IT was noon when Khrist decided to approach Yella. He was a little bit nervous because of what Yella knew.
That’s not true so his goal was true explain what happened. Kilala niya naman si Yella at hindi naman siya nito isusumbong kapag siya’y umamin sa kan’ya, isa pa ay titigil na naman na siya sa pagsusuyo kay Tala. Wala naman siyang mapapala sa babaeng iyon.
Nagtungo na siya sa library. Dito talaga madalas ang dalaga kaya malamang ay nandito siya. Naglalakad pa lang siya papasok nang matanawan niya sa isang silya si Jacinto na may librong binabasa. Kumunot ang noo niya.
Is this a perfect place to talk to Yella? Baka mabunyag kaagad ang plano niya. Well, hindi naman talaga dapat sa library nag-uusap kaya aayain niya na lang si Yella palabas.
But that's not easy!
Kapag din nakita sila ni Jacinto nang magkasama baka bigyan lang talaga ‘to ng ibang meaning. Kaya ano ba ang dapat niyang gawin?
Sa tingin niya’y hindi pa siya napapansin ni Jacinto na pumasok. Tahimik lang din siyang humakbang papunta sa mga shelves nang libro. Hindi niya pa natatanawan si Yella but he’s hoping na nandito siya.
Kunwari’y libro ang kan’yang hinahanap. Pasimple lang siya’t sinisigurado ni Khrist na walang ibang makakapansin sa kaniya lalo na si Jacinto.
Ilang minuto pa ang lumipas at nalibot niya na ang buong library ay hindi niya nakita roon si Mariella. It’s confirmed. Wala nga rito si Yella kaya naman nagpasya siyang lumabas na lang ng silid na ‘yon. Ngunit bago pa man mangyari iyon ay natigilan siya nang makita niya si Jacinto na naroon pa rin sa dati niyang puwesto nang maabutan siya ni Khrist kanina.
Wala namang problema roon ngunit ang ikinagulat niya lang ay makita niya kung sino ang kasama nito. It was Yella at may libro sila na kaniya-kaniya nilang binabasa.
Napakuyom ng kamao si Khrist. Hindi niya lubusang matanggap ang nakikita niya. Namumuo ang galit sa kaniyang dibdib. Bakit sila magkasama sa isang table ngayon? Hindi naman sila naging malapit sa isa’t isa! At walang magiging dahilan para mangyari iyon! Anong problema ni Jacinto?
Si Yella ang talagang kasama nito, hindi siya puwedeng magkamali. Sa inis niya’y lumabas na lang siya ng library na ‘yon nang mabigat ang dibdib. Sigurado naman siyang hindi siya napansin nila Jacinto.
The f**k.
He needed a valid reason for this! Magkaibigan na ba silang dalawa? But why?! How dare them!
Khrist was clenching his jaw while he was walking at the corridor. Doon niya napansin na masasalubong niya si Tala ngunit hindi tumigil si Khrist para kausapin ang dalaga. Nilagpasan niya lang ang babaeng matigas ang ulo na ‘yon. Hindi niya alam kung nagulat ba siya sa ginawa niya dahil wala na naman ‘tong pinapakitang emosyon.
Ipapaalam niya na rin sa kaniya na ayaw niya na’t titigil na siya.
Gusto niya lang mapag-isa ngayon at ayaw niya nang kausap. Naiinis siya nang sobra.
Damn you, Jacinto. Nagbabalak ba siyang agawin sa kaniya si Yella? Dahil ano?
Nagsimula lang talaga ‘to doon sa panliligaw niya kay Tala. Jacinto, he knew that’s pissed with that thought, ayaw naman talaga ni Jacinto kay Khrist, kaya malamang ay gumaganti siya nang matindi. Kahit pa sinabi nito na pumapayag na siya! Halata naman na pilit!
HIS mouth quirks up. Nandito siya ngayon sa library, malapit lang sa may pinto, ito talaga ang lugar na pinili niya dahil tahimik. Walang maaaring manggulo sa kaniya.
Ilang pahina na lang ay matatapos na ni Jacinto ang binabasa niyang libro tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas. Natuwa siya’t nabusog na naman siya ng kaalaman tungkol doon. Dahil sa makaluma niyang pangalan ay pinanindigan niya na rin ang pag-alam sa kasaysayan.
Mayamaya pa’y napansin niya si Khrist na pumasok sa library. Gusto niyang matawa dahil wala siyang makitang dahilan upang pumunta ang lalaking ‘to sa library. Is he out of his mind?
Nagtaka lang talaga si Jacinto. Hindi naman siya pumapasok ng library noon pa lang kaya ano ang ginagawa niya rito—nope. Natigilan siya nang maaalala niya si Yella. Nagpupunta na nga pala ang binata sa library no’ng mayroon silang relasyon ni Mariella. Sa kaniyang pagkakatanda’t nakikita niya lamang talaga na madalas niyang samahan si Mariella rito.
Ngunit nang maghiwalay silang dalawa ay natigil na ang pagpunta niya rito, that’s because he doesn’t have reason to come here anymore. Hindi naman siya mahilig magbasa katulad ni Tala—once in a school year nga lang kung magpunta si Tala rito.
Hindi na lamang pinahalata ni Jacinto na nakita niya ‘to. Bumalik na lamang siya sa pagbabasa, nawala rin naman si Khrist na mukhang lilibutin ang buong library. Nasa may bungad kasi ang kaniyang puwesto kaya mabilis niya siyang napansin.
Pati na rin ang bagong dating. Natigilan siya nang isang minuto lamang ang nakakakalipas ay si Mariella naman ang pumasok. May dalang libro at mukhang magbabasa rin. Kinuha ni Jacinto ang atensyon ng dalaga sa pamamagitan ng pagsitsit dito.
Napalingon naman kaagad si Yella. “You can join me here,” mahinang sabi niya. Kumunot lang ang noo ni Mariella. Wala naman talaga dapat na pakialam si Jacinto sa babaeng ‘to ngunit si Khrist lamang ang inaalala niya.
Bigla rin kasing pumasok sa utak niya na baka si Mariella ang hinahanap ni Khrist.
“Ako?” pabulong din na tanong niya habang tinuturo ang sarili. Napatango si Jacinto.
"Ikaw nga."
Kahit medyo naguguluhan ang dalaga ay sumunod pa rin siya kay Jacinto kaya naman lihim na napangisi ang binata. Maybe, if Khrist see there together, he’ll get pissed.
And that's what Jacinto wanted, to make him pissed.
“You love reading a book in history,” saad ni Mariella habang inaayos niya ang librong kaniyang babasahin.
"I am..."
Hindi naman na sumagot ang dalaga sa kaniya. Natahimik na silang nagbabasa. Hindi niya rin masyadong pinansin ang dalagang kasama niya. He focused on the book that he’s reading hanggang sa dumating si Khrist. Napansin niya ‘yon. Jacinto was aware that they saw them, tiningnan pa sila nang masama bago nagmartsa papalabas ng library. Napangisi naman tuloy siya dahil nagtagumpay ang plano niya.
“May nakakakilig ba sa history book?”
Na-freeze ang kaniyang ngiti dahil kay Mariella. Nakatingin na ang dalaga nang diretso sa kaniya. Tumikhim lang siya at umiling. Nag-iwas din siya ng tingin.
“Then, bakit parang kinikilig ka?”
“Hindi ako kinikilig, Mariella.”
“Weh? Bakit ganiyan mga ngiti mo, Jacinto? By the way, puwede mo naman akong tawaging Yella kung nahahabaan ka na sa pangalan ko.”
Umiling lang si Jacinto. Natahimik na sila pareho. Patuloy lang sila sa pagbabasa hanggang sa matapos nang basahin ni Jacinto ang libro kaya iniwan niya na si Mariella doon nang hindi nagpapaalam.
"Jacinto..."
Ngunit bago iyon ay natigilan siya dahil sa boses ng dalaga na tinawag siya. Kaya bumalik siya roon upang magtanong kung bakit.
“Huh?” nagtatakang tanong ni Mariella.
"You called me."
“I didn’t. Baka imagination mo lang. Bakit naman kita tatawagin? Hmp.” Umalis muli roon si Jacinto at nagtungo sa mga shelves upang ibalik ang libro. Siyempre ay pinangkat niya rin ang libro kung saan nabibilang. Pagkatapos ibalik ni Jacinto ang libro ay lumabas na siya ng silid-aklatan ng walang lingon-lingon.
"NINE days to go…" she murmured. Her mother heard it immediately. There's no reason for her not to.
"Oo, tapos nine days ka lang din do'n," sagot ng ina. Napasimangot naman si Lirah.
"What if extend pa natin ng one month? Two month naman bakasyon ko, eh."
Tinawanan lang siya ng kaniyang ina. Nagsusulat ang Mama niya sa notebook tungkol sa trabaho niya.
Iling na lang ang sinagot nito bago siya nagpaalam na may gagawin lang sa kan'yang silid. Wala naman siyang masyadong kaibigan dito sa Switzerland. Madalas ay dito lamang talaga siya sa bahay nila.
Mas mabuti na rin siguro 'to kaysa naman makipag-interact sa taong ta-traydurin din siya. Wala na siyang masyadong tiwala, mahirap na magbigay. Pamilya niya na lang talaga ang masasandalan at mapagkakatiwalaan niya.
Si Tala ay mabait naman talaga—hindi rin naman niya kayang gumawa ng kung anuman na ikapapahamak ni Lirah.
Naupo siya sa may kama at tingnan na lamang ang canvas malapit sa may study table niya. Sa pananatili niya rito ay malamang sa malamang ay tinatamaan talaga siya ng pagkabagot kaya naman naka-discover siya ng panibagong hobby at iyon ay ang pagpipinta.
It was just an apple, but it's perfect for her eyes.
"I'm going to give you to Jacinto. Alam ko na magugustuhan ka niya," saad ni Lirah sa canvas na may pinta, as if naman ay sasagot sa kaniya ang bagay na 'yon.
Ngunit tumaas ang lahat ng balahibo niya nang bigla na naman niyang marinig ang boses na 'yon.
"Bituin, pinapatawag ka ng 'yong ina."
Ang narinig niyang boses na 'yon ay hindi niya matukoy kung may pinagkaiba ba sa nauna ngunit natakot siya. Nagmadali siyang lumabas ng silid. Pinuntahan niya muli ang kaniyang ina.
Sino si Bituin? Hindi niya lang ba guni-guni 'yong una niyang narinig? May multo ba sa kuwarto niya?
"Ma! Sino po si Bituin?" Hindi niya naiwasang magtanong nang diretso.
Nakita niya ang mabilis na pagbitaw ni Mama niya sa hawak nitong ballpen. She looked up on her.
"Saan mo narinig 'yan?"
"May mga boses na akong naririnig nitong nakaraan, at malinaw ang 'Bituin' na salita. Hindi lang po talaga ako sigurado kung pangalan iyon o ano."
Her mother looked confused at that moment. "Lirah, go back to your room and take a nap, okay?" Lumapit pa siya sa kaniya.
Hinawakan siya sa magkabilang balikat at hinatid pa pabalik sa kuwarto niya.
Lalo lamang tuloy naguluhan si Lirah dahil sa reaksyon ng in. She was confused too—kung sino ba nga ba si Bituin. Is she actually heard those voices for real? Hindi naman siya nababaliw?
Saan naman galing ‘yon? May multo na ba talaga sa bahay nila rito?
HINDI naman naiwasan ng dalaga ang mapasimangot na lang hanggang sa maka-uwi siya sa kanila. Nasalubong niya pa si Emilio Clinton ngunit wala naman na siyang panahon upang pansinin ang ama.
Dire-diretso lamang si Tala papunta sa kaniyang kuwarto. She doesn’t exactly know why she’s acting like this.
Dapat nga’y natutuwa na siya dahil parang nagsisimula na siyang layuan ni Khrist.
Siguro ‘yong mga masasakit na salita na sinabi ni Tala ay malaki ang naging epekto kay Khrist. Malamang ay nasaktan niya talaga ‘to.
Should she apologize to him?
W-What?!
No freaking way!
Hinding-hindi siya hihingi ng tawad sa lalaking ‘yon!
“Hati! Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na pumirmi ka lang dito?”
Agad siyang napatayo nang marinig niya ang boses na ‘yon. Mula ulo hanggang paa ay nangilabot siya. Napasilip pa siya sa may bintana niya upang tingnan sa labas kung doon iyon nanggaling. Ngunit hindi naman pamilyar ang boses na ‘yon at tahimik naman sa lugar nila.
Walang nag-aaway sa labas.
Tahimik naman—pero ang boses na narinig niya’y nagtataka siya kung saan nanggaling. Para saan ‘yon? Ngunit wala naman pala dapat siyang pakialam.
Baka naman ilusyon niya lang ang bagay na ‘yon.
"Tala."
She looked at the doorway when she suddenly heard the knocks and his brother calling his name.
“What?” iritableng tanong niya.
"I am going to Lola Benilda's house. Do you want to come with me?"
Hindi naman na siya nag-abalang buksan pa ang pinto dahil nagkakaintindihan naman sila.
“No. Umalis ka na riyan!”
“Lola Benilda wants you to come—for your information,” Jacinto said. Napairap naman siya. “Baka gusto mong buksan ang pinto.”
"Eh, kung ayaw ko?"
"Look, Tala. Our Lola is old. Don't do such things that you'll regret soon."
"For your information, I am not doing anything that I will regret."
"Hindi mo ba talaga maintindihan, Tala? Wala ka na bang natitirang kabutihan diyan?” Mukhang na-sense ni Tala ang inis sa boses ni Jacinto.
“Wala akong ginagawang masama, Jacinto. Uma-ayaw lang ako.”
“Na maaari mong pagsisihan!” Jacinto said with annoyance. She doesn’t care, eh!
“Marami na akong pinagsisihan noon at ngayon! Sanay na ako kaya umalis ka na riyan! I told you, ayaw ko kaya huwag mo akong pilitin, Jacinto!” Tala hissed.
Natahimik ang paligid pagkasabi niya no’n. Ilang segundo lang ang dumaan ay narinig niya na ang mabibigat na yabag ni Jacinto papalayo. Siya naman ay napasinghap na lang at wala sa sariling napatayo.
Ganoon ba talaga siya kasama?
Bakit parang lumalambot siya?
Tama nga naman ang mga salitang kakasabi niya pa lang na marami siyang pinagsisihan, ang tungkol sa nanay niya. Ang course na kinuha niya at marami pang iba.
Ngunit may gana pa talaga siyang dagdagan ‘to? What if tama naman si Jacinto?
Bigla siyang nakaramdam ng kaba na sa tingin niya’y may mangyayaring hindi maganda. Napatingin siya sa bintana nang bigla na lamang pumasok ang napakalakas na hangin.
Dahilan upang kilabutan siyang muli.
Tala cursed hard before standing up. Nagmadali siyang lumabas ng kuwarto niya.