yella ang tungkol doon? Wala naman ibang nakakakaalam ng tungkol doon maliban sa mga kaibigan niya at sa pamilyang Clinton.
Hindi kaya… pinagkalat ni Jacinto? Damn.
Pero… hindi niya naman ma-imagine na ipagkakalat ni Jacinto ang tungkol doon. Lalo na si Tala, paano niya naman ipagkakalat iyon, eh, aware si Khrist na wala naman siyang halos kaibigan? No, wala talaga siyang kaibigan dahil sa ugali niya. Paano nakarating kay Mariella iyon? Paano niya nalaman?
Tama nga talaga ang sabi-sabi, may pakpak ang chismis. Hindi na dapat ako nagtaka and he should’ve expected this since he’s seeing Tala in the same campus with Yella.
“Anong r-reaksyon niya? Tangina, hindi dapat nakarating sa kaniya iyon!” Khrist almost yelled in annoyance. Iniiwasan niya talaga itong makarating kay Mariella dahil maaaring gumulo lang ang lahat.
Khrist wants Mariella back to him. He loves her, dahil sa issue na ito ay baka lumabo na lalo iyon. Napamura na lamang siya ulit. This isn’t good. Naging kampante kasi siya dahil wala namang dahilan si Jacinto o Tala na kausapin si Mariella. Hindi naman sila gano’n, unless… siya talaga mismo ang nakatuklas no’n.
Hindi maganda ito, he needs to talk to Yella and make things clear. Gusto niya lang na magpaliwanag sa kaniya. Noon pa man ay gusto niya na siyang bumalik sa kaniya. Mahal na mahal niya pa rin si Yella at gagawin niya talaga ang lahat para lang na maging sila ulit. What he did before is a big mistake and he wants to make it right with Yella again. He’s still hoping for a second chance, masama ba?
“I don’t know. Yella was just acting normal. Iyong normal lang na mukha na ekspresyon ni Yella. I mean, no’ng wala pang Khrist na dumarating para guluhin ang buhay niya,” pagbibiro pa ni Allen sa kaniya. Sinamaan niya lang siya ng tingin.
“You’re not funny,” saway niya rito.
“So inamin mo na rin talaga ngayon na mahal mo pa siya? Akala ko ba naka-move on ka na?” Alvin asked. Hindi naman siya kaagad nakasagot. “Look, Khrist. Hindi mo ba napapansin? Fully moved-on na si Yella parang ikaw na lang ang hindi,” dugtong pa nito. He just shook his head.
“Oo, aaminin ko na, I still love her. Dapat talaga hindi na nangyari ito! Damn!” Napatayo na siya sa kinauupuan niya.
“Kasalanan mo, nagpatalo ka, eh.”
“The question here is, paano nalaman ni Yella?” pagtatanong pa ni Alvin na siya ring pinagtataka ni Khrist.
“Si Jacinto, Tala, Mr. Emilio Clinton lang ang nakakaalam,” sabi pa niya.
“Hmm… ‘di ba, kinuwento mo sa amin na kinarga mo si Tala papalabas ng campus?”
Tumango-tango naman si Khrist. “Yes.”
“Malaki ang posibilidad na may nakakita sa inyo at sila na ang nagbigay ng mga meaning no’n. Alam mo na, mas marami ang chismosa,” sabi pa ni Alvin.
“He has a point,” Allen said. “Bakit mo naman kasi kinarga?”
Khrist made a ‘tsk’ sound. “Napakatigas ng ulo, eh,” sabi niya pa.
“So, what are you planning to do now?” Alvin asked Khrist. Napabuntong-hininga na lang ulit si Khrist. Ano nga ba ang dapat niyang gawin? Malamang! Dapat niya siyang kausapin. Tutal, sabi naman ni Allen ay hinahanap siya nito kanina para kausapin, eh, di siya na ang mismong lalapit dito.
"I’ll talk to her tomorrow,” he said with confidence.
“Good luck na lang.”
YELLA smiled. Nandito siya ngayon sa may bubong ng kanilang bahay. Safe naman dito tambayan at madalas din siya… sila rito ni Khrist. Noon.
Malalim na ang gabi at pinagmamasdan niya ang mga bituin sa kalangitan. Hindi niya talaga in-alis ang ngiti sa mga labi niya upang hindi magbago ang kan’yang mood. Puro magagandang memories na lamang ang kasalukuyan niyang iniisip.
Magandang memories sa spot na ‘to kasama si Khrist. Dito sila madalas magpalipas ng oras, nagku-kuwentuhan palagi. Hindi rin mawawala ang mga tawanan nila. Legal naman talaga ang relasyon nila ni Khrist sa mga magulang nila. Gustong-gusto nila si Khrist.
Napapaisip din siya ng mga bagay-bagay. Paano kung hindi nagloko si Khrist? Malamang ay sila pa rin hanggang ngayon. Ngunit hindi niya naman kasi hawak ang puso’t isipan ng dating nobyo. Hindi niya ‘to puwedeng diktahan lalo pa’t may bago na pala siyang iniibig. Nakakagulat ngunit unti-unti niya nang tinatanggap. She has no choice but to do it.
Nakangiti pa rin siya habang nakatingala sa mga bituin. Naalala niya ang sinabi pa noon ni Khrist.
“Ang gaganda ng mga bituin. You look like them, ang gandang tingnan. Hindi ako magsasawang mahalin ka, Yella.”
Ngunit nagsawa pa rin siya. Ngayon ay literal na bituin ang kaniyang iniibig. Tala sa kalangitan na mas maningning pa kay Yella. Kulang na kulang ang gandang kaya niyang ibigay.
She chuckled. Kasabay niyon ang pagpatak ng kaniyang mga luha. Agad niya ‘tong inagapan lalo pa’t may bigla na lamang tumabi sa kaniya.
Yella’s mother. “Inaalala mo ba siya?”
Yella shook her head. “Hindi naman, Ma.”
“Matagal ko nang sinasabi sa inyo na hindi kayo makakapagsinungaling sa akin.”
Yella didn’t know what to respond so she remained quiet. Iniwas niya rin ang tingin niya sa kaniyang ina.
“Okay lang naman na alalahanin mo siya, anak. Wala naman akong nakikitang masama roon. Ayos lang din na iyakan mo siya kahit na ilang taon na ang nakakalipas. Puwedeng-puwede, Mariella. Kung hindi ka pa totally moved on, ano naman ang problema? Hindi naman dapat minamadali. Magiging okay ka rin.”
Natahimik sila ng ilang minuto. Si Yella naman ay parang sasabog na ang dibdib. Matagal na rin simula nang iyakan niya ang bagay na ‘to. Ang bigat at ang sakit pa rin ng nakaraang ‘yon. Yella covered her face then she began sobbing. Naramdaman niya lang ang kamay ng Mama niya na hinahaplos ang likod nito habang patuloy siyang humahagulhol at sinasabing okay lang kasi ayos naman talaga.
“YOU can really come here. Officially and finally. In-ayos na ng Mommy mo ang mga papeles na kakailangan mo. See you here, my daughter.”
Sampung araw na lamang ang hihintayin ni Lirah upang tuluyan na siyang maka-uwi ng Pilipinas. Magtatagal siya ro’n—siguro, kung papayag ang mga magulang niya pero ang liit ng posibilidad. Ang usapan lang kasi nila ay BAKASYON. She frowned.
“See you soon, Dad. I love you.”
Natapos na rin ang tawag nila pagkatapos. Si Lirah ay parang kinikilig lang sa magandang balitang iyon. Natutuwa talaga siya. Sana naman ay bumilis pa ang oras—ngunit hiling niya’y magkaroon siya nang sapat na bonding sa dalawa niyang pinsan.
She’s hoping too na bumawas na ang kamalditahan ni Tala. Nami-miss niya na rin talaga ang dating Tala.
Niyakap niya ang sarili niya. Inilapag niya ang telepono sa may bedside table at saka napahiga siya sa kama niya. She’s now looking at the ceiling while she’s hugging herself. May malawak din na ngiti ang nasa labi niya’t hindi na yata matatanggal doon.
Sobrang saya niya lang.
“Bituin…”
Agad siyang nagmulat ng mga mata at napabangon dahil sa boses na kaniyang narinig. Ano ‘yon? Saan nanggaling iyon? Inilibot niya ang kan’yang paningin ngunit ‘ni anino ay wala siyang nakita. Napakurap-kurap pa siya ng ilang beses. Siguro’y guni-guni niya lamang ‘yon.
Tagalog ng salitang star ang narinig ni Lirah. Si Tala naman tuloy ang unang pumasok sa utak niya. Napabuntonghininga na lamang si Lirah saka siya bumalik sa pagkakahiga at kinalimutan ang boses na kan’yang narinig. Nakatulog siya na sana ay hindi niya na lang ginawa.
Nagkaroon siya nang napakalinaw na panaginip.
“HUWAG mo nang asahang kakausapin pa kita,” the woman said. Kinilatis niya ang paligid. May malaking puno ng acacia at parang nasa matarik silang lugar.
Sa tingin niya’y nakatayo ang babae malapit sa bangin.
Napansin kaagad ni Lirah ang uri ng kasuotan nito. Isang tradisyunal na kasuotan sa Pilipinas no’ng panahon. Ang babae ay may suot ng camisa at kung tama pa ang pagkakaalala niya ay pañuelo ang tawag sa triangular shaped cloth that was placed over the woman’s shoulder. Mahaba rin ang suot nitong saya.
Hindi siya mainit tingnan lalo pa’t sa kinatatayuan niya’y ramdam niya ang klima sa lugar na ‘to. Sikat na sikat ang araw ngunit hindi mainit sa balat. Hindi niya nga maramdaman ang init. Ang simoy lang ng preskong hangin ang nararamdaman ni Lirah.
Suddenly, a man came wearing balloon pants and a barong. Lirah could see what the man’s reaction was. He looked upset. When she looked back at the woman, she suddenly heard her sobs.
“Stefania…”
Iyon lang ang huli niyang narinig mula sa lalaki. Naglakad na siya papalapit sa babae upang yakapin niya. Luhaan na ang babae at hindi talaga siya tumitigil sa pag-iiyak. May mga sinasabi siya ngunit hindi na iyon naririnig ni Lirah. Nagpasya siyang lapitan sila ngunit nagtaka siya nang hindi niya maigalaw ang mga binti niya.
Yumuko siya sa lupa upang makita ang kondisyon nito. Nanlaki lamang ang kaniyang mga mata sa kaniyang pagyuko. Nakita niya ang kaniyang sarili roon. Isang salamin—no! It’s her reflection from the water!
Lirah can now feel the coldness of the water on her feet. Sa repleksyon niya lang siya nakatitig at parang nakalimutan niya na ang babae’t lalaki na halatang problemado.
Nagtaka siya nang sobra lalo na nang biglang mag-iba ang galaw niya sa repleksyon niya sa tubig. Bigla siyang ngumiti nang matamis at inilalahad niya na ang kamay niya kay Lirah. Lumunok nang matindi si Lirah. Hindi niya naman alam kung dapat ba siyang sumama. Lalo na nang lumabas ang kamay nito sa tubig. Mula sa repleksyon. Inaabot si Lirah.
Nagdadalawang isip man siya’y hinawakan niya pa rin ang nakalahad nitong mga kamay saka siya nagpahila sa babaeng kamukhang-kamukha niya.
DOON natapos ang kaniyang panaginip. Napanganga pa siya’t inisip kung para saan ang panaginip na ‘yon. Kung bakit niya naman ‘yon napaniginipan. Ngunit sinabi niya na lang sa sarili na malamang ay random dreams lang ‘yon at walang ibig sabihin.
Kung totoong nangyari nga iyon ay hindi naman siya tanga para sumama sa babaeng ‘yon—na kamukha niya. Kinilabutan na tuloy siya. Imagine! She’s looking at the mirror then your reflection suddenly smiled even though you’re not smiling, it’s really creepy for Lirah… and for everyone, she guesses.
Inalis niya na lang sa kaniyang isipan ang panaginip na ‘yon.
Hindi na siya bumalik sa pagkakatulog. Lumabas na siya ng kuwarto niya. Also, she’s hungry so she decided to eat.
While she’s eating, she suddenly imagined Kimto’s smile. Nainis naman siya dahil do’n. Sa pag-uwi niya ay gusto niya talagang ipakita kay Kimto na siya’y fully moved on na sa naging relasyon niya no’n. Wala na siyang pakialam.
Lirah repeated those four words in her mind. That needs to happen. Ayaw niya naman nang pag-aksayahan pa ng oras ang lalaking ‘yon. Kimto doesn’t deserve her time. She snorted.
TALA was pissed again. Mas malala. Sa sarili niya siya mas naiinis dahil sa mga pumapasok sa utak niya ngayon. Bakit niya naman bibigyan ng pagkakataon si Khrist?
Iw!
Kanina pa siya naglalakad… pabalik-balik sa kaniyang kuwarto at panay isip nang magandang gawin ngayon. Kahapon pa ‘yon bumabagabag sa kaniyang isipan. Hindi mawala hanggang sa kan’yang pagtulog. Wala rin siyang pakialam kung ex-girlfriend ni Mariella si Khrist—ang mahalaga ay hindi naman na nila mahal ang isa’t isa.
Napakagat-labi siya.
Ano ba talaga ang nangyayari sa kaniya? This should not be happening!
Padabog siyang naglakad palabas ng kuwarto niya. Pumunta siya sa sala at natigilan pa siya nang makita niya ang mga kasambahay na ang ganda nang upo sa sofa nila Tala sa sala at nanonood pa ng television!
Aba! Ang kakapal ng mukha! Sa pamamahay niya pa talaga? Sino sa kanila ang nagbigay ng permiso? Tuwang-tuwa pa sila kaya nakaramdam lang lalo nang matinding inis si Tala. Sisitahin niya sana ang mga ‘to ngunit natigilan siya nang may mga salita siyang marinig mula sa television na iyon.
“Fredrick. Mahal kita, pakiusap…”
“Sinayang mo ‘yong mga oras ko sa’yo. Minahal naman kita, Nicole, pero anong ginawa mo? Patuloy mo akong itinataboy noon. Tao lang din ako katulad mo, Nicole, napapagod. Sorry, but I have realized that there’s someone better and the one that I deserved is waiting for me.”
“Please…”
“Nicole naman kasi. Sana maintindihan mo. You don’t want to take risk with me before kasi duwag ka, takot ka. Don’t get me wrong but that’s the truth.”
Agad na napalunok si Tala nang marinig niya ang scripts na ‘yon. Padabog na naman siyang naglakad pabalik sa kuwarto niya. Sa sobrang inis na rin talaga. Should she really give him a chance?!
Paano nga ba kung mapagod sa kaniya si Khrist? Sa maikling panahon pa lamang ang nakakalipas ay aaminin niyang nasasanay na siya. Kaduwagan nga ba talaga ang kaniyang ginagawa?