Kabanata 18

1912 Words
"WAIT! Ano ba? Hindi mo ba ako hihintayin?!" Tala was running towards him. Akala ni Jacinto ay hindi na 'to susunod sa kaniya. He was pissed earlier because he felt Tala was insulting their grandmother. She doesn't even care about it? Hindi niya naman hinihiniling ngunit ang pagkawala ng kanilang Lola ay hindi nila mapipigilan. Bakit hindi na lang nila sulitin ang mga natitirang oras at samahan siya? Lalo pa’t sinabi rin ng Lola Benilda niya na gusto niyang makita si Tala Maria.       Tumigil siya sa paglalakad at sinalubong ng tingin ang kapatid hanggang sa makalapit siya. "Ayaw mo, 'di ba?" Tala crossed her arms. Heto na naman, nagta-taray na naman siya. “I changed my mind,” sabi niya. Tinitigan lang ni Jacinto si Tala. Paano kong unti-unti na nga ‘tong nagbabago? What did she change her mind? Jacinto couldn't help but think that Khrist could be the reason for this change. Perhaps? Because of that, she, now, knew how to change her mind. “Okay. Get in to my car,” saad ni Jacinto sa kapatid. Inirapan lang siya ni Tala bago siya sinunod. Wala sa sariling napangiti siya at nawala ang mga inis niya. Sumunod ba talaga sa kaniya si Tala? Nag-iwan na lang siya ng mensahe sa kan’yang ama na pupunta nga sila sa bahay ng Lola nila at doon na muna sila hanggang bukas. Habang nasa biyahe sila ay hindi pa rin nawawala ang mga ngisi sa labi ni Jacinto. Tala Maria noticed it. “Can you stop it? It’s annoying,” reklamo pa ni Tala. "Stop, what?" "Stop grinning! I hate it!" “Bakit ang mga grin lang ba ni Khrist ang gusto mo?” panunukso niya pa. Natahimik naman si Tala ng ilang minuto. Sa labas lang nakatingin ang kapatid niya at nakasimangot. Si Jacinto ay tuwang-tuwa lang. Ilang taon na ba ang nakakalipas simula no’ng huli silang nagsabay sa iisang sasakyan? Matagal-tagal na rin. Buhay pa no’n ang kanilang ina. He was just happy. "I thought you were the one who could help me, hindi pala. Botong-boto ka pa sa Khrist na ‘yon,” she suddenly whispered. Jacinto didn’t head it well so he asked to repeat it pero tinarayan lang siya ng kapatid. Natahimik na sila until they came to their Lola’s house. “Mabuti naman talaga at nakinig ka.” “May tenga pa kasi ako,” pilosopong sagot ni Tala at nauna pa siyang maglakad papasok sa loob ng bahay na ‘yon. Napakurap-kurap na lang din ng ilang beses si Jacinto. Hinabol niya lang siya at sinabayan sa paglalakad. “Alam mo ba iyong painting na kamukha ni Lirah?” bulong niya rito. “I don’t care, Jacinto. Get away from me—hindi ako sa’yo sasaby pag-uwi kapag ako nainis,” mas binilisan pa tuloy ni Tala ang kan’yang paghakbang. “Oh, Tala, napadalaw po kayo.” Halatang nagulat pa ang isa sa kasambahay sa bahay na ‘to. “Call me with Madam, understand?” walang na namang manners na sagot ni Tala at iniwan na siya. Mas matanda sa kanila ang kasambahay na ‘yon. “Pasensya na po kayo sa ugali ni Tala.” "Okay lang po, Jacinto." Matagal na ang Aling Lita na nagta-trabaho sa kanila. Nandiyan na siya kahit no’ng mga bata pa sila. Hindi na rin talaga sila tinatawag ng Madam at Sir nito. They’re already family here. Iyon din naman ang utos ng Lola Benilda nila kahit noon pa. Sinundan niya na lang din si Tala. Papasok na siya sa kuwarto kung nasaan ang Lola nila. Pinigilan niya na muna ang dalaga. "Remember this Tala; she's older than you. Respect her, okay? Just like the old times." "You tell me that she wanted to talk to me. I don't like the old times." “Tala!” he spat. “I am just asking you to be nice to her, okay? Kung hindi, kalimutan mo nang kapatid mo ako, and vice versa,” saad lang ni Jacinto. Iniwan niya na roon ang dalaga. Sana naman ay matakot siya.          AKALA niya ba ay matatakot si Tala sa mga sinabi nito? She rolled her eyes over and over again. Humarap na siya muli sa pintong ng kuwarto na ‘yon at saka niya binuksan. Sa totoo lang ay medyo kinakabahan siya. Matagal na rin simula nang nakausap niya ang Lola niya. She was really distancing herself since then. Pagpasok niya sa silid ay agad niya namang nakita ang Lola niya na nakaupo sa may rocking chair. Nakaharap iyon sa may verandah lang ng kuwarto niya. Ang kurtina roon ay sumasabay lang sa ihip ng hangin na pumapasok sa loob. Tiningnan niya lang muna siya—nakatalikod si Lola Benilda sa kan’ya kaya hindi niya naman makita ang mukha nito. There’s something was telling her to just leave. Kaya siya’y napako na lang do’n at nagdadalawang isip na lumapit sa Lola niya. But… “Tala Maria, halika.” Aaminin niyang mas nakakakilabot ang biglaang pagsalita ng kaniyang Lola kaysa sa boses na narinig niya kanina sa bahay. Paanong nalaman ni Lola na si Tala ang pumasok? She furrowed. Dahan-dahan na lang siyang lumapit dito. Kumuha na rin siya ng upuan at itinabi iyon sa rocking chair ng Lola. Naupo siya roon at agad niya ring tiningnan ang itsura ng Lola niya. Kulubot na ang mga balat nito. Nakangiti rin siya at nakatingin lamang sa labas. Hindi man lang siya tinapunan ng tingin ng Lola. “Makinig ka, ha. May iku-kuwento ako,” saad niya. Sasabihin niya sanang hindi siya interesado ngunit naalala niya lang si Jacinto. Sumu-sobra na ba talaga siya? “S-sige p-po…” magalang na sabi niya. Pilit. Ngunit napatanong siya sa sarili niya na kung hindi niya gagalangin ang nakatatanda sa kaniya katulad ng palagiang turo ng ina noon, baka kinamumuhian na siya ng ina na nasa itaas na. “Pinakasalan ni Janice ang ama mo…” panimula niya. “Kahit na may ibang iniibig ang ‘yong ina ay si Emilio pa rin ang pinili niya kasi magkakaroon na sila ng anak, at si Gabriel ang naging panganay nila…” “Si Jacinto po…” pagtatama na lang ni Tala sa kaniya. Ang Gabriel ay ang kapatid ng kaniyang ina. Sigurado siyang nagkamali lang ang Lola. “Pagkatapos… nilang magpakasal ay napamahal na rin naman si Janice sa tatay mo kaya wala nang naging problema. Ngunit noon pa lang… habang lumalaki si Gabriel ay nakikita ko kung gaano siya kahawig kay Jacinto.” Is her Lola kidding Tala? Si Jacinto ang anak at hindi si Uncle Gabriel! Baka nabaliktad lang ni Lola, ang sabi rin kasi ay unti-unti na raw ‘tong nawawalan ng ala-ala. Kaya hindi niya rin talaga alam kung dapat ba siyang maniwala sa kuwento niya. Makikinig na lang siya… But she’s not sure if nagkamali lang talaga sa pagsabi ng mga pangalan ang Lola. She doesn't think so if Uncle Gabriel and Jacinto are alike. “Kilala mo ba si Jacinto, Tala?” Hindi pa rin siya tinatapunan ng tingin ng Lola niya. Wala na yatang sense ang kaniyang pagkukuwento. Hindi niya na siya maintindihan! Ngunit ikinalma pa rin niya naman ang kaniyang sarili. “Yes. Kapatid ko po siya.” "Walang kapatid si Jacinto, Tala.” Hindi na lang sumagot ang dalaga. “Si Jacinto ay irog ni Stefania ngunit hindi naman inaasahan ni Stefania na mangyayari ‘yon.” Mangyayari, ang alin? Hindi na nagpatuloy si Lola sa pagkuwento hanggang sa may pinakuha siya kay Tala. Sa may aparador niya ay mayroon daw maliit na box. Sinunod lang niya ang Lola Benilda at mabilis niya rin nahanap ang pinapakuha nito. "Buksan mo 'yan, Tala." Kahit naguguluhan ay sinunod niya pa rin ang Lola niya. Binuksan niya ang maliit na kahon, pansin din ni Tala na mukhang mas luma pa sa pangalan niya ang kahon na ‘yon ngunit magandang tingnan—aaminin niya. She opened it then saw a necklace there. What's with this? “Nakita mo na ang laman?” "Opo." “’Yan ang kuwintas na ibinigay ni Jacinto kay Stefania. Ngunit itinapon ang kuwintas na ‘to sa ilog. Mabuti na lamang ay nahanap pa rin ‘yan at itinago na lang.” Kinilabutan siya sa mga salitang lumalabas sa bibig nito. Ang paraan ng pagngiti niya rin ay isa pa sa nakakakaba. She’s one-hundred percent sure na hindi si Jacinto, na kapatid niya ang tinutukoy nito. Wala siyang kakilalang Stefania! She was so sure of that. “Lola, magpahinga na lang po kayo,” pag-iiba na lang ni Tala sa usapan. Doon lang siya nilingon ng Lola niya. “Ipangako mo sa akin, Tala… Itago mo ang kuwintas na ‘yan. Huwag na huwag mong hahayaang mapasakamay ni Lirah ‘yan Naiintindihan mo ba?” Bakit hindi na lang siya ang magtago nito para sigurado? “Hindi ko po sigurado kung matutupad ko ‘yan kaya naman po hindi po ako pumapayag na tanggapin ‘to,” sabi ni Tala sa Lola. Tinitigan siya ng Lola niya nang matalim. “Ikaw ang nakahanap niyan sa ilog…” "Lola?" “Hati! Dito ko siya nasilayan kagabi! Nakita ko ang ginawa niya!” “Huwag kang sumigaw, Bituin! Dahan-dahan lang sa iyong paglalakad!” “Importante kay Jacinto ang kuwintas na ‘yon! Mahalagang mahanap natin ‘yon!” Bigla na lang napanganga si Tala. A sudden flashback flashed in her mind. Nakita niya ang dalawang babaeng nakasuot ng mahahabang saya habang nagmamadaling maglakad sa isang mabatong lugar. Tumingin siya sa Lola niya na nakatingin lang din sa kaniya. “L-Lola… b-babalikan ko po kayo.” “Itago mo ‘yan, Tala.” Nagmadali si Tala na iwan ang Lola niya sa silid pagkatapos ay tinawag niya ang nurse na siya nang magbantay. Ang kahon din na may kuwintas ay ini-abot niya lang din kay Aling Lita na nadaanan niya. “Jacinto! Uwi na tayo, tara na!” Tumataas lahat ng kaniyang balahibo sa katawan. Nakita niya lang si Jacinto na sumisipol habang nagduduyan dito sa may lilim sa labas lang ng bahay ng Lola. "Bakit?"                                             "Bilis na kasi!" “Why it seemed like you are about to cry?” Jacinto asked. “Kumusta pag-uusap niyo ni Lola? Bukas pa tayo uuwi. Dito tayo matutu—” What?! She won't want to stay any longer here! Dapat talaga ay hindi na lang siya sumama! She should've just followed what her mind is telling, and that is to f*****g say no! “Jacinto! I-uwi mo na ako! Pakiusap!” Ngayon na lang ulit siya nakiusap nang ganito. Ang huling beses ay iyong mamamatay na ang ina niya. Nakiusap siya noon na huwag muna. Wala naman nang nagawa si Jacinto. Nagbuntong hininga na lang siya’t inaya na sa kotse. Ngunit hindi pa sila umalis dahil magpapaalam pa si Jacinto sa Lola Benilda na uuwi na. Naghintay lang siya roon. Ngayon lang siya ulit natakot nang ganito! Napapikit siya nang mariin na agad niya na rin pinagsisihan. Sa pagmulat ng kaniyang mga mata ay halos mapatalon siya sa gulat nang makita niya ang kahon na may laman na kuwintas sa may dashboard. Natatakot na talaga siya nang sobra. BINIGAY NIYA NA ITO KAY ALING LOLITA! Sa takot niya’y hindi niya na ‘yon hinawakan. Hinayaan niya na lang ‘yon at sasabihin kay Jacinto ang nangyari kahit na may posibilidad na hindi siya maniwala. And, she swears. She doesn't want to get back here ever again!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD